39 - Miss CEO

31 1 0
                                    

A/N:

Hindi ko alam kung ok tong update ko, pero sana magvote and comment pa din kayo. Hehe, thanks!

*

Clark Johann Monteclaro

It's been several months since that incident with Josh. I know Jasper is already in jail pero di ko pa rin magawang makampante. Tuso siya at halang ang bituka.

I felt a hand hugged me. Napangiti ako. Sa condo na kasi kami umuuwi ulit. And Josh and I decided na matulog na sa iisang kwarto. Honestly, it always kills me. Ilang buwan na kaming nagsasama pero palagi ko nalang pinipigilan ang sarili ko.

I highly respect her. At ayoko siyang galawin hangga't hindi kami naikakasal. I made a promise to her Dad at wala akong planong sirain yun.

Niyakap ko siya pabalik.

"Get up, Miss CEO. Or you're gonna be late for your meeting" bigla siyang napadilat.

"Oh shoot! Ngayon ba yun?" tumango ako. Agad naman siyang bumangon at tumakbo papunta sa cr. "Bakit di mo ko ginising ng mas maaga?" tanong nya.

"Ang sarap kasi ng tulog mo. Anong oras ka na din kasi natulog kagabi" sagot ko.

Busy kasi sya. Ang alam ko'y may bago na naman silang dinedevelop na resort somewhere in Aurora. Plano yata ng Lola nya na magtayo ng resort sa kung saan mayroong dagat.

Alas kwatro palang ng madaling araw. Before lunch ay kailangan na siyang makarating sa resort. Imimeet nya kasi yung previous owner.

"Gusto ko sanang samahan ka. Kaso marami rin akong gagawing trabaho. I ask your company driver to drive you there" sabi ko sakanya.

"No need. Zeke will be joining me" sigaw nya sa banyo. Teka? Yung ex nya ang kasama nya? Ba't hindi nya nasabi sakin?

Trust her Johann, trust her.

Ilang minuto lang ay natapos na siyang maligo at magbihis, umupo siya sa harap ng dresser nya at nag-ayos naman.

"I'm sorry I didn't tell you that Zeke will be joining me. Kasi naman pag sinabi ko sayo alam kong ididitch mo ang meetings mo para lang hindi kami magkasama" Sabi nya sakin.

"Exactly! He's your ex Josh. Anong gusto mong isipin ko? That it's okay to let you both on a ride for several hours? Because I didn't like the idea" sagot ko sakanya.

Lumingon siya sakin at tinitigan ako.

"He's just someone in the past, and a friend" sagot nya. "And you know I love you" muli siyang humarap sa dresser nya at nagpatuloy mag-ayos.

"I can't help it. I'm jealous" sagot ko. I saw her smirked in front of the mirror.

"Wag kang mag-alala, Tyrone is also with us. Now, stop being paranoid and go back to sleep" sabi nya, it's already 5am.

"No. I'm not sleepy anymore" sagot ko. She smiled and nod.

After she's done with her make-up and all, hinatid ko sya sa parking lot ng condo. Zeke is there with Tyrone. The latter is sitting at the shot gun seat.

Memories of Summer ✔Where stories live. Discover now