01 - brand new me?

479 8 0
                                    

a/n: Since i deleted all my updates from MCCG heto nalang muna. Pasensya na ha? Hindi ko pa mahanap yung missing pieces. Tss! Babawi ako pag nahanap ko na ang nawawalang perlas. Okay corny. tss!

PS: Keep safe and dry everyone! :) Photo of Zeke and Josh at the multimedia.

One.

~~~~

PAIGE BLAIRE VALDEZ

"Oy!" sabi ko sabay batok sa kanya, tulala na naman kasi siya.

"ANO BA?! HINDI NA KO HIGHSCHOOL AH! WAG MO NGA AKONG BINABATUKAN!" singhal niya sakin. Oo tama siya, fourth year na kami ngayon. Graduating na sa march, medyo matagal pa yun, July pa lang kasi eh.

"Eh kasi eh, tulala ka na naman!" sabi ko bago ako maupo sa katapat niyang upuan. Business course ang kinukuha namin, since panganay siya at ako eh only child paniguradong kami ang magtetake over sa kanya-kanyang negosyo ng pamilya namin pag dating ng takdang panahon.

"Hindi ako tulala ok? Nagrereview ako, kita mo? Ayokong bumagsak sa quiz, magagalit si mommy sakin. Mas GC pa yun sakin at alam mo yan" Tss! Review daw?

"Review mo mukha mo! Kelan ka pa natutong magbasa ng pabaliktad?" nanlaki naman yung mata niya at tumingin sa librong hawak niya.

She just looked at me frustrated. "Anong gagawin ko? Walang pumapasok sa utak ko" Nakaupo kami sa likod ng school building, kakaunti lang ang taong pumupunta dito. Tahimik kasi dito, at marahil natatakot sila.

"Ewan ko din! Basta ako bukas na lang ako magrereview. Long test lang yan, bumawi ka na lang sa midterm" sagot ko sa kanya. Aba't lalo akong sinamaan ng tingin ng loka loka.

"Yun na nga PB e, looooong test to! Parte ng mid-grade. Huhu, lagot talaga ako kay mommy nito" Oo tama. Strict talaga sila tito at tita. Bawal bumagsak si Josh kasi for sure ipapatapon na naman siya sa ilocos which is really a bad thing. It's been four years since her summer unrequitted love has ended.

Unrequited kasi siya lang ang nagmahal. Akala ko nga nung umalis kami ayos lang siya, hindi pala. Pag dating kasi namin ng Manila, nagkulong lang siya sa kwarto niya. Ayaw niyang lumabas na very un-usual niyang gawin.

Siguro nga si Cj yung taong minahal ni Josh ng sobra, kahit pa sabihin na saglit lang yun. Nung nag-hiwalay kasi sila ni Zeke tinamad lang siyang magpaka-babae. Pero after that ayos na siya, wala na siyang hinanakit. Unlike this one. Ano bang ginawa niya sa bestfriend ko?

"Hoy! Nakikinig ka ba sakin?" ako naman yung binatukan niya. "Tamo 'to! Kanina ako daw yung nakatulala tapos ikaw naman titig na titig sakin ngayon, ano bang meron? Crush mo ko no?" tss. Ang kapal.

"Excuse me lang ha bestfriend. May boyfriend ako, at isa pa you're not my type. Eww" akmang babatukan na naman niya ko pero nakailag ako. Ganyan kami magmahalan. Haha!

Speaking of Zeke, paparating na siya. Nanliligaw pa rin ulit siya kay Josh kahit na binusted na siya. Nakikita ko namang sincere si Zeke sa bestfriend ko. Na-explain na din niya sakin yung tungkol sa kanila ni Chrysta. Hindi naman daw niya talaga niligawan yun, naging sila lang kasi tinakot siya nung witch na yun na ibubully si Josh sa school, e syempre feeling superman siya kaya nakipagbreak siya sa bestfriend ko.

"ZEKE!" napatayo bigla si Josh pagka-kita sa EX niya. Take note ex, pero kung makayakap akala mo asawa. Tss! "Good thing you're here. Wala kasing kwenta yung isa diyan eh, ayaw akong turuan mag'review, tss!" pagmamaktol niya kay Zeke. Ok fine! Ako na yung walang kwenta.

Memories of Summer ✔Where stories live. Discover now