KABANATA 39
"INA, pagbigayan mo na ako. Kukunin ko lang ang mga naiwan nating gamit. Mga kayamanan gano'n." Nakatingin ako kay ina nang may pa awa effects sa aking mata. Mukha namang hindi pa siya kumbinsido. Kaya naman hinawakan ko ang kamay niya at hinimas iyon.
Binawi niya ang kaniyang kamay. "Anak, matagal na nating inilibing sa hukay ang ating mga kayamanan." Naka imprinta sa kaniyang mukha ang takot at pag-aalala. "Anak, paano kung makita ka nila doon? Paano kung..." Napapikit siya at bumuntong hininga. "Paano kung makita ka nila at malaman nilang dito tayo nakatira? Anak hinahanap nila tayo." Tumalikod siya sa akin at pumunta sa bintana.
Alam ko namang nag-aalala lamang si Ina sa akin, sa kalagayan namin. Dahil tiyak na kapag nalaman ng mga Don ng Santa Cruz ang kinaroroonan namin ay maaring guluhin nanaman nila kami, pero importante kasi ang kukunin ko. Naiwan ko ang libro at kailangan kong makuha iyon. Sabi nga ni madam Eslita ay importante iyon.
"Ina, isang buwan lamang ako doon." Tanging nasabi ko. Kinakabahan din kasi ako ngayon dahil baka magalit siya sa akin. Minsan ko lang kasi siyang nakitang magalit. Isang buwan ako doon dahil kukunin ko talaga lahat ng gamit na puwedeng makuha, dagdag pa aygusto kong makasama si Leonardo ng matagal.
Kaninang nakadungaw siya sa labas ay bigla siyang napatingin sa akin. "Anak, kay haba ng isang buwan!"
"Hindi naman, eksaktong isang buwan ina. Baka abutin lamang pero mga ilang linggo lamang ay uuwi na kami." Pagpaaliwanag ko pa.
"Bahala ka." Aniya at lumabas ng bahay. Tulog na sina ate Adelina at kuya Herman, gabing-gabi na rin naman kasi. Hinintay ko talaga ang pagkakataong ito para masabi ko sa kaniya kaya 'di muna ako natulog ng maaga.
Sumabay ako kay ina palabas ng bahay. "Ina, sandali lang."
Nakalabas kami ng bahay. Inayos ni ina ang kaniyang saya at umupo sa tabla. Hindi siya tumingin sa akin, nakatingin lamang siya sa mga bituwin sa kalangitan.
"Ina, sige na please, payagan mo na ako ina, ina, pakiusap." Umupo ako sa isa pang tabla sa kaniyang harapan.
"Pumunta ka kung nais mong pumunta, pinapayagan na kita." Saad niya ngunit hindi parin nagbaling ng tingin sa akin.
"Ina, galit ka parin eh." Ngayon ay lumipat ako ng upuan sa tabi niya. Ipinatong ko ang aking ulo sa kaniyang balikat. "Ina, payagan mo na ako." Mahinang pagkakasaad ko na humihingi ng abiso niya.
Naramdaman ko ang unti-unting pagharap niya at hinawi ang aking buhok. Napapikit na lamang ako dahil tila nakaramdam ako ng kaginhawaan sa aking puso.
"Anak, nag-aalala lamang ako sa kalagayan mo. Ayoko nang may isa pang mawala sa atin. Lalo na kung ikaw, mahal na mahal kita anak."
"Ina, mag-iingat po ako."
"Kung iyan ang desisyon mo. Sige papayagan kita. Basta't alagaan mo ang sarili mo, mag-iingat ka."
Agad ko naalis ang ulo sa pagkakapatong sa balikat niya. Mukhang 'di na siya galit at pinapayagan niya na ako ng maayos. "Ina, totoo ba?" may ngiti kong tinuran.
Tumango lamang siya. Agad akong napayakap sa kaniya. Hinawakan niya naman ang aking kamay na nakaakap sa kaniya at hinawi iyon ."Mag-iingat ka ah, bukas na ba ang alis niyo?"
"Opo ina."
Inalis niya na ang pagkakayakap sa akin. "bukas ay, unang araw ng Agosto, ano pang ginagawa mo? Maghanda ka na ng mga gamit mo. Baka bukas ay paghintayin mo pa si Ginoong Leonardo."
Tumayo na ako at pumasok sa loob ng bahay. "Sige ina, maghahanda na po ako." Tanging sigaw ko. Hindi ko na napigilan sumigaw dahil sa saya eh. Natutulog na sila ate Adelina at kuya Herman.
BINABASA MO ANG
Manawari
Historical FictionThe story of the man who raincarnated with a mission to the book entitled MANAWARI. The destiny of book was imprinted in his life. Paano kung ang misyon niya ay ipagtulakan ang karakter na iibig sa kaniya? Magagawa niya kayang tapusin ang misyon? O...