KABANATA 11

1.4K 86 9
                                    

“IKAW ginoong Esteban, siguro ay nasungkit mo na ang puso ni Binibining Maria,” tanong sa akin ni Leonardo kaya naman napatigil ako sa pagkain at napatingin sa kaniya.

Pinapamigay niya ba ako?

 Walang ekspresyon ang aking mukha na nakatingin sa aking pagkain. Kapag napapatingin ako kay Leonardo ay abala lamang siya sa pakikipag-usap kay ate Adelina.

 Nakakaramdam ako ng lunkot sa ‘di malamang dahilan. Nanlalamig rin ang aking kamay ngayon at 'di ko mapigilan ang mabilis na pag padyak ng aking paa.

Ano ba, Felix! Dapat paging masaya ka.

“Ano't tila namumutla ka Ginoong Esteban?” tanong naman sa akin ni Binibining Maria na dahilan kaya napatingin naman sa akin si ate Adelina.

Tumayo naman si ate Adelina sa kaniyang kinauupuan at umikot upang lumapit sa akin.

Magkatabi kasi kami ni Leonardo habang magkatabi naman si Binibining maria at ate Adelina.

Hinawi ni Ate Adelina ang aking noo at leeg. “Hindi ka naman nilalagnat, Esteban,” aniya nang nakakunot ang kilay at nag-iisip ng kung ano. Ilang saglit ay umaliwalas ang kaniyang mukha. “Nako alam ko na!”

  Napatingin ako sa kaniya na pabalik na sa kaniyang upuan.

“Nagagalak ka lamang sa usapan ninyo ni binibining Maria.” Pagbalik niya sa kaniyang upuan ay kinuha niya ang kaniyang pamaypay at itinakip iyon sa kaniyang bibig. “O, ‘di naman kaya'y pinag-uusapan ninyo ang magiging buhay niyo sa hinaharap.

Napatingin ako kay binibining Maria, nakangiti lamang siya ngunit 'di mawawala ang pagkalito niya.

Ehh wala pa naman kaming pinaguusapan, kanina pa ako kain ng kain. Wala akong maisip na pag-usapan namin dahil ‘di ko naman alam kung anong nangyari sa kanila ni Esteban at kung anong pinagsamahan nila.

“Nako, ikain mo na lamang iyan at mag-usap pa kayo ni binibining Maria, sa bahay mo na lamang ilabas ang iyong kagalakan,” tinuran ni ate Adelina.

 Narinig ko naman ang mahinhin na pag tawa nila ni Binibining maria.

Tumingin ako kay Leonardo na ngayon ay gumuhit ang ngiti sa kaniyang mukha habang nakatingin sa akin.

Hindi ko siya kayang tignan kaya itinuon ko na lamang ang aking tingin sa aking pagkain.

'Di ko alam kung anong nangyayari sa katawan ko ngayon, basta ang alam ko ay gusto ko nang umuwi at maglugmok.

Natapos ang date nang puro hikab lang ang aking ginawa. Wala akong makausap dahil masayang nag kukuwentuhan si Ate Adelina at Leonardo. 'Di ko naman magawang kausapin si Binibining Maria dahil 'di ko alam kung paano sisimulan.

LUMABAS na kami sa karinderya, na halos 'di na nga ata ako makalakad sa pagkabusog.

“Maraming salamat po Binibining Adelina, Ginoong Leonardo, at Ginoong Esteban.” Tumingin si Binibining Maria sa bawat isa sa amin habang binabanggit ang pangalan namin isa-isa.

“Maraming salamat rin sa iyo, dahil sa kainan na naganap ay nakausap kong muli si Binibining Adelina.” Ani Leonardo kaya napatingin ako sa kanila.

Aba! Ang ladi huh. Dito pa talaga.

Ngumiti naman si Binibining Maria. “Kung gayon, ako ho ay pupunta na, baka ako'y maiwan ng barko.”pagpapaalam niya.

“Sige, magiingat ka.” Sabay na tinuran ni Ate Adelina at Leonardo, at kapwa nagtinginan at nagbigayan ng ngiti at tawa sa isa't isa.

ManawariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon