Two Weeks: Finale

204 9 3
                                    

'Tadhana'

Pagkatapos na pagkatapos ng mahabang dialogue ni Jassy para sa akin ay dumiretso agad kami sa "party" ni Sir Ian.

Naninibago ako kay Jassy, habang nasa byahe kasi kami ay hindi siya madaldal, hindi niya ako kinakausap at naka'concentrate lang siya sa pagmamaneho. Hindi ko na din siya kinausap kasi baka meron lang talaga siyang matinding iniisip sa mga oras na iyon.

Nang makarating na kami sa venue na ibinilin ni Sir Ian ay napansin ko kaagad ang mga bulaklak. Natandaan ko kasi ang mga gusto ng client ni Sir Ian, paano ba naman kasi parehas din kami ng tipo ng mga bulaklak.

"Ang ganda ng gawa ko Alexa hindi ba?" bulong ni Jassy sa akin habang papasok kami sa loob.

"Oo Jassy, ang galing mo. Ang ganda sobra." sabi ko habang namamangha pa din sa mga nakikita ko.

"Nagustuhan mo ba?" tanong niya sa akin.

"Oo naman. Gustong gusto ko Jassy. Ang gaganda nila." sabi ko.

"Para sa'yo yan, ginawa ko yan para sa'yo." sabi ni Jassy.

"Ha?" pagtataka ko.

"Sabi ko ginawa ko yan para sa'yo, pero siyempre may nagbayad niyan. Tsaka yung bulaklak at almusal mo kanina hindi ako ang may gawa non." sabi ni Jassy.

"Ha? Anong sinasabi mo Jassy?" tanong ko.

Pero hindi niya ako sinagot at umalis sa tabi ko. Pumalit naman si Andrea na ikinagulat ko.

"Andrea, nandito ka din?" gulat na tanong ko.

"Hahaha. Gulat ka no. Mabuti na lang sinuot mo yung binili natin, bagay na bagay sa make-up mo. Ang ganda mo Alexa. Ang ganda ganda mo." sabi ni Andrea.

"Sabi kasi ni Jassy bagay daw ang damit na binili mo sa make-up ko kaya yun ang sinabi niyang suotin ko." paliwanag ko.

"Oo nga. Bagay na bagay sa'yo. At hindi ako ang nagbayad ng damit mo. Hahaha." nawindang na naman ako sa sinabi ni Andrea.

"Ha? Anong hindi ikaw?" tanong ko.

Pero hindi din ako sinagot ni Andrea at lumayo din siya sa akin katulad ng ginawa ni Jassy. Iniwan nila akong mag-isa sa gitna. Kaloka.

Maya-maya pa ay tumugtog ang kantang "Tadhana" ng Up Dharma Down. Ang kantang tinugtog namin ni Renz sa island.

"Sa hindi inaaasahang, pagtatagpo ng mga mundo,

May minsan lang na nagdugtong, damang dama na ang ugong nito,

Di pa ba sapat ang sakit at lahat, na hinding hindi ko ipararanas sayo,

Ibinubunyag ka ng iyong mata, sumisigaw ng pag-sinta."

Isa-isang naglabasan ang mga bata na may dala-dalang kulay asul na carnation na katulad ng nakita ko sa mesa kanina at isa'isang iniabot ng mga bata sa akin ang kanilang dala-dala.

Naiiyak na ako sa nangyayari pero hindi ko parin maintindihan kung ano na bang nangyayari, kung ano bang meron ngayong gabi na ito.

"Bat' di pa patulan ang pagsuyong nagkulang,

Tayong umaasang hilaga't kanluran,

Ikaw ang hantungan at bilang kanlungan mo,

Ako ang sasagip saýo."

Unti-unti ding naglabasan ang mga malalapit kong kaibigan na matagal ko nang hindi nakikita, pati sila Jassy at Andrea ay nakita ko din na nakangiti sa akin, at nakita ko din sila Jay at Bea.

Two WeeksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon