KABANATA 1

6.9K 175 21
                                    


AGAD akong napahawak sa aking sentido at napasandal sa pintuan nang makaramdam ako ng pagkahilo.

Siguro ay epekto lamang ng alak na nainom ko kagabi.

 Huminga muna ako ng malalim bago bumaba ng hagdan upang pumunta sa unang palapag ng bahay, alam kong naroon si mom Maxxine at nag luluto.

Malalakas ba namang lagapak ng mga kaldero.

 Habang pababa ng hagdan ay inihahanda ko na ang aking sarili para sa mga sermon niya.

Well, alam ko rin na wala si Dad dahil maaga itong pumapasok sa trabaho. Kaya't malaking ginhawa 'yon para sa akin, mababawasan ang sermon na maririnig ko sa araw na ito.

"Oh, Felix buti't nagawa mo pang magising," sarkastikong bungad ni Mom habang naka halukipkip at hawak sa kaliwang kamay ang sandok.

 Napayuko na lamang ako at dahan-dahang hinila ang upuan sa lamesa at doon umupo.

"Saan ka galing kagabi at lasing na lasing ka? Buti na lamang at dinala ka pa dito ng mga kaibigan mo!" pagalit na tinuran ni mom at muling binaling ang atensyon sa pagluluto.

Imbis na sagutin ang tanong niya ay iniikot ko na lamang ang paningin ko sa paligid.

 Medyo masakit parin ang ulo ko.

 Wala rin namang mangyayari kung sasabihin ko kung saan ako pumunta  kagabi. Paniguradong ang susunod na lalabas sa bibig niya ang mga katagang; Bakit ka umaalis ng walang paalam?

Pero kapag nag paalam magagalit naman. Argh!

"I’yan kumain kana." Inilapag niya ang pritong itlog at ham sa hapag kainan.

'Di ko na mawari kung galit pa ba siya o hindi na. Medyo normal na ang tono ng boses niya.

"Thanks mom," nakangiting tinuran ko at tumayo upang yakapin siya.

Ngunit hindi pa ako nakakayakap sa kaniya nang pigilan niya ako. "Op, op, op! Ang asim mo wala ka pag ligo, wag mo 'kong yakapin." Pagkuwan ay inikutan ako ng mata.

Napatawa na lamang ako at bumalik sa upuan. Pinag patuloy ko na rin ang aking pag-kain.

 "Humanda ka nalang mamaya, I’m sure your father will give you a lecture," aniya at umakyat na siya sa taas upang gisingin si Elish.

Ang makulit kong kapatid. Yes, she is!

May pasok din kasi siya at 8:30 pa ang pasok niya. Well, kahit makulit ang batang ito ay mahal na mahal ko pa rin, isang taon lang ang age gap namin, but our brain is really different. Akalain mo 'yon inangkin lahat ng utak, walang tinira sa akin. She has a lot of medals 'di rin siya maalis-alis sa valedictorian and top 1.

Sinapo niya ang talino na para dapat sa akin.

Speaking of time?

 Napatingin ako sa dingding na may nakasabit na orasan.

 It's already 7:40. Nagmadali na akong kumain dahil late na ako, paniguradong pagagalitan na naman ako ng professor ko. Well, wala namang masyadong gagawin, pero ngayon ang punta namin sa pinaka maganda at pinaka lumang Museum dito sa bayan ng Sta. Cruz, Isabela.  ang Santa Cruz National Museum.

 Sabi ng professor  namin ay titignan lamang namin ang pagkakagawa ng museum na iyon para sa subject naming Construction Materials and Methods.

And after that, wala nang gagawin then 2 weeks no classes. Magiging masayang araw ito.

Habang naghahanda ako ng susuotin na damit ay 'di ko mapigiliang mapatingin sa malaking Family Chart na nakalagay at nakasabit dito sa aking silid, sabi kasi ni Dad, dapat ay nakalagay ito sa kwarto ng lalaki, para daw malaman kung saan nagmula ang henerasyon namin, kung saan nagmula ang gwapong lahi namin.

ManawariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon