Two Weeks: Chapter XXIII

114 2 0
                                    

'One More Chance'

________- Renz's POV -________

Paalis na sana ako ng resort para puntahan si Alexa pero laking gulat ko ng makita ko sa reception area si Andrea.

Hindi ko alam kung bakit siya nandito, at kung anong pakay niya pero nung nakita ko siya isa lang ang naramdaman ko, namiss ko siya.

Na'miss ko ang babaeng iniwan ako, ang babaeng sinaktan ako pero hindi ko magawang magalit dahil minahal ko. Tatlong taon na ang nakalipas pero ramdam ko padin ang sakit na nagawa niya sa akin noon. Pero ewan ko ba, hindi ko din maipaliwanag ang naramdam ko nung makita ko siya.

Nung nakita niya akong nakatayo at nakatingin sa kanya ay nilapitan niya ako, hindi siya nagsalita, tinitigan niya ako at tumulo ang mga luha niya ng hindi ko inaasahan. Hindi ko alam ang gagawin ko nung mga panahon na iyon, pupunasan ko ba ang mga luha niya? Yayakapin ko ba siya? Hindi ko alam.

Pero niyakap niya ako. Mahigpit na yakap. Yakap na ramdam kong miss na miss niya ako at yakap na para bang mahal niya padin ako. Niyakap ko din siya pabalik, yakap na para bang nagbabalik ulit ang naramdaman ko sa kanya.

Nabigyan kami ni Andrea ng pagkakataong magkausap ng tungkol sa mga nangyari sa buhay namin. Naitanong ko din sa kanya kung bakit siya umatras sa dapat na kasal namin, magulo lang daw talaga ang isip niya nung mga panahon na iyon. Hindi din daw naging madali para sa kanya ang nagawa niya, at pinag-sisihan niya daw ang lahat ng iyon.

Naikwento niya din sa akin na nagkaroon siya ng bago, nakalimutan niya daw ako panandalian at naging masaya naman siya sa bago niya pero hindi daw niya talagang magawa ang kalimutan ako, at yun daw ang dahilan kung bakit palagi silang nag-aaway ng ex niya. Hanggang sa aminin niya ang totoong nararamdaman niya. Wala na daw sila nung ex niya kasi ako padin daw ang laman ng puso't isip niya.

Naghiwalay daw sila ng dahil sa akin, dahil wala daw siyang bukang bibig sa ex niya kundi ako, lagi niya na lang daw naikukumpara ang ex niya sa akin.

Binalikan niya daw ako para sabihing mahal pa din niya ako. Nagbakasakali siyang pumunta sa resort para hanapin ako and the rest is history.

Ngayon, hindi ko alam kung kami na ba ulit. Hindi ko alam kung ano na ulit ang meron sa aming dalawa. Siguro kami na hindi kami. Ewan ko ba, pati ako ay naguguluhan nadin. Kung ano man ang mayroon sa amin ngayon ni Andrea ay hahayaan ko na lang muna.

Si Alexa? Siguro ay makakalimutan ko din siya. Ang nangyari sa aming dalawa ay isang magandang bahagi ng buhay ko na hindi ko makakalimutan pero alam ko rin na tapos na ang kabanata na iyon sa aming dalawa, dahil wala na siya.

________- Alexa's POV -________

Halos isang buwan na din mula nung mangyari ang mga ikinalungkot ko dahil sa pagbabalikan ni Renz at Andrea pero ang sabi ko sa sarili ko na babangon ulit ako at lalaban, kasi wala namang ibang makakatulong sa sarili ko kundi ako lang. May mga bagay talaga sa mundo na hindi permanente, may mga bagay na kailanman ay hindi magtatagal sa buhay mo, ang mahalaga nakilala mo sila at natuto ka ng dahil sa karanasan mo sa kanila.

Bumangon na ako at nagpasyang pumasok sa shop kahit maaga pa.

"Alam mo bessy, parang naniniwala na ako sa kasabihan nila na kapag matamlay ang lovelife, e panalo naman sa career! Bongga!" bungad ni Jassy sa akin ng papasok na ako sa shop.

"Bakit? Ano na naman yang sinasabi mo? Ang aga Jassy ah." mataray na sagot ko.

"Ang sungit naman nito babaitang to. Spread the love bessy. Smile. Hindi bagay sayo ang malungkot. Tsaka ngumiti ka naman, mas maganda ka kapag nakangiti." panunuyo niya.

"Ano nga dapat ulit yung sasabihin mo sa akin kanina?" tanong ko.

"Ay oo, e kasi may pumunta dito kanina para mag inquire ng packages para sa bulaklak natin, Mr. Ian Fuentes name niya, infairness gwapo bessy and mukhang matalino. Anyways, yun na nga, gusto niyang makipag-usap sayo regarding sa packages kasi gusto niya tayo na ang magiging supplier niya sa mga events na wino'work out niya worldwide." manghang-mangha ang mukha ni Jassy habang sinasabi niya ang magandang balita na ito sa akin.

"Wow. Just wow. Siguro ito na yung big break natin Jassy. I"ll do my very best para makuha natin siya. Let's claim it! And please please pray for us Jassy." sabi ko.

"Yes! That's the spirit bessy." sabi naman ni Jassy.

"Paano niya naman daw nalaman yung flowershop natin? Let's be honest na hindi naman ganoon kasikat yung shop and kaunti lang naman customers natin. May nasabi ba siya sayo Jas?" pagtataka ko.

"Ah. Eh. Basta. Ang mahalaga unti unti na tayong makikilala Alexa. Ayaw mo ba nun ha?" parang pilit na may itinatago si Jassy sa akin.

"Jassy, ano na naman yan?" pagalit na tanong ko kasi halata kong meron siyang inililihim sa akin.

"Please don't be mad at me. And please please tanggapin mo na itong project na ito." sagot niya.

"Bakit nga? Ano bang meron? Sabihin mo na kasi."

"Si Mr. Ian Fuentes e tito ni Matteo. Si Matteo ang nagrekomenda na ikaw ang kuhain niyang florist and at the same time supplier ng mga bulaklak."

"What?!" gulat na sabi ko.

"Bessy, big project to. Malaki ang possibility na makilala tayo at kumita ng malaki. Kaya please, huwag mo na lang isipin yang sakit na naramdaman mo kay Matteo."

"I know Jas. It's just that bakit ito ginagawa ni Matteo? Bakit ngayon tinutulungan niya ako? Bakit ako?"

"Eh kasi gusto kong bumawi sayo Alexa. Gustong gusto ko." sabi ng isang lalaking pamilyar ang boses sa puso't isip ko.

Two WeeksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon