HULING KABANATA

2K 89 154
                                    

HULING KABANATA

 

LUMIPAS ang mga oras at dumating ang araw na pagpunta nila sa Batanes. Nakakaramdam  siya ng excitement, gusto niya nang makasama ang kaniyang ina. But, speaking of excitement, mas excited pa ang kaniyang asawa na makita ang kaniyang ina.

Pinindot niya ang doorbell ng gate na lumikha ng malakas na tunog. Ilang sandali pa ay dumating na ang isang katulong.

“Sir, Niel, kayo ho pala.” Binuksan nito ang gate.

“Opo ako po ito manang Teresa.” Aniya, pagkuwan ay nagmadali na siyang bumalik sa kaniyang sasakyan.

Iminaneho niya ang kaniyang sasakyan papasok sa parking lot ng kanilang bahay. Napansin niyang naroon  na rin ang iba pang sasakyan ng kaniyang mga kaibigan.

“Hon, we’re here na.”  tumingin siya sa mirror ng sasakyan upang tignan ang kaniyang mag-ina. Gising na pala ito. Doon niya pinaupo ang mga ito at hindi sa passenger seat upang makahiga sila ng maayos.

Kinuha ni Hidey ang balabal at inilagay sa katawan ng batang mahimbing na natutulog.  “Yes, hon, I’m so Excited to see mom Mariel.” Saad nito. Binuksan na nito ang pintuan ng sasakyan at lumabas.

Gano’n din siya. Binuksan niya na ang pintuan ng sasakyan at lumabas. Pumunta siya sa pinag-upuan ng mag-ina, kinuha niya doon ang kanilang mga gamit.

Nang makuha niya iyon ay isinara na niya ang pintuan ng kaniyang sasakyan. “Hon, tara na sa loob.” Pag-aya niya sa kaniyang mag-ina.

Pumasok sila sa loob. Pinagbuksan sila ng katulong ng kaniyang ina. Pagpasok pa lamang nila sa salamin nitong pinto ay nagtinginan ang lahat sa kanila.

“Oh, andiyan na pala eh.” Saad ni Gian. Tinanggal nito ang pagkakadekwatro ng paa at inayos ang upo.

“So Let’s go?” anang Ashley.

Agad na nagsalubong ang kaniyang kilay. “Hell! Kadarating pa lamang namin!” inis na saad niya.  Agad rin na natanggal ang galit sa kaniyang mukha nang maramdaman niya ang pagkurot ni Hidey sa kaniyang bewang. “Guys, kadarating lang namin.” Muling tinuran  niya at nagbigay ng pilit na ngiti.

“O M G! Hidey!” Galak na sigaw ng kaniyang ina, may katandaan na ito ngunit nananatili pa rin ang kagandahan. Agad itong tumayo at tumakbo papunta kay Hidey.

Kapwa sila nakipag beso sa isa’t isa.

“Mom Mariel! Ang saya ko na makita kang muli”

“This is baby Kierby?” Tinuro pa nito ang batang buhat ni Hidey. “Malaki na siya, ang bilis talaga ng panahon.”

“Yes mom, parang kailan lang kalalabas niya lang, ngayon malaki na siya.”

“Ang cute huh.”

“Thank you, Mom, siyempre saan pa ba mag mamana? Edi sa Mamita niya.”

Napangiti naman ng malaki si Mom Mariel. “Ikaw talaga.” May pagka-expensive na tinuran nito at may pa tapik-tapik pa sa braso ni Hidey. “O’siya, mamaya pa naman ang alis natin. Halika muna sa kuwarto ni Niel. Para makatulog si Baby ng maayos.” Naglakad na ang dalawa at tumungo sa Silid ni Niel upang doon muna matulog.

Nagtungo si Niel sa kusina upang uminom ng tubig. Mabilis lamang siya doon at nakabalik rin agad sa sala kung saan naroon ang kaniyang mga kaibigan. Sana nalang talaga ay kayanin niya ang atmospera na kasama ang kaibigan na si John. As of now, hindi pa siya komportable na makasama ito.

Ibinagsak ni Niel ang kaniyang katawan sa sofa. Tumabi siya kay Gian, sa kanilang harapan ay naroon si Ashley at John.

Umakbay sa kaniya si Gian. “Hey, bro kamusta.”

ManawariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon