02 - Mahal Ko o Mahal Ako..

247 9 0
                                    

MOS 2 - Mahal Ko o Mahal Ako..

LEIGHANNA JOSH DEL FIERRO’S POV

“Secretly dating eh?” pang-aasar samin ni PB. Hindi namin alam na nasa mall din pala sila. Kaasar! Di na naman ako titigilan neto eh.

Umakbay naman sakin yung mokong na si Zeke. “Plano na sana naming sabihin eh, kaso ayaw niya” sabi niya.

Binatukan ko siya. “Ang kapal mo huh!” Ako.

“Hep! Tama na yan, leggo. Kain na lang tayo. San mo gusto babe?” tanong niya kay Tyrone.

“Kahit san nalang. Ikaw ba?” teka nga, this was suppose to be their date diba? Ba’t isasama nila kami?

“Next time na lang kami sasama PB, mag-aaral pa daw ‘tong si Josh eh” Zeke. Buti naman at alam nya. Haha!

“Sus! Yan? Mag-aaral? If I know, may gagawin lang kayong something. Haha” PB. Sabay halakhak pa. Imbyernes naman oh!

“Wala kaming gagawin no! Bawal akong bumagsak remember? GC ang mommy ko” Ako. sabay irap sa kanya.

“Oo nga pala, haha! I totally forgot about that, sige na nga. Bye!” nag-beso kami bago sila tuluyang umalis.

“Bat ba ayaw mo pa kong sagutin Josh? It’s been four years” napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi ni Zeke. Nasa parking area na kami.

Bakit nga ba? Kasi umaasa akong magiging maayos ang lahat? Na alam kong kahit papano na-fall din siya sakin nung mga panahong bed ridden ang girlfriend niya?

Pero what if nagkabalikan na talaga sila at siya na ang tumatayong ama ng mga anak ni Bea? Hindi ba masakit yun? Masyado atang mataas ang babagsakan ko pag nangyari yun. Bakit nga ba hindi ko bigyan ng chance si Zeke? Infact he’s with me since then.

That thirty days made a big impact on my outlook on love. Natatakot ako, Zeke cheated on me before. Not that he intended to do so, pero ganun pa man nasaktan ako. Cj make me believed that he loves me. I felt it, he just doesn’t clarify things out until I left.

“Hey” I felt hands on my cheeks. A thumb that wiped my tears. Ahhh, after several years I cried again. What’s happening to me? “I’m sorry if I brought the past up” Zeke hugged me. Mas lalo akong naiyak. Hinagod niya yung likod ko. “Sshh. Sorry na, tahan na. mag-aaral pa tayo diba? Tska baka isipin nila pinapaiyak kita. That’ll never happen again Josh” after a while kumalma na rin ako. Mahirap na kasi baka sumpungin ako ng asthma.

Hindi ako nagsalita hanggang sa makarating kami sa bahay nila.

Memories of Summer ✔Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang