24 - Strange

72 3 0
                                    

Leighanna Josh Del Fierro's POV

Nakabalik na kami sa kwarto pero hindi ako kinikibo ni Cj. Ano bang problema nya? Kinuha ko nalang ang phone ko at dinial ang number ni PB.

"Pibs, kamusta dyan?" Tanong ko sa kanya. 

"If you're worrying about me, I'm fine" Sagot nya sakin. "Nandito pa ako kila Aaron, were waiting for her mom" Nagulat ako sa sinabi ni PB. 

Pakilala agad sa parents? I smiled at the thought. Nung kay Tyrone kasi noon, ilang buwan bago nya nameet ng parents ni Tyrone. At hindi maganda ang relationship nila ng mom ni Tyrone, kasi nga yung Patty ang boto ng mommy nya. 

"Wow ha! Mabilis din, getting to know each other kayo agad ng Mommy nya?" Tanong ko sakanya. 

She chuckled. I can say na masaya na sya. Then it hit me, I've never met Cj's mom. Napatingin ako sa kanya, nakatalikod sya sakin at nakaharap sa laptop nya. Kung trabaho lang sana ang gagawin nya dito. Dapat ako nalang mag-isa ang umalis. Napairap ako sa kanyang likuran. 

"Mas mabuti nang ganun diba?" Suddenly her voice became sad. "Atleast, I get to know her Mom. Para naman kung sakaling maging kami alam kong tanggap ako ng Mommy nya. Diba?" Dagdag nya pa. 

Nalungkot din ako. Boto kaya sakin ang parents ni Cj? Zeke's Mom loves me. Botong boto yun saming dalawa.

"Oy babae! Ano na? Di na nakasalita? I know you're happy for me, I'll hang up first. Okay? Nandito na Mommy ni Aaron. Call you later. Bye!" PB. Grabe 'tong babae na 'to. Hindi man lang ako pinagbabye. 

"Mom?" Napalingon ako kay Cj. Kanina lang, iniisip ko yung tungkol sa Mommy nya. Ngayon biglang kausap nya na? "I'll be home tomorrow" Ano daw? Tomorrow? Agad? "Yes, I'll promise! What? No Mom! No more Bea, we've talked about this already. Were through" Kalmado pa ring sagot ni Cj sa Mommy nya.

So ganun? Si Bea pa rin?

"Sure sure" Cj. In-off nya na agad ang tawag bago lumingon sakin, nagkunwari akong naglalaro lang sa phone ko. "I'll be going home tomorrow Josh, sasabay ka ba?" Cold nyang tanong sakin. 

Josh daw? Anong nangyari sa endearment namin? 

"Uhm, hindi na muna. You can go home if you have an important matter to attend to. I'll be fine, magpapasundo na lang ako sa driver namin. Or I can use one of the resorts car, I can drive naman" Sagot ko sa kanya, casual lang din. I smiled at him.

Isa sa mga bagay na natutunan ko nung saktan ako ni Zeke ng ikalawang beses ay magtago ng totoong nararamdaman. 

"Okay" Yun lang at humarap na ulit sya sa laptop, ano bang problema nya?

"Cj, uhm. Ano" Sabi ko. Hindi ko masabi kasi ayoko namang sabihin. "I'll go check-in sa isang room, ikaw na lang muna dito" Hindi ko na hinintay ang sagot nya at derechong lumabas ng kwartong yun. 

Peste! Peste talaga! Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit ganun sya bigla? Dala ko ang phone ko at umupo ako sa tabing dagat. Medyo wala ng taong nagpupunta dito. May kadiliman din ang lugar. Dito kasi yung site kung san itatayo yung extension. Hindi ko rin alam ba't dito ako dinala ng mga paa ko.

Ngayon ko lang narealize, may message pala sakin ang Mommy ko sa whatsapp.

"Leigh, we need you here" 

Bigla akong kinabahan sa chat ng Mommy ko. We haven't talked since they migrated to US. At ngayon, bakit parang kinakabahan ako?

"Gran?" Sabi ko sa kabilang linya. "I'm sorry, I need to go to US" sabi ko sakanya. 

"Sure. When are you planning to depart?" Tanong nya sakin.

"Tomorrow, I'll be going back to Manila tonight" sagot ko. Sinabi nyang sige at ipapabook nya na daw ako ng flight. 

Tumakbo ako pabalik ng room namin ni Cj, nakaharap pa din sya sa laptop nya. Nasilip ko kung anong ginagawa nya, may mga tinitignan syang pictures. Only to find out he's looking at their pictures together. Him and Bea. 

Nagkunwari akong walang nakita bago magsalita.

"I need to go back to manila tonight" Napatingin sya bigla sa akin. Hindi ko iyon pinansin at nagsimulang mag-ayos ng mga gamit ko. 

"I thought you're staying?" Tanong nya. 

"Something came up, I really need to go. You can stay if you want" Casual kong sagot sa kanya. Para bang bumalik na naman kami sa panahong nagkakailangan pa kami. 

Nagulat ako ng may biglang humawak sa braso ko. "Tell me what's happening" Sabi nya. 

"Tell me what's happening?" Binalik ko sa kanya ang tanong. 

"Sorry, I just got jealous earlier" Cj. Yun pala yun, nagseselos pala sya. Pero bakit nya tinitignan pictures nila ni Bea?

"You just got jealous? Ni hindi mo man lang ako pinagpaliwanag, ganun ka ba ka-walang tiwala sakin Cj?" Tanong ko sa kanya. 

"No. Hindi sa ganun Josh, it's just that pag ikaw na yung nasa ganung sitwasyon hindi mo maiiwasang magselos. I love you so much that I can't afford losing you" Derecho niyang sabi. 

I looked through his eyes. It's like I'm digging inside to make sure he's saying the truth.

"Cj, relationships need trust" Sabi ko sa kanya. "You know me, I don't play with feelings" Dagdag ko. 

Niyakap nya ko. "I'm sorry" Sabi nya. Niyakap ko na lang din sya pabalik.

"Next time, please try to understand more okay?" Ako. Tumango naman sya. "We really need to go" Sabi ko. Kumunot naman ang noon nya. "I'm flying to New York tomorrow" Nagulat sya sa sinabi ko. 

"What are you going to do there?" Tanong nya. 

"It's about my Family. I need to be with them, they need me" Sagot ko. Tumango naman sya. 

"Relax ka lang muna dyan, I'm going to pack our things" Tumango naman ako. Ramdam ko pa rin ang malakas na kaba sa puso ko. 

I sensed something strange. Never akong chinat ni Mommy ng ganun. Yun kasi ang namana ko sa kanya, she's strong. 

**

NEW YORK CITY 

Dumerecho ako sa bahay namin from Airport. Pero maid lang ang sumalubong sakin. 

"Nasan po sila mommy?" Tanong ko kay Yaya Erlinda. 

"Ah Ma'am Josh, tatawagan daw po kayo maya maya ng mommy mo. Magpahinga daw po muna kayo. Nasa taas po si Lyndon" Sagot nya sakin. Tumango lang ako at dumerecho sa taas, dinaanan ko muna ang room ni Lyndon. He's sleeping. 

5 years old na sya ngayon. Ang laki ng agwat namin. Akala nga namin ay hindi na muling magkakaanak sila Mom at Dad. 

Tinawagan ko na rin kanina si Gran ng makalapag ang eroplano. Pero bakit parang may kakaiba talaga? Parang may tinatago sila sa akin.

Memories of Summer ✔Onde histórias criam vida. Descubra agora