KABANATA 29
“A-ayos lang ako.”
Naramdaman ko ang pag-akbay sa akin ni Leonardo at hinaplos ang aking balikat. Hindi na ako tumingin pa sa kaniya. Ang laman ng utak ko ngayon ay ang biglang pumasok sa aking isipan, kung sino ang lalaking gumahasa kay Magdalena. Tinawag niya itong Don. Kaya't may panibago nanaman akong pinaghihinalaan.
Si Don Jaime. Sa mga Cruz lang naman nanilbihan si Magdalena. Mali mang maghinala ngunit sigurado na ako sa taong ito.
“Kung hindi maayos ang iyong pakiramdam ay handa kitang ihatid sa inyong tahanan.” Ani Leonardo at hinimas-himas ang aking balikat.
Kapwa kami napatingin ni Leonardo sa pintuan nang bumukas iyon. Tumambad sa amin si Manang Tera. Nanlulumo ang mata na tila walang oras na hindi tumigil sa pag-iyak, magulo ang buhok at puro sugat ang katawan. Nagtataka ako sa sinapit niya ngayon. Sino ang gumawa nito sa kaniya?
Kumunot ang kilay niya, napansin kong bigla siya sinakluban ng galit.“Anong ginagawa niyo dito? Sasaktan niyo ba ulit ang anak ko? Wala na siya, wala na!”
Napaawangang aking labi dahil sa sinabi niya. “M-manang Tera.” Saad ko, nakakaawa ang sinapit niya, ang hitsura niya. Pero kailangan ko siyang makausap upang makamit niya ang hustisya na hinahanap niya. Upang makamit ko rin ang hustisya na hinahanap ko para kay Kuya Amado.
Napansin ko ang luhang umagos mula sa kaniyang mata at ang kaniyang paghikbi. “M-mawalang galang na mga ginoo, b-bago ko pa kayo masaktan, umalis na kayo dito, lalo ka na, anak ng isang Claveria!” umiiyak na may halong galit ang nananalaytay sa kaniyang boses.
Kumalas sa pagkaka akbay sa akin si Leonardo. “Tutulungan po namin kayo na makamit ang hustisya—”
“Hustisya? Para saan ang hustisya sa mayayamang kagaya niyo? Lahat kayo ay naglalaro lamang sa gobyerno ng bansang ito! Ang tingin niyo sa aming mahihirap ay mga tau-tauhan niyo. ”
Nanghihina ang aking tuhod dahil sa boses niya. Hindi ko kayang makita ang isang Ina na tumatangis dahil wala na ang kaniyang anak. Alam ko ang ang pagmamahal ng isang ina, laging pinadadama iyon sa akin ni mom Maxxine at Doña Esperanza.
Napaluhod si Manang Tera sa aking harapan at tumangis sa aking paa. Inidinikit niya ang mukha sa aking paa. “Parang-awa niyo na, ibalik niyo ang aking anak!” sigaw niya na lalong nagpadurog sa aking puso.
Ibinaba ko ng bahagya ang aking katawan at lumuhod upang alalayan siya sa pagtayo. Ngunit nagulat na lamang ako nang bigla niya akong itulak. "Bakit hindi niyo na lang ako patayin!” napaatras siya at napatayo, pumasok ng kanilang bahay. Pagkuwan ay isinara ang pinto.
Napatayo na lamang ako at pinagpag ang aking suot na damit. Napansin kong tila hindi na normal ang inaasal niya. Parang may mali na, tila nawala na siya sa katinuan dahil sa pagkawala ng kaniyang anak.
“Magdalena, Anak! Gumising ka na, diba sasama ka sa bayan magtitinda tayo?”
"Anak! Nasaan ka?"
"Huwag ka nang tulala, andito ang nanay. Nagluto ako ng turon oh, diba, paburito mo ito?"
Napahinto lamang ako sa harap ng pintuan, hindi ko maigalaw ang aking katawan. Rinig namin mula sa labas ang sigaw ni manang Tera. Sigaw na kung saan ay sinusubukan ng kaniyang imahinasyon ang sarili na makita ang anak.
Naramdaman ko ang muling pag-akbay sa akin ni Leonardo. “Tara na, iuuwi na kita sa inyong tahanan. Huwag mo na lamang isipin ang sinabi niya. Naniniwala akong malinis ang mga Claveria.”
BINABASA MO ANG
Manawari
Historical FictionThe story of the man who raincarnated with a mission to the book entitled MANAWARI. The destiny of book was imprinted in his life. Paano kung ang misyon niya ay ipagtulakan ang karakter na iibig sa kaniya? Magagawa niya kayang tapusin ang misyon? O...