13 - Decisions

57 3 0
                                    


Clark Johann Monteclaro's POV

"What happened? I thought you'll give me another chance?" Tanong ni Zeke kay Josh, I heard that familiar laugh. The sarcastic one. 

"I already gave you, pero gago ka kaya sinayang mo" Cool ang pagkakasabi nya nun, I smirked. Tinignan ako ni PB ng 'anong nakakatawa look' naiinis sya. 

"What did I  do?" frustrated na sabi ni Zeke. Psh! What did you do? Hayp ka!

Tumawa si Josh. 

"Alam nating pareho ang ginawa mo Zeke, you heard the rumors. Wait, hindi rumors kasi totoo yun. Totoong nandun ako sa Bar nung gabing yun, totoong tumakbo ako at nabundol ng isang sasakyan. Now tell me, masaya bang paglaruan ako ng paulit ulit?" may halong sakit lahat ng salitang binibitawan ni Josh. Alam ko, ramdam ko. 

"It's not what you th--" hindi natapos ni Zeke ang sasabihin nya ng bigla kaming makarinig ng malutong na sampal, pareho kaming nagulat ni PB. 

"It's not what I think? It's not what I fucking think?" sigaw ni Josh. Sumilip kami ng bahagya, nakatayo na sila parehas. Nakahawak si Josh sa dalawang saklay nya. Walang emosyon ang kanyang mukha, naubos na bang lahat ng luha nya? "Ang gago mo! At ang tanga ko para paulit ulit kang paniwalaan!" sigaw nya ulit. She screams as if her lungs would come out of her body. 

"I'm sorry! Sorry for hurting you this much! This would be the last time, hindi na ako mageexplain, at alam kong hindi ka rin naman maniniwala" malungkot ang pagkakabigkas nun ni Zeke bago umalis. Tska palang pabagsak na umupo si Josh at pumalahaw ng iyak. 

I hugged her. Ewan ko kung bakit din sya yumakap. But she needs us right now. 

"Mawawala din ang lahat Josh" bulong ni Pb. 

Natapos ang araw, walang klase. Maghapon kaming nakatanga sa kawalan. Lahat nageenjoy, maliban saming tatlo. 

I lost Bea. No, she left me.

Zeke lied to Josh. He hurt her. 

Tyrone did the same. 

Pero lahat kami mas piniling maging tahimik kesa ilabas yung sakit sa mga mata namin.

**

Leighanna Josh Del Fierro's POV

Ilang buwan ang nakalipas. Or should I say isang taon na ang nakalipas? We all graduated, my ex? Next year pa yun, 5 years ang kurso nya eh. 

I am now working at my Grandma's company. Nasa accounting department ako. Dito daw muna magsimula, para mafamiliarize ko lahat ng bagay. 

Si PB ay officemate ko din, she's handling the payments. Ako? Secret. Basta nasa accounting ako okay?

May sarili silang company pero ayaw nya raw akong iwan. 

Nag ring ang phone ko, nandito ako sa table ko, iniisa isa ko yung mga papeles na ngayon ay nakatambak dito. Hays! Pano ko gagawin 'tong lahat ngayon? Cool ka lang, mas mabigat pa na responsibilidad ang nagaantay sakin. 

"Hello?" masigla kong bati sa kanya.

"Lunch?" tanong nya sakin. Sumilip ako kay PB na busy gumawa ng cheke. Eversince Tyrone and her breakup lagi na syang seryoso sa mga bagay.

"Sure, wait!" tinakpan ko ang mic ng phone ko. "PB you coming?" tanong ko sakanya. Umiling sya, "Okay, your call" kinuha kong gamit ko at lumabas ng building. Bahala sya, galante pa naman si Cj at mahilig manlibre. 

Pagkalabas ko ay nakasimangot na sya sakin, problema nito?

"Ang tagal mo" sabi nya. Hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto. "Muntik na kong ma-clamp, nakiusap lang ako sa officer" naiinis nyang wika. 

"Sorry okay? Tambak kasi ako ng paperworks, at  isa pa ang bagal ng elevator" sagot ko sakanya. 

He just shrugged his shoulders.

"Where are we going? I need to go back at 1pm" sagot ko sakanya. Sa sobrang traffic ng daan, pano ko makakabalik sa oras? Ayokong isipin nila na porke apo ako ng may-ari pwde na kong hindi sumunod sa rules. Hell no!

"Malapit na" Sagot nya. Kung itatanong nyo, friends lang kami. Walang something samin. Tho ramdam kong may gusto pa rin sya sakin, wag kayong mangealam. Gusto kong mag-feeling.  "Where here" sabi nya. 10mins drive lang naman pala mula sa opisina. 

Ang ganda ng ambiance. Mabilis din ang service.

"How's work?" Tanong nya, mas gwapo sya ngayon. Mas matured. At responsable. 

"Fine, just tiring" sagot ko sa kanya. Kaya ko naman tapusin yun ngayon kung hindi ako uuwi, Sabado naman bukas. 

He laughed. Palibhasa'y college pa lang kami tumutulong na sya sa pagmamanage ng kompanya nila kaya Boss na sya ngayon. 

"Alam mo, kaya mo yan. Mas mahirap na ang gagawin pag umangat ka. Kargo mo nang lahat" sabi nya. Naalala ko, November na ngayon. Ilang buwan na lang gagraduate na rin ang ex ko at si Tyrone. I heard nag-ojt sila ngayon sa Singapore.  Mabuti kung gayon, kasi hindi ko sya nakikita. Even his parents ay hiyang hiya sa akin. 

"I know that!" sagot ko sa kanya "How are the twins?" tanong ko. Sumimangot sya. 

"Okay lang naman sila, habang tumatagal nagiging clingy. Probably because wala yung ina nila para sana alagaan sila. Kaya ako ang tumatayong ina't ama sa kanila. Besides, girlfriend ko pa rin sya" tumawa sya. Halata mo sa mga salita nya na wala ng sakit, ang pagsabi nya ng girlfriend ay parang wala na lang. Wala ng pagmamahal. 

"I can help you with the twins during weekends" Napatingin sya sakin. Ano na naman ba 'tong pinapasok mo Josh? "Uhm, iniisip ko kasing minsan ay baka busy ka?" dagdag ko. He gave me a genuine smile. 

"Sure, no problem about that" Pinagpatuloy namin ang pagkain bago nya ko hinatid muli sa opisina. 

**

"PB! Anong gagawin ko?" Pagmamaktol ko. 

"Eh sino ba namang shunga na magpiprisinta? Pamangkin ni Blaise yun, ba't kailangan mong tumulong? Hindi ka na nga magkandaugaga sa trabaho eh" Galit na sagot ni PB sakin. 

"Hindi mo nalang ako damayan eh! Pinapagalitan mo pa ko, naiistress na nga ko oh" Nagpout ako. 

"Wag kang magpacute, hindi mo bagay. Ewan ko sayo. Aminin mo nga sakin, may nararamdaman ka na ba ulit kay Cj?" tanong nya.

Natulala ako at sumeryoso. 

"Hindi pa ko handa" sagot ko at tinalikuran sya, bumalik ako sa table ko't inisa isang analisahin ang mga dokumento. Sht! This is driving me insane. Nafofall na ba ako ulit? Hindi maaari. 

I need to protect myself from falling. 

Memories of Summer ✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora