30 - Closure

41 3 1
                                    

Josh Del Fierro

Ngayon ang huling lamay ni Dad. Nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto ko. Sobrang lungkot, sobrang sakit. Bukod pa dun, walang Cj na nagparamdam. Ika-tatlong araw ni Dad na nakaburol ngayon. Ayoko siyang tignan na nandun sa lalagyan na yun. 

Hindi ko alam pero sa nagdaang araw, pilit kong iniintindi. Mahal ka nun Josh. Sabi ng puso ko. Pero sabi ng isip ko, kung mahal niya ko bakit wala siya dito? Bakit hindi nya ko dinadamayan? Mabuti pa yung ex ko, nandito at willing akong damayan. 

Ang dami ko ngang narinig na bulungan kagabi, syempre nandun yung ibang empleyado sa company namin. 

Flashback

"Diba yan yung Intern? Bat sobrang close naman nila ni Ms. Josh?" Tanong nung isa, pano nakaakbay sakin si Zeke. Wala lang naman sakin yun alam kong dinadamayan nya lang ako. At isa pa, diba nga friends na kami ulit?

Katabi ko rin naman si PB, kasama nya si Aaron. At alam kong nasa paligid lang din si Tyrone. Ilang beses ko kasing nakitang tumitingin si Tyrone sa kanila. 

"Kumain ka muna, hindi ka pa kumakain simula kaninang umaga" sabi ni Zeke sakin. Sobrang caring nya, just like the old times. Pero hindi na ko ulit mahuhulog sa kanya, at alam kong hanggang doon na lang yun. Si Cj na ang mahal ko. Umiling lang ako sa sinabi nya. 

"Hindi matutuwa si Tito John kung ganyan ka, ikukuha kita ng pagkain" Umalis siya saglit sa tabi ko, pag balik nya may dala siyang waffles at coffee. Bakit lagi nalang ito ang binibigay nya sakin? Sabagay favorite ko to. 

"Salamat" Sabi ko sa kanya, ngumiti lang siya. 

"By the way, wag mo nalang intindihin ang mga naririnig mo. Wala naman silang alam hindi ba?" Sabi niya sakin. Ngumiti lang din ako. "Puntahan ko muna si Tyrone dun" Tumango lang ulit ako. 

"Bakit ang sweet nyo?" Tanong ni PB sakin. "Friends huh?" May halong pagdududa ang boses nya. Nilingon ko yung katabi nya, wala pala si Aaron? "Wala siya, nagpaalam na uuwi saglit at may kailangan siyang gawin" 

"Friends lang kami ni Zeke okay? Wala na yung samin, matagal ng tapos. Alam ni Alfie yun" Nagulat sya ng Alfie ang pangalang banggitin ko.

"Sayo wala, pero sa tingin mo hindi siya umaasa?" Tanong ni PB sakin. Sinundan ko ng tingin yung tinignan niya. Naguusap si Zeke at Tyrone kasama ng iba pa, mga empleyado rin sa JEI.

"Alam kong aasa siya, pero nililinaw ko namang hindi na kami dadating pang muli sa ganung relasyon. Makaka-move on din siya Pibs. Burol ni Dad 'to ayokong pagusapan ang kung anu-ano" Tumango lang siya at hinawakan ang kamay ko. 

"Siguro nga'y dapat na nating palayain ang nakaraan, nandito lang ako. Dalawa kaming bestfriend mo. Nagkataon lang na nainlove ka sakanya kaya ewan ko kung bestfriend mo pa rin siya" Tumawa sya ng bahagya, sinamaan ko lang siya ng tingin. 

End of Flashback.

Bumalik ako sa katinunan ng may marinig akong katok sa pintuan ng kwarto ko. 

"Josh?" Si PB yun, dito rin kasi siya natulog kagabi. Pero sa guest room, hindi yan sanay ng may katabi matulog eh. Ewan ko kung pano sila nagtatabi noon ni Tyrone. At alam ko namang hindi pa sila nagtatabi ni Aaron sa iisang kama. 

"Oh?" Sagot ko sa kanya, nanatili akong nakahiga sa kama ko. 

"Bumaba ka na, marami ng tao sa baba" Sabi niya sakin. Eto na yun, yung huling araw na masisilayan ko ang mukha ng Daddy ko. Kumilos na rin ako agad, naligo at nag-ayos ng sarili. Pupunta si Gran mamaya, pero hindi niya pupwedeng sabihin na related kami sa isa't isa. 

No one knows na Jacinto ang middle name ko. And kahit pa man malaman nila, marami namang may ganyan na apelyido sa mundo. 

PAGKATAPOS kong mag-ayos ng sarili ko. Dumerecho na ako sa kinalalagyan ng Dad ko. 

"Goodmorning Dad" He sleeps peacefully. Maaliwalas na ngayon ang mukha niya, unlike the first two days. Malamang ay naghahanda na rin siyang lisanin kami. "I know you're at peace Dad" Unti unti na namang nagunahang pumatak ang luha ko. 

"Sabi nila, pag daw natuluan ng luha mo yung taong namayapa eh mahihirapan daw siyang makatawid sa kabilang buhay" Alam ko kung kaninong boses 'to, siya lang din naman yung nandyan sa loob ng tatlong araw. Nung gabi kasi na malaman nilang nawala na ang Daddy ko napasugod na agad sila dito sa bahay. His Dad took care of everything, halos wala pa nga rin tulog si Tito Zanti-Zeke's Dad. 

"San mo naman nakuha ang pamahiin na yan?" Tanong ko sa kanya, pinunasan ko ang luha ko. Si Mom ay nakaupo lang sa harapan, nakatulala siya. Kasama niya ang Mommy ni Zeke. His family is here with us simula pa nung isang araw, dito na sila nagpapalipas ng gabi. 

"Sabi lang nila" He shrugged. "How was your sleep? Tara mag-almusal na tayo, nandun si PB at Tyrone" Nagulat ako, ha? Si Tyrone?

Tinignan ko ng masama si Zeke. "Don't tell me nagkaayos na sila?" Tanong ko sa kanya, tumango lang ito. Akala ko ba wala ng pag-asa?

"Alam ko ang nasa isip mo, hindi sila nagkaayos at nagkabalikan. They were just friends" Zeke. "Like us" Bulong lang yung huli niyang sinabi pero narinig ko. 

I'm Sorry. I love someone else. Hanggang dito na lang talaga Zeke. Sumunod lang ako sa kanya papunta sa dining area namin. Oo kabisado niya lahat ng premises dito. We used to play here while we were young, apat kami nila PB.

Naabutan naming nagtatawanan si PB at Tyrone. Natahimik sila ng dumating kami. 

"It's good to hear you laugh" Sabi ko kay Pb. She blushed. What? Kinikilig ba siya? Ano ba naman yan Pb. 

"I feel the same for you Bro" Sabi ni Zeke kay Tyrone naman. Siniko ko si Zeke. Ano ba siya? Match maker? May boyfriend na ang bestfriend ko. 

"Ma'am Josh, may bisita ho kayo" Sabi ni Yaya Cora. 

"Papasukin mo na lang po" Sabi ko at umupo sa harap ng dining table. Wala akong ganang kumain. Nakatitig lang ako sa mga pagkain ng biglang abutan ako ni Zeke ng gatas. Oo alam niyang bukod sa kape, mahilig din akong uminom ng gatas sa umaga. 

Nagkukwento si Tyrone ng mga nangyari simula nung maghiwalay sila ni PB. I must admit, gago siya. Nagpadala siya sa babaeng akala niya'y mahal niya pa. Ngayon ay sobrang nagsisisi siya, nakita ko rin sa mata ng bestfriend ko na may natitira pa siyang pagmamahal. In denial lang siya. 

Natigil sa pagsasalita si Tyrone ng mapatingin si PB sa pinto ng dining area. Tinignan ko na rin yung tinitignan niya, actually lahat pala kami tumingin sa kanya. 

He's finally here. Pero ano nga bang dapat kong maramdaman? Wala. Wala akong nararamdaman sa ngayon, ewan ko. Basta, halo halong emosyon.

Memories of Summer ✔Where stories live. Discover now