KABANATA 31
"ATE ADELINA, nasaan si ama?" Nagmamadaling tanong ko kay ate Adelina. 'Di ko na nagawang kumatok pa sa pintuan ng kaniyang silid. Pagbukas ko ng pintuan ay agad naman siyang napatayo.
Sa pag lapit niya sa akin ay nakayuko lamang siya. Alam kong kanina pa siya umiiyak at namamaga na ang kaniyang mga mata.
"Hindi ko alam Esteban." Sagot niya sa aking tanong. Lumapit ako sa kaniya upang yakapin siya. Tuwing nakikita kong umiiyak si ate Adelina ay naalala ko si Elish parehas kasi sila kung paano ang pag-iyak, hindi tumitigil hangga't hindi namamaga ang mata.
Umupo siya sa kaniyang higaan at hinugot ang panyo sa kaniyang bulsa. Pinunasan niya ang kaniyang luha.
"Mamayang pag patak ng ika walong oras ng hapon ay luluwas ako ng Maynila."
Napatingin siya sa akin, nabigla ata siya sa sinabi ko. Ngayon ay totoo nga ang nasa isip ko na namamaga na ang kaniyang mata kakaiyak. "Ano ang iyong gagawin doon?" pagtatanlng niya na bakas ng pagtataka.
"Ililigtas ko si Kuya Amado. Wag kang mag-alala kasama ko si Leonardo, hindi ako pupunta doon ng mag-isa."
"Kung gayon ay sasama ko." Tumayo na siya at pumunta sa kaniyang cabinet upang mag handa ng gamit niya.
Napatingin ako sa kaniya. Hindi siya pwedeng sumama. Baka may mangyaring masama sa kaniya, siya ang pagmumulan ng aking henerasyon kaya hindi maaring may mangyaring masama sa kaniya.
"Hindi maari ate Adelina." Seryoso kong turan. "H-hindi maaring sumama ang isang binibini."
"Dahil lamang ba babae ako? Dahil ba babae ako kaya wala na akong lakas? Wala na akong tapang? Wala na akong talino?!" Sandali siyang napatitig sa cabinet niya. Humarap siya sa akin at napansin kong tumutulo nanaman ang luha niya.
"Nakalimutan kong narito pala tayo sa Pilipinas. Bansang walang karapatan ang kababaihan, mahihina at walang alam." Mula sa pagkakaupo ay tumayo siya at dumungaw sa bintana. Sa tono ng bises niya ay mukhang galit siya.
"Ate Adelina, hindi ganon ang ibig kong sabihin."
"Hindi ganon ang ibig mong sabihin ngunit ganon ang nais mong ipahiwatig."
Umupo ako sa higaan niya. "Alam mo ba sa hinaharap? Pantay na ang karapatan ng mga kababaihan at kalalakihan. May mga babae ngang naging presidente eh. Pero pagdating sa pisikal na lakas, nananalo talaga ang mga kalalakihan. Pero, wag ka! babae ang pinakamalakas sa buhatan pagdating sa larangan ng laro." Pagpapaliwanag ko sa kaniya. Alam ko namang hindi niya maiintindihan eh.
"Saan mo naman nalaman iyan?" tanong niya nang hindi pa rin tumitingin sa akin.
Ayan! Ba't ko pa kasi sinabihan ng kung ano-ano eh wala naman siyang alam patungkol don, tinanong tuloy ako. Anong isasagot ko?
"ah, hula ko lang."
Humarap na siya sa akin. Seryoso ang kaniyang mukha. "Esteban, hindi ko kailangan ang mga sinasabi mo, ang gusto ko ay ang sumama sa pagligtas kay kuya Amado at kay Herman."
Napa bunto hininga ako. Mukhang hindi naman siya magpapaawat .
"Sige, sasama ka ate Adelina."
Ngayon ay tumingin na siya sa akin. Umaliwalas na rin ang kaniyang mukha. Pinunasan niya na rin ang kaniyang mata gamit ang panyo na nanggaling sa kaniyang bulsa.
"Pangako, 'di ako magiging pabigat sa inyo. Nais ko lamang makita si Herman at kuya amado na ligtas." Aniya at lumapit sa akin, umupo siya sa kama.
"Kahit kailan ay hindi ka magiging pabigat." Hinawakan ko ang kaniyang kamay at nginitian siya.
BINABASA MO ANG
Manawari
Historical FictionThe story of the man who raincarnated with a mission to the book entitled MANAWARI. The destiny of book was imprinted in his life. Paano kung ang misyon niya ay ipagtulakan ang karakter na iibig sa kaniya? Magagawa niya kayang tapusin ang misyon? O...