23 - Jealousy

56 3 0
                                    

Clark Johann Monterclaro's POV


"WHAT DO YOU THINK YOUR DOING PB?" Sigaw ni Josh. Nasa Baler na kami at kanina pa kating kati si Josh tawagan at talakan ang bestfriend nya.  Pinipigilan ko lang sya at alam kong tulog pa si PB ng mga oras na yun. "I KNOW HE'S NOT LIKE THAT. HINDI SYA ANG INAALALA KO, IKAW! ALAM KONG HINDI KA GAGALAWIN NI AARON, PERO PWEDE MO SYANG MAAKIT HINDI MO BA ALAM YON?" sigaw nya ulit. Inakbayan ko sya para kumalma sya, nandito na kasi kami sa suite namin. 


Isang room lang ang tutulugan namin. Why? I don't know what happened but gusto ni Josh na isa lang daw kwarto namin. 


"ANONG? WAG MO KONG BABABAAN SINASABI KO SAYO! HINDI PA TAYO TAPOS MAGUSAP PB. HELLO? PB!!!!!!!!! AISH!" Binato nya yung phone sa kama at nagcross arms. 


"Relax lang Love, malaki na si PB. You don't need to monitor her all the time, she can handle herself" Sabi ko sa kanya. Nakaharap ako sa laptop ko. Habang sya nakatayo sa gilid ng kama at iritang irita pa din. 


"You don't understand. I am not against the two of them, kahit anong gawin nila. But you see, PB still loves Tyrone. Ayokong maging panakip butas si Aaron. He's also a friend to me" Sagot nya. 


Tumango tango ako. "Sometimes, you need to be with someone to forget about the past Josh" Seryoso kong sabi sa kanya. 


Nung nasa Ilocos kami, alam kong hindi pa siya nakakamove-on nun kay Zeke. But then, naging close kami at alam kong unti unti kaming nahuhulog sa isa't isa. 


Natulala siya sa sinabi ko. Sht! Did she misunderstood what I said?


"It's not what you think" Tinitigan nya lang ako. She smiled.


"I'll just go for a walk" Sabi nya. Hindi ko na sya napigilan dahil lumabas na agad sya ng kwarto. Sht! Sabi ko hindi ko na siya sasaktan ulit eh. Alam kong nasaktan sya sa sinabi ko.


**


Leighanna Josh Del Fierro's POV


"Sometimes, you need to be with someone to forget about the past Josh" 


Paulit ulit na nageecho sa utak ko ang mga bagay na yan. Ginulo ko ang buhok ko. Ganun ba yun? Well, nung nagbakasyon ako before sa Ilocos I admit, naenjoy ko ang company nya. Nakalimutan ko si Zeke. 


Nabroken hearted ako sa kanya, nandyan si Zeke. He helped me move-on. But then again, nasaktan na naman ako ni Zeke. Cj was there to help me move on.  Panakip butas. Yan agad ang pumasok sa isip ko kanina nung bitawan ni Cj ang mga salitang yun. Naging panakip butas sya, naging panakip butas ako. Diba dapat fair lang? Pero bakit parang ang sakit sa feelings?


Because I wasn't so sure that Cj loves me that much. Unlike the love, he had for Bea.  Tatawag sana ako kay Pb pero naiwan ko pala yung phone ko sa kwarto. 


Dumerecho ako sa restau. This resort belongs to my family. I will soon take over the company. Kailangan ko ifamiliarize lahat ng bagay. Cj is here to help me. Pero ayoko muna siyang makasama ngayon. 

Memories of Summer ✔Место, где живут истории. Откройте их для себя