Leighanna Josh del Fierro
It's been two months since the incident. Balik trabaho kami ni Cj, ang dami naming kailangan ayusin. Idagdag mo pa ang pagaasikaso ng kasal namin na gusto niyang maging hands on kami pareho.
Sabayan mo pa ng transition sa company. Paminsan minsan ay nandito sya para ifamiliarize ang mga bagay, in 4 months time he would take over JE and DFI. Naaawa na nga ako, he rarely had an 8 hours sleep. Madalas siyang nakatutok sa laptop niya para pag aralan ang dalawang kompanya. Well, ofcourse their company is fine and doing good. Pamilyar na sya sa lahat ng bagay doon.
"Ma'am, I would just remind you that you have an update meeting at 2pm today" sabi ng sekretarya ko pagkatapos ko pumirma ng sangkaterbang papeles.
"Thanks Carla" sagot ko sakanya.
Lalakad na sana siya palabas ng bigla ulit humarap sa akin "By the way, Sir Cj called he just wants me to remind you to eat your lunch on time" matamis itong ngumit sakin na para bang kinikilig.
"Thank you! I almost forgot about that" sagot ko. Tuluyan na siyang tumalikod at lumabas.
I dialled PB's number. Alam ko namang wala siyang ginagawa sa opisina niya ngayon. She still works for JE. Siya ang pumalit sa dating posisyon ko. Aaron resigned and managed to get a better offer at Cj's company. Hindi kasi pwedeng magkasama si PB st Aaron sa iisang department.
Ilang ring pa at hindi ito sumagot. Baka busy? Aayain ko sana siyang lumabas para kumain ng pananghalian. Knowing her, for sure tinatamad na naman yun.
Minutes have passed when I received a call back from her.
"Yes boss?" she said over the line. Natawa ako. Parang tanga!
"Cut it out Pibs. Lunch out?" tanong ko sakanya.
"Sure! I want ramen" sabi niya. Sus! Ramen na naman?
"Na naman PB? Anong sustansya makukuha mo doon? Kawawa naman ang baby mo" sagot ko sakanya. Tumahimik siya sa kabilang linya, for sure magdadamdam na naman siya. "Hey, I'm sorry okay? Tara na, ramen it is!"
"Talaga? Let's go! Hihintayin kita sa lobby" at binabaan nya ako ng phone. Seriously?
"Josh?" napalingon ako kay PB. "Seriously? You haven't eaten your food" sabi niya. Napatingin ako doon. Mag-iisang oras na kami dito pero hindi pa rin ako kumakain, hindi ko alam kung bakit pero parang nasusuka ako pag inilalapit ko sa bibig ko yung seafood ramen na order ko.
"Parang ayoko talaga ng ramen Pibs" walang gana kong sagot sakanya.
"Why? May sakit ka ba?" tanong niya. Kumuha siya ng isang gyoza sa plate at itinapat sa bibig ko. Bigla naman akong napatayo at tumakbo papuntang banyo.
Eww! Bakit ganun amoy nun?
"Huy! Anong nangyayari sayo diyan?" tanong ni PB habang kumakatok. Nasa loob ako ng isang cubicle at nagduduwal ako pero walang lumalabas.
Ilang saglit pa akong nanatili sa loob bago lumabas at nagmumog.
"Seriously? What's happening? Gusto mo bang magpatingin na tayo?" tanong sakin ni PB. Umiling ako.
"Okay lang ako" maikling sagot ko at inayos ang sarili ko. Parang gusto ko na namang bumalik sa loob ng cubicle at asawahin ang bowl doon.
"Josh" tawag ni PB. Nasa likuran ko siya. I just looked at her in the mirror giving her a 'what' look. "Opinyon ko lang naman to ha. Nasasayo kung papaniwalaan mo o hindi" pinutol nya ulit ang sasabihin niya. Napikon ako kaya marahas akong humarap sakanya at tinignan siya ng masama. "Sa tingin ko you should che--" naputol ang sasabihin niya ng may tumawag sakanya. "Wait, let me just take this call. Baka nandiyan na ang sundo natin" at kinuha ang phone niya.
YOU ARE READING
Memories of Summer ✔
FanfictionEverything that happened last summer was all a part of my past now, i should move on, i should go on. But why am i still hanging on? -Josh I thought i still love her. But i realized i didn't, when i get close with someone last summer. In the end i s...