Two Weeks: Chapter XXX

116 1 0
                                    

'One More Try'

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko mula kay Jassy. Hindi ko alam kung paano ulit ako magsisimula ngayon. Hindi ko alam kung paano ko haharapin itong sitwasyon na ito na hindi ko naman inaasahan.

Masaya ako dahil nalaman kong minahal ako ni Renz, na naging mahalaga ako sa buhay niya at naging parte ako ng pagkatao niya.

Tinignan ko yung mga litrato namin ni Renz sa cellphone ko. Ito yung mga pictures namin sa isla kung saan naging masaya kaming dalawa.

Hindi ko ito magawang burahin kasi ito lang ang ala-ala naming dalawa. Napapangiti padin ako nito hanggang ngayon, pero alam kong ang mga ngiting ito ay hindi magtatagal at mapapalitan din ng mga luha sa huli.

Hindi ko alam kung dapat ko pa bang sabihin din kay Renz na gusto at mahal ko siya. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong magtapat sa kanya. Kasi kung gagawin ko iyon ay may masasaktan akong tao. Masasaktan ko si Matteo.

Hanggang ngayon ay nandyan para sa akin si Matteo. Hindi niya ako iniwan. Kahit na magkalayo kami at parang magkabilang mundo ang pagitan naming dalawa ay hindi siya sumuko. Kahit na alam niya at malinaw sa kanya na hindi ko kayang ibalik ang kung ano mang meron noon sa aming dalawa.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Matteo na nagbalik si Renz dahil mahal niya ako. Hindi ko alam kung paano ko maipapaliwanag sa kanya ang desisyong gagawin ko ng hindi siya masasaktan, ng hindi niya mararamdamang naging unfair ako sa kanya kahit na hindi naman.

Pero ayaw kong may masaktan akong tao. Kahit sinong piliin ko ay tiyak na makakasakit ako ng tao. Kahit sino ang piliin ko ay siguradong may magiging malungkot dahil sa gagawin ko.

Kaya nagdesisyon akong wala akong pipiliin sa dalawa. Hindi na baleng masakit para sa akin basta hindi ko lang sila masaktan dalawa.

--

Nasabi ko na kay Jassy ang naging desisyon ko at sa palagay ko ay naintindihan naman niya ang kalagayan ko.

Siya na daw ang bahalang magpaliwanag kay Renz at kay Matteo ng lahat. Pinalitan ko lahat ng contact numbers ko para siguradong hindi na nila ako mako'contact pa. Tanging si Jassy at si Sir Ian lang ang may alam nito at nangako na hindi nila ibibigay ang number ko kahit kanino.

Nagpatuloy ako sa buhay ko, kasi wala naman akong magagawa kundi ipagpatuloy ito. Naghanap ako ng trabaho para kahit papaano ay malibang ko ang sarili ko. At sinuwerteng nag-open ng isang flowershop ang kaibigan ni mommy dito. Ako ang kinuhang alam niyo na, florist.

Mag-iisang taon na ako sa New York pero pakiramdam ko ay naiwan ko parin sa Pilipinas ang buong pagkatao ko. Kahit na nalilibang ako sa ginagawa ko ay hindi ko pa din maalis alis ang isang bahagi sa buhay ko.

"Good morning Alexa, how are you? Are you sick?" tanong ng amerikana kong kasama sa trabaho.

"No no, i'm fine Carrie. Thank you. Maybe i'm just tired." sabi ko.

"You can now go home if you want to, i can handle all this Alexa."

"Carrie, it's ok. I'm fine."

"Oh. Just don't force yourself to work if you can't ok?"

"Carrie?"

"Yes Alexa?"

"Have you ever been in love?" napatanong tuloy ako kay Carrie ng hindi ko sinasadya.

"Yes. A lot. Why? Are you in love?"

"Yes. But it's too complicated."

"Love is not complicated. We, people make it complicated."

"I don't understand Carrie. It feels like everything was wrong."

"Alexa, listen to your heart. As they say 'kahet keilan hinde mali eng megmahal'."

"Oh. Where did you learn that? Haha. Amazing."

"Ah, the man in the bakery near our place. He's a filipino also and he's a hopeless romantic."

"Wow Carrie. I'll teach you some tagalog words next time. And by the way, thank you for that encouraging words. It means a lot to me Carrie. Thank you."

"No problem Alexa. Everything will be ok."

"I know Carrie."

Pagkatapos ng isang mahabang araw sa shop ay nauna na akong unuwi kay Carrie para makapagpahinga. Sa totoo lang hindi talaga maganda ang pakiramdam ko kanina pa, siguro sa mata ko ito dahil hindi ko na isinusuot ang eyeglasses ko, pati pagsuot nito ay pinilit ko ding kalimutan.

Pagkauwi ko ng bahay ay sumalubong agad sa akin si kuya.

"Alexa, may tumawag dito kanina ikaw ang hinahanap. Andrea daw pangalan. Kilala mo ba?" tanong ni kuya.

Si Andrea? Si Andrea na ex ni Renz?

"Bakit daw kuya? Anong kailangan niya? May problema daw ba?"

"Wala naman siyang nabanggit. Gusto ka lang daw makausap. Importante daw. Baka tumawag ulit yun mamaya. Ikaw na ang sumagot." sabi ni kuya.

Ano naman kayang importanteng sasabihin ni Andrea sa akin. At paano niya nalaman amg number dito sa bahay? E wala naman akong binibigyan ng number ng home phone namin dito.

Maya-maya pa nga ay tumawag na si Andrea. Nung una ay hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Tinablan na naman kasi ako ng hiya. Pakiramdam ko kasi galit sa akin si Andrea dahil ako ang dahilan kung bakit hindi ulit natuloy ang love story nilang dalawa ni Renz pero nagkamali ako. Nasabi sa akin ni Andrea ang lahat ng nangyari.

"Alexa, mahal na mahal ka ni Renz. Hanggang ngayon ay hinihintay ka niya, hinihintay niya ang pagbabalik mo. Sana ayusin niyo na kung anong meron sa inyong dalawa bago pa mahuli ang lahat."

"Anong ibig mong sabihin Andrea?"

"Kaya ako tumawag sa'yo kasi aalis na din kasi si Renz, may work offer siya sa UK. I think this week ang alis niya, hindi ko lang alam kung anong exact day kasi ayaw niyang sabihin sa akin. Kaya sana magkausap kayo o magkita kayo bago siya umalis Alexa. Pinilit ko talagang hanapin ang contact number mo pero bigo ako, wala kang facebook o kung ano man kaya nagtiyaga akong hanapin ang home phone number ninyo. Nag pray ako na sana makita ko para masabihan kita at para malaman mo. Walang nakakaalam ng pag-alis niya kundi ako lang. Ginagawa ko ito para kay Renz at para sa'yo. Malaki ang utang na loob ko kay Renz kahit na hindi naging maganda ang naging ending naming dalawa. Sana Alexa magkita kayo, sana tanggapin mo na si Renz sa buhay mo. Alam kong mahal mo pa rin siya. Huwag mong pigilan ang nararamdaman mo Alexa."

Hindi ko na tinapos ang pag uusap namin ni Andrea, ni hindi na nga ako nakapagpasalamat sa ginawa niya sa sobrang pagmamadali ko na bumalik sa Pilipinas para makita at masabi kay Renz na mahal na mahal ko din siya.

Two WeeksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon