07 - Great Pretender

86 2 2
                                    

PAIGE BLAIR VALDEZ

3 months had passed since Josh got hospitalized. Nakatanggap kami ng invitation galing kay Blaise. She organized a party, para san? Para wala lang. Ganyan naman ang mga mayayamang nilalang. Bumubuo sila ng mga sarili nilang okasyon.

"What are you going to wear for tonight?" tanong sakin ni Josh. Nandito kami sa bahay ko. Yes. Bahay ko lang, i received this house when i turned 18 this year. Mas matanda ako ng isang taon kay Josh.

"Don't know, hindi pa ko nakakapili eh" binuksan ko yung closet ko na puro pang parties ang laman. Gowns, Long gowns, Long dress, at kung anu ano pa.

"Why don't you choose one from those?" tanong niya ulit. Si Josh kasi yung tipo ng tao na kahit sobrang daming pera hangga't may magagamit eh yun pa rin ang peg niyang gamitin.

I remembered last summer, boyish pa siya noon. HAHA! She doesn't know how to wear dresses that time, medyo hirap pa nga ako turuan siya maglakad ng naka-high heels. Wala pang 30 mins masakit na agad paa niya.

Samantalang ngayon master na nya. She always wear heels at all time.

"Nope. I ordered last night. Sabi ngayon daw ang dating eh, ewan ko nga kung bat hanggang ngayon wala pa" sagot ko sa kanya. She sighed.

"Then, i'll be using one from this" tumayo siya sa kama ko, binitawan yung magazine na hawak niya at naghanap ng dress na maisusuot.

After a while she pulled out a beige long dress full of details. I smiled. Babaeng babae na talaga siya ngayon.

"Why are you smiling?" tanong niya in confusion?

"Wala lang, noon kasi you hates dresses and now ikaw na namimili mag-isa. Nice choice by the way" sinimangutan niya ko at bumalik sa kama.

Nilagay niya lang muna yung dress sa sabitan na malapit sa pinto. Lumipas yung buong maghapon na nasa kwarto lang kami maghapon. Buhay prinsesa, I have maids to do something for me. Galit na galit nga tong si Josh pag naguutos ako eh, kaya naman daw namin bumaba para kumuha ng pagkain.

"We need to get ready for the party" sabi ni Josh. She wasn't that excited when coming to parties. Ngayong lang ata.

"What's gotten unto you? Excited ka ata masyado sa party?" tanong ko sa kanya. She shrugged. Dumerecho sya sa walk in closet ko at kumuha ng towel.

"Ako na muna ha? I want to get dressed already. Tatawagan ko kasi si Alfie after ko mag-ayos para sunduin tayo" sabi niya. Tumango na lang ako.

Ngayon lang siya naexcite sa party at kay Alfie. Boyfriend niya si Alfie oo pero hindi sya ganun kasweet. Infact she's cold towards Alfie at minsan lang yan kumibo.

Ang weird lang talaga niya. Habang naliligo sya tinignan ko ang phone nya, alam kong hindi pinapakealaman o tinitignan ni Alfie ang phone ni Josh. Ayaw kasi ni Alfie na nangengealam ng privacy kahit gf nya 'to.

Until now move on pa rin ang wallpaper nya. Hays! Mahal nya pa rin talaga si Cj.

Saglit lang sya nag-ayos, kahit light make-up lang ang ganda nya pa rin. Sya yung tipo ng babae na hinding hindi mo papakawalan pag nakuha mo na. Yung kay Zeke? Hindi naman nya talaga niloko si Josh. Nangblackmail lang si Chrystel kaya ganun ang nangyari.

Yung pagsunod namin noon sa Ilocos hindi naman dapat kasama ang lintang yun, nag-insist at nangblackmail ulit.

Pag balik namin ng Manila, nagdecide si Zeke na ayusin lahat. Hindi na sya nagpablackmail kay Chrystel kaya okay sila ni Josh ngayon.

Memories of Summer ✔Место, где живут истории. Откройте их для себя