09 - Move on

68 3 0
                                    

It's been 3 days since that conversation with Alfie. Sabi na eh, eto yung araw na ayoko talagang mangyari, yung magiging busy sya. Ang lungkot ng buhay.

"What were you thinking?" tanong ni PB

"Wala lang" Tumingin ako sa labas ng bintana. Umuulan, walang klase dahil hindi dumating ang prof. Eto yung subject na classmate namin si Cj.

"Namimiss mo lang boyfriend mo eh" pang-aasar nya, inirapan ko sya. "Nakakamiss no?" she sighed "Si Tyrone din kasi busy eh" Oo nga pala, parehas engineering ang course nila.

Sabay kaming nagbuntong hininga.

"Ewan ko, kahit sa bahay hindi na kami nagkikita" Sagot ko sa kanya. "Pag gising ko, note nalang makikita ko sa bedside table" I paused. Napansin ko kasing lumingon si Cj, he's 3 chairs away from us.

"Ah. Baka nga busy, kumakain pa ba yun?" Tanong nya.

"Hindi ko rin alam PB, wala akong alam. Ni hindi ko magawang hatiran sya ng snacks man lang kasi sa study room laging may nakasulat ng DO NOT DISTURB" I respect his privacy. Alam kong masipag talagang mag-aral si Alfie. Ako lang ang tumatawag sa kanya ng Alfie, at sya lang tumatawag sakin ng Leigh. That is sort of our endearment, ayaw kasi namin ng sweet things.

"Pero nararamdaman mo naman ba pag tumatabi na sya sayo? Ni goodnight kiss wala?" tanong nya. Ang daldal talaga nito.

"Alam mo nakakahiya ka. Ang lakas ng boses mo" sabi ko at yumuko na lang. 3 hours ang klase, walang prof. ewan ko kung san nagpunta.

"Josh" tawag sakin ni PB. "There's something I want to tell you" she added.

"Ano ba yun?" Kaya nag-angat ako ng ulo ko.

"Labas tayo?" Nabatukan ko sya.

"Yan lang sasabihin mo?" tanong ko skanya. Nabwisit ako, matutulog dapat ako eh.

"Hindi. Basta sumunod ka nalang sakin" Tumayo nalang din ako at sumunod sa kanya. Napadpad kami sa rooftop ng building. "Alam mo nung party?" I just nodded. "Naiwan kami ni Tyrone diba?" tumango ako ulit "Nagkwento si Blaise" Putol nya ulit.

"Pwede bang wag putol putol? Binibitin mo ko" sabi ko sakanya. She just raised her hand and do a peace sign.

"So yun na nga, kinuwento nya sakin yung mga nangyari after natin umalis sa Ilocos. That day nagising si Bea. Yun din yung araw na nalaman nila ni Cj yung about sa kambal. They both didn't knew about the twins" Nagpause na naman sya kaya sinamaan ko sya ng tingin. "Yun din yung araw na willing na si Cj pakawalan si Bea" Natulala ako pero agad ko ring nabawi yung emotions ko. No! Hindi na ako pwedeng maapektuhan.

"Sumunod sya satin, but hindi nya tayo naabutan. 15mins after our departure dumating sya. Hindi nya raw kasi maiwanan si Bea inantay nya munang kumalma at makatulog" Ano namang pake ko? Hindi ako nagsalita at nakinig lang ulit. "Yun din yung araw na narealize ni Cj na mahal ka nya" tumayo ako

"PB, you don't need to tell me anything about that. Wag mo na akong pahirapan please" Lumungkot ang aura nya. Ano ba? Akala ko ba kailangan kong matutunang mahalin ulit si Alfie? Naguguluhan na ako. "It's about time, to forget those things. May boyfriend ako at ayoko siyang nasasaktan" dumerecho ako sa railings, pero hindi ako tatalon. Wag kayong OA.

Alfie please, stop being busy. I need you now.

**

CLARK JOHANN MONTECLARO

"It's about time, to forget those things. May boyfriend ako at ayoko siyang nasasaktan" Paulit ulit yang sa tenga ko, nasa hagdan ako at narinig ko lahat ng usapan nila.

I smirked. I can't blame her. Sobra ko siyang nasaktan. The moment I am willing to let Bea go, the moment she wakes up. Nagulo na naman ang buong Sistema ko. Pinaasa ko kasi ang sarili ko na mahal ko pa si Bea.

"Uhm, I believe you need to know. Para atleast alam mo yung dahilan at explanations ng suffering mo four years ago" sabi ni PB.

I heard her laugh. "What for? Para maging miserable ako ulit? Para mas lalong magulo ang utak ko? I can't manage to hear all of those now, please tama na" Silence followed.

At alam kong umiiyak sya, God I want to hug her so so tight.

"Anong ginagawa mo dyan?" Tanong ni Blaise sakin, I signaled her to shut up. Baka marinig kami nila PB.

Umupo sya sa tabi ko at nanlaki ang mata "You're eavesdropping?" May bahid ng inis sa boses nya. Actually, hindi ko rin alam bakit nagalit sakin 'to eh. Dapat diba mas pabor sya dahil pinili ko kapatid nya?

"Ang malas ko no?" umupo sya sa tabi ko. "Ang malas ko kasi kung kailan mas pinili ko ang kapatid mo, iniwanan nya ko" I sighed. You heard it right, she's been missing for 3 months already. Hindi ko alam kung nasan sya, paminsan minsan tumatawag sya. Pero hindi nya sinasabi kung nasan sya. Her twins are with me. Na hindi naman dapat ako ang nag-aalaga, anak sila ng demonyong yun. But I can't bear leaving them behind, napamahal na rin sila sakin.

Nang makalabas si Bea sa ospital, pinipilit sya ng parents nya na magsampa ng demanda laban sa lalaking nambaboy sa kanya. Pero ayaw nya, ayaw nya daw humarap sa korte lalo na't maaalala nya lang daw ang mga nangyari. Hanggang ngayon malaya pa rin ang lalaking yun.

Jasper Geronimo

Barkada naming sya noon, hindi ko sukat akalain na kaya nyang gawin ang ganoong klase ng kademonyohan.

"Hindi ko nga rin alam sayo, sinabi ko na noon pa man na pabayaan mo nang kapatid ko, matigas ang ulo mo Johann" Yohan ang tawag sakin ng mga nakakakilala sakin sa Ilocos. I mean yung malalapit lang. "Alam kong dadating ang panahon na iiwan ka nya, hindi ba't nasasaktan ka ngayon?" Mahina ang boses nya pero tagos sa puso ko. Sobrang sakit.

Ang dami kong nasaktan. Pati sarili ko'y nasasaktan ngayon.

"Kailangan ako ng kapatid mo Blaise, hindi ko naman alam na nagbago na pala ang nararamdaman nya simula nung gabing 'yon" pinapatungkulan ko yung gabing may nangyari sa kanya.

"Move-on" dagdag ni Blaise. "Mas masakit kung parehas mong kakapitan, palayain mo na si Josh, para hindi na sya nasasaktan. Give yourselves a closure, para mas lumuwag ang nararamdaman nyo" Yun lang at tumalikod na sya.

Marahil nga'y nararapat lang na magusap kami. I should say sorry for all the things I've done, siguro nga'y pinaasa ko sya. Umasa rin naman ako, yun nga lang sadyang naging magulo ang mundo ko. Atsaka alam kong wala naman ng pag-asa yung samin, it's all in the past now.

Pag pinilit mas masakit. 

Memories of Summer ✔Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ