Two Weeks: Chapter XXXI

106 2 0
                                    

'Love Me Like You Do'

Nagulat sila kuya, mommy at daddy sa biglaan kong desisyon. Nang maipaliwanag ko naman sa kanila ang lahat ay agad naman nila akong naintindihan.

Si daddy pa nga ang nakipag-usap sa travel agency para makakuha ako ng earliest flight possible. Si mommy tinulungan akong mag empake ng mga gamit ko habang nagbibilin sa akin ng mga bagay tungkol sa pag-ibig.
Ang sarap isipin na kasama mo ang pamilya mo sa mga ganitong sitwasyon.

Mahihigpit na yakap at halik ang ibinigay sa akin ni mommy at daddy. Kahit na alam kong malungkot sila sa pag-alis ko ay ramdam ko din namang sinusuportahan nila ako sa naging desisyon ko.

Hindi na sila sumama sa airport, si kuya Pat na lang naghatid sa akin. Bago ako umalis ng sasakyan ay kinausap ako ni kuya. Kinausap niya ako bilang nakababatang kapatid niya. Ramdam na ramdam ko kung gaano ako kamahal ng kuya, at sinabihang nandito lang siya para sakin kung ano man ang maging resulta ng gagawin ko.

"Kuya pat salamat. Si mommy at daddy, ikaw na muna ang bahala. Sana magtagumpay ako kuya. Please pray for me."

"Don't worry Alexa. Nararamdaman kong magiging ok ang lahat sa inyo ni Renz. Magdasal lang tayo at tiwala lang. Mag-iingat ka, at wag mong alalahanin si mommy at daddy, ako na ang bahala sa kanila. Balitaan mo ako ha."

"I love you kuya."

"I love you too Alexa. Galingan mo. Aja."

"Yes kuya."

Saktong sakto ang pagdating ko sa airport. Tinatawag na ang mga pasahero para sa last flight sched pa Manila. Mabuti na lang at nakaabot pa ako.

Halos hindi ako mapakali sa inuupuan ko. Kinakabahan ba ako o excited lang akong makita si Renz para magsabi ng totoo.

Inip na inip na ako sa byahe na lahat na ata ng posibleng gawin ay ginawa ko na, nanood ng movies, nakinig ng lovesongs, kumain, natulog, nagbasa at nagsulat sa journal ko. Hay, naiinip na ako.

Nagising ako ng magsalita ang piloto na madedelay ng kaunti ang flight namin. Isang oras. Wow. Kaunti ba yun? Kung kelan naman ako nagmamadali ay saka naman nagkakaroon ng aberya. Hindi yata talaga gusto ng tadhana na magkita kaming dalawa. Patience is a virtue talaga.

Itinulog ko na lang ulit ang pagkainip ko kesa masapak ko ang mga stewardess at piloto sa kakahintay na makalapag ang eroplano.

Makalipas ang 20 oras na byahe ay hello! Nandito na ulit ako sa Pilipinas! Mahigit isang taon din akong mawala. Nakakamiss talaga dito.

Pagkalapag na pagkalapag ng eroplano ay dali dali akong tumayo at nagmadaling bumaba para naman abangan ang mga gamit ko. As usual, mabagal padin pati pag ikot ng mga bagahe. Pati sa immigration ay napakahaba din ng pila. Naloloka na ako. Ano ba ito. Nagmamadali nga ako diba? Bakit ganito?

Halos isang oras din ako sa airport bago nakalabas at makahanap ng taxi na masasakyan pauwi sa bahay. Mabuti na lang at madaling sumakay ng taxi dahil dinagdagan ko na lang para hindi na niya ako tanggihan at hindi na siya makapalag pa.

Pinagmadali ko si manong taxi driver, pero yung safe na pagmamadali naman. At voila! Sa wakas nandito na ako sa bahay.

Ding dong.

Pinagbuksan ako ng isang kasambahay namin ni Jassy.

"Ma'am Alexaaaaaa!" nagulat si Manang Joy.

"Manaaaang. I miss you. Where's Jassy?" tanong ko. Habang nagmamadali parin akong tumatakbo sa loob ng bahay. Iniwan ko na ang mga bagahe ko sa labas. Nandyan naman sila Manang.

"Jassssssy! I miss you so so so much." Niyakap ko at pinapak ng halik si Jassy.

"Alexaaaaaaa, i miss you too. Bakit hindi mo sinabing uuwi ka? Sinurprise mo ako ah."

"Umuwi ako dahil tinawagan ako ni Andrea. Aalis na daw si Renz papuntang UK. Kailangan ko siyang makausap ng personal. Kailangang malaman niyang mahal ko siya Jassy. Kailangan niyang malaman na nagbalik na ako."

"Pero huli na ang lahat."

"Bakit? Hindi pa naman siya nakakaalis diba?"

"Nakaalis na siya Alexa. Ngayon ang flight niya."

"Ha? Hindi. Hindi yun maaari. Paano mo nalaman?"

"Galing siya dito kanina, nagpaalam na aalis na nga daw siya. Nagulat din ako na dumaan pa siya dito, nagbabakasakali paring nandito kana at maabutan ka niya."

"Hindi. Hindi. Kailangan ko siyang makausap. Saang terminal siya, anong oras ang flight niya, Jassy please. Tulungan mo ako."

Pinaandar ni Jassy ang sasakyan niya hanggang airport, habang ako ay patuloy na nagdadasal na sana ay maabutan ko si Renz bago pa siya makasakay ng eroplano.

Nagtanong tanong kami ni Jassy kung nakaalis na ba ang eroplanong sinasakyan ni Renz dahil hindi namin alam kung anong flight schedule at flight number niya.

Nakiusap na lang ako sa isang ground crew na tulungan akong i'trace ang flight ni Renz. Ilang minuto din kaming nagpaikot-ikot sa airport para lang malaman kung nakaalis na ba ito o hindi pa, ngunit sa kasamaang palad ay nakaalis na siya.

"Hi Ms. Alexa right? Ah, for the flight of Mr. Renz Velasco, nakaalis na ang plane 5 minutes ago." sabi nang ground crew.

Nanghina ako sa narinig ko. At bumagsak na lang ang mga luha ko.

"Alexa, i'm sorry. Ang bagal ko." sabi ni Jassy.

"No. No Jassy, it's not your fault. Maybe we're not meant to be talaga for each other. Kasi hindi kami nabibigyan ng pagkakataon para magkita at magkausap. I feel na hindi sumasang-ayon ang tadhana sa aming dalawa." malungkot na sabi ko.

"Don't say that Alexa."

"Ginawa naman natin ang lahat diba? Pero wala pa rin, hindi parin naging sapat.  Nakaalis na siya, nakaalis na siya ng hindi ko man lang nasabi sa kanya ang matagal ko nang gustong sabihin."

"Anong gusto mong sabihin sa akin Alexa?" napatigil ako sa pag-iyak ko. Nagulat ako. Napalingon ako sa direksyon kung saan narinig ko ang boses ng taong pinakamamahal ko.

Two WeeksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon