34 - Careful

44 2 0
                                    

A/N:  So sige, alam kong wala na namang kinalaman ang title sa kwento. Haha!

***

Leighanna Josh Del Fierro

I heard everything. Hindi pa kasi gaanong malalim ang tulog ko. Simula nang pumasok si Pb hanggang sa matapos magusap si Cj at Mommy niya. Napapangiti ako sa mga sagot niya kanina. 

Mawala man ang yaman nya, mayaman naman si Gran. Cj will take over the company for sure, IF we got married. And ofcourse, there's my Dad's business. Malamang ay siya rin ang magpapatakbo nun.

I felt his hands on my head. Caressing my hair. 

"I'll fight for us Josh" Mahinang bulong niya. Hindi ko muna yun pinansin. Gusto kong kiligin, napipicture ko sa utak ko na masaya si Dad. He's happy for me. 

DALAWANG linggo na ang makalipas ng mailibing si Dad. Everything changed ofcourse. But thanks to Cj I managed it all. 

"Wala ka bang planong umuwi sa inyo?" Tanong ko sa kanya habang kumakain kami ng agahan. Umiling siya. 

"Ayaw mo bang nandito ako?" Tanong niya. Pumapasok pa rin naman siya sa company nila, hindi nga lang siya umuuwi sa bahay nila dahil daw ayaw niyang makita ang Mom niya. Nagtatampo pa rin sya. 

"Hindi naman, baka lang kasi lalong magalit sakin ang Mommy mo. You know" He looked at me seriously. 

"Alam naman ni Dad eh. Besides, buhay ko naman 'to nasa tamang edad na ko" Sabi niya. He's a year older than me. And he's a young CEO. 

"Ikaw bahala" I shrugged my shoulders and continued eating. Ngayon pa lang ulit ako papasok after mamahinga ng Daddy ko. Mom and Lyndon were living together with Gran. Mommy is not on her usual self. She might loose it kung maiiwan siya ditong mag-isa. 

"Ihahatid kita sa office mo, but I'll just drop you by at the lobby. May meeting ako ng 10" Sabi niya. Tumango ako. Hatid sundo niya ko, pero kung malelate sya ng uwi ay si PB at Aaron ang naghahatid sakin. They never let me drive my car. Wag daw muna. 

"See you later" sabi ko sakanya, I kissed him on the lips. Naglalakad ako papuntang elevator ng may umakbay sakin. "You startled me!" sabay palo ko sakanya sa braso. 

He chuckled "Kamusta?" tanong niya sakin. 

"I'm fine, wag mo na nga kong alalahanin. Okay na ko, malungkot pa din kasi hindi ko na nakakausap si Dad. But I can make it" Ngumiti ako sa kanya. "Sige dito na ko" sabi ko ng makarating kami sa tapat ng Accounting Department. Sa kabilang pinto pa kasi sila.

"Okay, see you around!" tatalikod na sana siya nung tawagin ko siya.

"Alfie.." Nagulat siya dahil Alfie na ulit ang tawag ko. "Thank you for being there for me when I needed someone to lean on" sabi ko na mas nakapagpangiti sa kanya, hindi ko alam kung kinikilig ba sya o masaya lang sya. 

"Anything for you, you're my bestest friend after all" He smiled again. He's biggest asset was his dimples. Lalo siyang gumagwapo pag ngumingiti siya.

Tumalikod na ko pagtapos namin magusap. Nagulat ako dahil nakabukas na pala ang pinto at nandun si Pb. Nakapamewang siya. 

"What's the meaning of that?" tanong nya. 

"Ang alin?" naguguluhan kong tanong.

"Yung kay Zeke. Pa-Alfie alfie ka na ulit" sabi nya. 

"Pibs ano ba? Nagkaayos lang kami, were back to being friends. May masama ba dun? Ikaw nga eh asdfghj---" Tinakpan nya kasi yung bibig ko. "Hindi mo pa rin nasasabi? Masasaktan lang sila parehas kung hindi mo pa tatapusin ang isa dyan" Lumungkot ang aura niya. "At pwede ba, papasukin mo ko. Ako ang boss pero parang hindi na ko welcome?" Nagtawanan lahat ng nakarinig nun, yun lang naman kasi ang sinadya kong lakasan. 

"Okay boss!" Nagsalute pa siya pero mas nauna siyang pumasok. 

My day at the office turned out well, magaling yung nakuha ni Gran na temporary replacement ko. Tapos lahat ng trabaho kaya kaunti na lang ang gagawin ko. 

Cj Calling...

"Hmn?" Sabi ko. 

"Kumain ka na?" He occasionaly checked on me whether I ate or not. Kahit nung nasa bahay lang ako. 

"Yep. Ikaw?" Maikling sagot ko.

"Yes. Kanina, I had a meeting outside kaya sabay na kaming kumain ng secretary ko sa labas. How's your day?" Tanong nya ulit. 

"Nabobored ako. Masyadong magaling yung temporary replacement eh, walang iniwan na trabaho sakin" I pouted. Alam kong hindi niya naman yun makikita. 

He laughed. "I know you're pouting right now. By the way, late na ako makakauwi mamaya. Dad wants to see me" Sabi niya. 

"Okay, just be safe" sagot ko after a while we hang up. 

***

Clark Johann Monteclaro

"Dad" tawag ko sa kanya ng makarating ako sa mansyon namin. 

"Have a sit, join me" Sabi niya. Umiinom sya ng wine. It's 6pm already. 

"What do you wanna talk about? Josh is waiting for me at home" Tanong ko sa kanya. Tumawa siya. 

"Masama bang makipagbonding sa anak ko? I just missed you that's all" Sabi nya. 

Parang bading to si Dad. 

"Baka abutan ako ni Mommy dito ha, alam mo namang lagi niyang kasama si Bea. I don't want another misunderstanding with me and Josh" Sabi ko sakanya. 

Tumango siya at muling tumawa. 

"Inlove na nga talaga ang anak ko" Sabi nya. Eh ano naman? I'm 21. 

"Daddy, hindi na po ako teenager. Tignan mo nga kaya ko na maghandle ng isang kompanya" Sabi ko sa kanya. 

"Alam ko naman yun. Maiba ako, the real reason why you're here is about your bestfriend Bea" Tinignan ko lang siya at naghintay ng susunod niyang sasabihin. "Do you know that her rape case was not really a rape case? She planned it all" natulala ako sa sinabi niya. What? 

"Ano po bang sinasabi niyo Dad?" tanong ko. 

"Pinlano niyang gawin yun, ofcourse with the help of someone" Uminon muli siya ng wine. "You're mom is so persistent about you and Bea getting married. Ayaw ko namang makulong ka sa isang kasalang hindi mo naman gusto. You're my only son. Your mom wants you to marry Bea because that's what Bea's mom wants too. Syempre bestfriend sila hindi ba?" Tumigil siya ulit. Bitinan ba to?

"Dad, san ba papunta tong usapan na 'to?" tanong ko. Hindi ko alam pero parang kinakabahan ako sa mga naririnig ko ngayon. 

"You need to be extra careful from now on" Sabi ni Dad. Why?









Memories of Summer ✔Onde histórias criam vida. Descubra agora