KABANATA 32
KUMPULAN ang mga tao habang pinapanood ang nahihirapan at dumadaing na si kuya Amado.
Napakainit ng araw kaya naman ang lahat ngayon ay tagaktak ang pawis. Ang bawat padyak ng paa ng mga daang-daang tao ay gumagawa ng makakapal na alikabok na siyang nagpapalabo sa daanan.
Kaunting pagmulat lamang ng mga mata ni kuya Amado ang kaniyang nagagawa, dahil sa hirap at panghihinang iniinda. Dinig na dinig din ang bulungan at malalakas na sigawan ng mga tao.
“Wala siyang ginawang masama!” sigaw ng isang madre. Parang nakita ko na siya sa aking Dormitoryo. Siguro ay kagaya ni madre Sonya, ay isa siya sa nag-alaga kay kuya Amado.
Muntik na akong mahulog sa lupa nang biglang may bumangga sa aking isang matandang lalaki, buti na lamang at naalalayan agad ako ni ate Adelina. “Tumabi ka nga sa dinadaanan ko! Kailangan kong makita ang pagkamatay ng kriminal na iyan!” Saad nito na bakasang galit.
Di naman ito mukhang mayaman. Maitim ito at walang saplot pang-itaas at ang pang-ibaba naman ay pantalon na puno ng putik, halatang magsasaka.
Di ko na lamang iyon pinatulan pa. Hinawakan kong muli ang kamay ni ate Adelina at iginiya siya kung saan man dadalhin ng mga guwardya civil si Kuya Amado.
Nakarating kami sa lugar kung saan parang may stage sa gitna, sa tingin ko ay parte parin ito ng Fort Santiago. Dito pinunta si kuya Amado.
Binitawan siya ng mga guwardya civil na dahilan kaya napasubsob ang nanghihina niyang katawan sa simento at magaspang na sahig.
Muling hinawakan ng dalawang guwarda civil ang dalawang posas na nasa kamay ni kuya amado. Binigyan iyon ng puwersa kaya naman pilit siyang napaangat. Duguan na ang kaniyang buong katawan.
Kalunos-lunos ang kaniyang kalagayan.
Kasabay ng tunog ng mga rehas ay dumating na ang mga hukbong militar. Pinangunahan iyon ni Leonardo. Hawak niya rin ang baril na gagamitin para kay kuya Amado. Alam kong ayaw niyang gawin ito, ngunit ito ang trabaho niya. Ito ang dapat niyang gawin.
Napatingin ako sa gawi ni ate Adelina. Umiiyak siya. Napansin niyang nakatingin ako sa kaniya kaya naman yumakap nalamang siya sa akin. Sinubsob niya ang kaniyang mukha sa aking braso.
“Magiging maayos rin ang lahat.” Bulong ko sa kaniya.
Agad kaming napatingin ni ate Adelina sa dakong kanluran namin nang may sumigaw.
“Wala siyang kasalanan! Inosente siya!” si madre Sonyang iyon.
May lumapit sa kaniyang guwardiya civil at pagkuwan ay tinulak siya na dahilan kaya siya napaluhod sa mabuhangin na lupa. Bakas sa mukha ng guwardya civil ang inis. “Tumahimik ka madre, huwag mo nang ipagtanggol pa ang taong makasalanan!” pagkuwan ay hinila nila ang kasuotan ni Madre Sonyang at kinaladkad palayo.
Lalapit sana ako, ngunit pinigilan ako ni ate Adelina. “Huwag kang pumunta doon. Paniguradong pipigilan nila tayong makita si Kuya Amado.” Saad niya na may lungkot at galit sa kaniyang mukha. Galitna siya sa mga guwardya civil.
“Sampung segundo para sa pagkitil ng buhay ni Amado Claveria!” sigaw ng lalaking guwardya civil. Kinuha nito ang baril na inialay ni Leonardo.
Sa ngayon ay parang gusto ko nang umalis. Di ko kakayanin ang makakita ng ganito.
Ipinikit ko na lamang ang aking mata.
Ngunit limang segundo pa lamang ay kusang bumuka ang aking mata upang tignan ang paligid.
Naroon parin si Leonardo sa harapan at nakatayo. Nakatutok naman ang baril sa ulo ni kuya amado. Habang ang lalaking may hawak ng baril ay nagbibilang na lamang gamit ang daliri.
BINABASA MO ANG
Manawari
Historical FictionThe story of the man who raincarnated with a mission to the book entitled MANAWARI. The destiny of book was imprinted in his life. Paano kung ang misyon niya ay ipagtulakan ang karakter na iibig sa kaniya? Magagawa niya kayang tapusin ang misyon? O...