41 - Yay or Nay?

25 1 0
                                    

Leighanna Josh Del Fierro

Today is the day.

"Ang ganda naman ng anak ko, your dad must be very happy" Sabi ni Mommy sa akin.

"Nagmana yata ako sayo Mom" I smiled. Nawala din agad ang ngiti sa labi ko, I missed my Dad so much. If he was here he'll be the happiest.

Dad's only dream is to walk me down the isle, unfortunately hindi niya nakayanan. It's been a year and a half. The pain is still here, but bearable. Hindi na katulad ng mga unang buwan ang sakit.

"Hey, smile. It's your wedding day" sabi ng Mommy ko sabay yakap sa akin. Nasa likuran ko siya at parehas kaming nakaharap sa salamin.

"Nako mudra. Wag mong paiyakin ang bride. Masisira ang contour" sabi ng baklang nag-aayos saakin. Tumawa si Mommy.

"Mauuna na kami sa simbahan ha? For sure Cj is there na and waiting for you" sabi ni Mom. Tumango ako.

"Sure Mom, see you later" i kissed her on her cheek bago siya tuluyang lumabas ng kwarto.

Nasa hotel ako since last night, bawal daw magkita ang bride and groom before the wedding day. Hindi daw kasi matutuloy ang kasal. Dito rin gaganapin ang reception, it's one of the hotels that Monteclaro family owns.

"Ma'am, the bridal car is ready. We should leave now" sabi ng wedding coordinator namin. Tumango ako

This is it.

Paige Blair Valdez

Today is the day that we've been waiting for. Josh and Cj's wedding.

Sadly, I wasn't her maid of honor. Buntis kasi ako. But it doesn't matter, atleast alam kong masaya na siya. Blaise is her maid of honor. At brides maid naman ang kapatid nitong si Bea.

"Ano bang pagmumukha yan Johann?" Narinig kong tanong ni Alexis. He's the best man.

"Dadating yun, mag relax ka nga" sabi naman ni Blaise.

"Para kang biyernes santo bro" pang-aasar naman ni Aaron. Siniko ko siya. Hindi kasi siya nakakatulong eh.

I heard Cj's parents are not yet here. Ngunit marami na ang bisita. Karamihan doon ay business partner ng Jacinto Empire at Monteclaro Group of Companies.

I looked at my wrist watch, 10minutes before eleven and wala pa ding nagiinform na nandiyan na ang bride. Nasaan na ba si Josh?

"Anak" tawag ng Daddy ni Cj sakanya.

"Dad! You made it" masayang sagot nito.

"Ofcourse. We wouldn't miss it for the world. Kasal ito ng nag-iisa kong anak" sagot ng Mommy niya.

Niyakap siya ng mga ito.

"I thought were going to be late. Wala pa rin ang bride sa labas" Dad niya.

"Yes tito, and it's very unusual. Never namang na-late si Josh" Blaise

Kahit ako'y nagsisimula ng kabahan.

Zeke Alfie Silvestre

"Dude! Aga niyan ah" sabi ni Tyrone. 11AM palang ay nag-iinom na ako. Thinking about her getting married is really painful. "Move on na dude, wala na tayong pag-asa" dagdag niya.

Oo, parehas kaming wala ng pag-asa. Akala ko nga ay ako lang ang wala dahil nagkaayos naman na sila. Nagkamali pala ako, yung Aaron kasi ang pinili ni PB at ngayon ay dala dala niya ang anak nito.

"Masakit?" Tanong niya ulit. Binatukan ko siya.

"I wouldn't drink early in the morning kung hindi ako nasasaktan" Sagot ko. Tumango siya at tinungga din yung nasa baso niya.

Josh and I have been friends since childhood. I fell in love in an instant, I just had a courage to court her nung highschool kami. Talagang naset-up lang ako kaya nasaktan ko siya at umuwi siya sa ilocos, that's when she met Cj. Now her fiance. And later, her husband.

We already had closure, pero nasasaktan pa din ako. She's my great love.

"What will you do kung sakaling hindi ka nagkamali sa pangalawang pagkakataon?" tanong ni Tyrone. Lumingon ako sakanya, his eyes are focused on the TV. We're watching sports.

"Well, baka fiance ko na siya by now" sagot ko. Tumawa siya.

"Know what, I already plan to propose to PB the moment she gave me a chance kaso tangina eh. Nung araw na magpopropose ako, tsaka niya sinabing hindi na ako yung mahal niya. Ang sakit pre!" sabi niya at muling tinungga ang alak.

Sabi ko noon hindi ko na siya papakawalan nung naging kami ulit. Na pagkatapos ng isang buwang paghihirap ay magpopropose ako. Kaso naunahan niya ko, inisip niyang pinagtaksilan ko siya sa ikalawang beses. When infact I didn't, kung ipinagtapat ko lang sana sakanya ng maaga.

'Breaking news: Jacinto Empire's heir said to be missing on the very day of her wedding. Is she a run away bride or she's really kidnapped'

Parehas kaming natulala ni Tyrone.

"What happened?" mahinang tanong ko. "Josh wouldn't run away" dagdag ko pa. Tumango si Tyrone.

Could it be?

Leighanna Josh del Fierro

Napadilat ako ng may maramdamang humahaplos sa pisngi ko. What happened? It is supposed to be my wedding day pero nasaan ako?

"Welcome back" malademonyo siyang ngumisi.

Inilibot ko ang tingin ko, hindi ito ang lugar na pinagdalhan niya sa akin noon. Hindi ako kumibo, lumapit siya sa akin at marahas na hinawakan ang mukha ko.

"Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung paano ako nakatakas?" sabi ni Jasper.

"Why would I ask you?" matapang kong sagot sakanya. He smirked at me.

"No one's gonna find you here, I will dispose you once you have served your purpose. And by the way you've been asleep for a week now" Jasper. Natulala ako.

Tumalikod siya at iniwan ako sa loob ng isang kwarto. I heard him locked the door.

"Here I am again" bulong ko, ngayon nasisiguro kong kaming dalawa lang ang nasa bahay na ito. I should be scared, but I couldn't.

The first time I was abducted, I am also wearing a gown. Trip nya talaga eh no? Isang linggo na akong nandito pero hindi pa rin ako nahahanap? Last time wala pang 24 hours narescue na ako agad.

Bumalik siya ng may dalang tray ng pagkain.

"Kumain ka na muna para may lakas ka mamaya" sabi niya. Hindi ko iyon pinansin at tumingin sa bintana. Nakatali ang mga kamay at paa ko. How am I suppose to eat?

Tinanggal niya ang pagkakatali ng kamay ko. At inilapag ang tray sa tabi ko.

"You know what, I can also satisfy you" tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Nangilabot ako sa klase ng tingin niya. Bigla akong kinabahan.

I am now starting to get scared. Somebody! I need help. Please! Cj, nasaan ka na?

TBC...




Memories of Summer ✔Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang