KABANATA 40

1K 51 10
                                    

KABANATA 40

NAPATAYO ako nang marinig ang mahihinang bulungan na aking naririnig, mahina ngunit sapat na para ma rinig ko pero hindi ko maintindihan. Sa tingin ko ay mula  iyon sa likuran ng bahay. Nakaramdam ako ng kaba dahil mukhang  may nagmamanman dito sa bahay.

Sinubukan kong intindihin ang usapan ngunit wala talaga akong maintindihan. Jusko! eto na nga ba ang sinasabi ko, sa tagal nang walang tumira dito pinanirahan na ng mga nuno o 'di naman kaya ay mga engkanto.

Lumapit ako sa bintana dahil sa tingin ko ay mula doon, boses iyon ng babae at lalaki. Bahaya ko iyong itinulak. Medyo maliwanag naman ang paligid dahil sa bilog na bilog at puting-puti na buwan.

Napakunot ako ng kilay nang mapansin kung sino ang dalawang tao na nagbubulungan. Si Isidro at Lita lang naman pala. Ginawa pa nilang meet up place ang likod ng bahay huh.

Nakaakbay si Isidro kay Lita, habang ang ulo naman ni Lita ay nakapatong sa balikat niya. “Lita, nakasisiguro na akong ikaw ang aking mapapangasawa.”

Ang hawak na karton na siyang ginagamit ni Lita sa pag paypay ay ipinangtakip niya sa kaniyang bibig at tumingin kay Isidro. “Paano ka naman nakasisiguro?” halata ang kilig sa kaniyang mukha.

Aba! Ang lalandi!

“Nalaman ko na ang totoong ugali ng aking ama, napaka sama niya. Nakasisiguro akong kapag nalaman niya ang relasyon natin ay paghihiwalayin niya tayo. Luho lang mahalaga sa kaniya. Makasarili siyang tao!”

Di ko makita ang ekspresyon ng mukha ni Lita dahil nasa taas nila ako.  "Huwag kang mag tanim ng galit sa iyong ama." Hinawi ni Lita ang pisngi ni Isidro at ipinaharap sa kaniya.

"Masama siyang tao Lita."

"May rason kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito Isidro," ngayon ay hinawakan naman ni Lita ang kamay ni Isidro. “Hindi na kita mapipilit pa kung may hinanakit ka ngang talaga, Ngunit paano mo nasabing ako na ang mapapangasawa mo?”

“Sa makalawa ay lalayas na tayo dito, titira tayo sa ibang lugar ng masaya at payapa.” Anang Isidro. Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha sa mukha ni Lita hanggang sa naglapat ang knailang labi.

OMG! Magtatanan ba sila?!

Agad akong napabitaw sa binta at itinakip ang aking kamay sa aking bibig. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kung anong kiliti sa aking tagiliran.

Malakas naman na kumalampag ang bintana na nagbigay ng malakas na tunog. 'Di ko man sila nakikita pero alam kong nagtaka sila at nagulat.

“May tao ba diyaan?!” matapag na sigaw ni Isidro.

“Tila may magnanakaw na nakapasok sa silid ni Ginoong Esteban.” Nag-aalala namang saad ni Lita.

“Paniguradong magagalit si kuya Leonardo kung sakaling may magulo o mawala sa mga gamit ni Ginoong Esteban.”

“Isidro, saan ka patutungo?”

“Titignan ko lamang kung sino iyon, dito ka lamang.”

“Isidro sasama ako.”

“Sige na nga. Kay hiram mong pigilan.” Tila napilitang saad ni Isidro.

Nakaramdam ako ng pagka taranta sa oras na ito. Nilibot ko ang aking tingin sa paligid upang humanap ng matataguan.

Sa cabinet? Shocks! Malaki ito ngunit 'di ako kasya.

Dumapa ako upang tignan ang silok ng kama ngunit sa tingin ko ay 'di ako makakapasok dahil halos magkadikit na yung kama sa sahig. Pag tumalon naman ako sa bintana ay siguradong 'di ko kakayanin, may kataasan nga naman.

ManawariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon