KABANATA 17
NAKAHANDA na ang mga gamit ko sa isang abasto. Maayos narin ang aking pananamit at handa na ako para sa biyahe. Si Kuya Amado ang maghahatid sa amin ni Lita lulan ng kalesa at upang alalayan kami hanggang sa daungan ng barko sa hilaga dahil sa barko kami sasakay upang mas mapadali ang pag biyahe.
Bago ako umalis ay pumunta muna ako sa silid ni ate Adelina upang magpaalam sa kaniya. Pagbukas ko ng pinto ay naroon naman siya nakaupo sa kaniyang silid at nagtatahi ng mga tela. Iyon ang mga paborito niyang gawain, ang magtahi ng mga tela lalo na kung wala siyang ginagawa.
Napatigil siya sa pagtatahi at nabaling ang tingin sa akin. Nagbigay siya ng ngiti na nagsasabing mami-miss niya ako. “Esteban, halika rito at may ibibigay ako sa iyo.” Aniya habang naglalakad papunta sa cabinet niya at may hinanap doon. Humarap siya sa akin habang hawak ang panyo. “Simula nang isinilang ka ay hindi ka manlang nakatanggap ng regalo sa iyong ate Adelina. Halika't iyong tanggapin ang munting panwelo na regalo ko sa iyo.”
Lumapit ako sa kaniya. Tinignan ko ang kaniyang gawa, nakasulat roon ang pangalang ESTEBAN maganda ang pagkakagawa at nahawi ng mabuti. “Ginawa mo to?”
Iniabot niya sa akin ang panyo, at tinanggap ko naman ng maayos habang nanatiling nasa maayos na pagkakatupi ang panyo. “Oo iyan ay aking ginawa.”
Nagbigay ako ng yakap sa kaniya. Malayo layo rin kasi ang Maynila dito sa lungsod ng Isabela kaya naman mami-miss ko talaga si ate Adelina. Napangiti naman siya at bumawi rin ng yakap sa akin.
Bumalik na siya sa kaniyang ginagawang pagtatahi, bago ako lumabas ay muli ko siyang sinulyapan at binigyan ng ngiti. Nagmadali na akong bumaba sa unang palapag at baka hinihinta na nila ako. Pagkababa ko ay napansin ko na wala na doon ang aking abasto.
“Nabuhat ko na ang iyong mga gamit, naroon na sa kalesa.” ani Kuya Amado na ngayon ay kapapasok lamang. Nagmamadali siyang umakyat sa ikalawang palapag at sinundan ko lamang siya ng aking mga tingin. Sa totoo lamang ay mabait naman si Kuya Amado, mukhang matapang at mabangis lang ang kaniyang mukha dahil sa makakapal niyang kilay, matangos na ilong at matatalim na tingin, pero sa katunayan mabait siya at matulungin. Simula nang makarating ako rito sa mundong ito ay hindi ko pa siya nakitaan ng masamang ugali, ni galit manlang ay wala.
Lumabas ako at pumunta sa kalesa upang tignan ang mga gamit kung tama ngang naroon na. Nadatnan ko si Herman na nagpapakain ng kabayo na gagamitin. Napapansin ko nitong mga nakaraang araw ay lagi nalang siya ang kutsero na naghahatid sa amin kung sa kaling may pupuntahan kami.
Tinignan ko ang mga gamit ko sa loob ng kalesa at napagtanto kong naroon naman ang lahat. Kinuha ko ang isa kong abasto at doon inilagay ang panyong ibinigay ni ate Adelina, maging ang librong Manawari naroon rin, siyempre hinding hindi ko iyon makakalimutan, hanggang ngayon ay umaasa parin akong makakabalik ako sa lugar na pinanggalingan ko.
Matapos nang mapakain ni Herman ang kabayo ay inihanda niya na ang iba pang gamit na gagamitin para sa paglalakbay. Habang ako naman ay nakasandal lang sa kalesa at lumilinga-linga sa paligid. Umaasa akong darating si Leonardo upang magbigay ng paalam. Mga ilang sandali akong naghintay, dumating na si Kuya Amado at tinawag na upang sumakay sa kalesa.
Laglag ang aking balikat na sumakay sa kalesa. Kaibigan niya lamang ako, para saan pa na pagtuonan niya oras. Di ko manlang maitatak iyan sa aking isipan.
“Tila may hinahanap ka?” usisa ni kiya Amado kaya naman napatingin ako sa kaniya.
Agad rin akong umiwas ng tingin at nagkunwaring tumitingin sa labas at may pinagmamasdan. “W-wala huh, tinitignan ko lang ang paligid, paniguradong mami-miss ko ito pagdating ko sa Maynila.”
BINABASA MO ANG
Manawari
Historical FictionThe story of the man who raincarnated with a mission to the book entitled MANAWARI. The destiny of book was imprinted in his life. Paano kung ang misyon niya ay ipagtulakan ang karakter na iibig sa kaniya? Magagawa niya kayang tapusin ang misyon? O...