KABANATA 42

1.2K 59 12
                                    

 KABANATA 42

MARAHANG hinawi ng isang lalaki ang isang pahina upang ilipat iyon. Kasabay no’n ang pagtulo ng butil ng luha na nagmula sa kaniyang mga mata. Sa katagal-tagal niya nang nagbabasa ng libro ay hindi siya nagbabasa ng ganitong genre. Ngayon lamang siya nakaramdam ng ganitong sakit na tila ba nadurog ang kaniyang puso sa pagbabasa lamang ng nobela.

Ang librong ito ay ibinigay pa sa kaniya ng kaniyang professor na si Prof. Manuel nang lumipat siya ng paaralan sa Santa Cruz University. Ngayong linggo niya lamang ito sinimulang basahin.

 Pinunasan niya ang kaniyang luha at simandal sa puno ng nara na kanina niya pa inuupuan, dito siya laging pumupunta tuwing gusto niyang lumanghap ng sariwang hangin. Napatingin siya sa sinementong  ilog ng  mga construction worker. Proyekto kasi iyon ng kanilang Mayor sa bayan na gawing irrigation.

Bilang taong nakapagtapos ng Civil Engineering, napili siya ng National Irrigation  Association bilang  engineer na mangunguna para sa proyektong ito.

Nabasag ang kaniyang pagmuni-muni at napatingin apatingin siya sa kaniyang cellphone nang mag ring iyon. Kinuha niya iyon at tinignan kung sino ang tumatawag. Ang kaniyang assistant.

 Bumuntong hininga muna siya bago sagutin ang tawag. At ilnilapit sa kaniyang tainga.

“Hello?" Paunang bungad niya.

“Hello sir, nandipo po si mayor Batumbakal, kailangan ka daw pong makausap.” Sagot mula sa kabilang linya.

“Paupuin niyo siya and give him coffee, just an hour makakapunta na ako diyan.”

“okay sir.”

Di na siya nagsalita pa at pinatay na ang tawag. Tumayo na siya, tinupi niya na rin ang libro. Ilalagay niya na sana iyon sa kaniyang bag nang may mahulog ng kapiraso ng papel.

Di niya pa nababasa ang ibang kabanata ng libro, sa pagkakaalam niya’y tapos na ngunit may natitira pang pahina. Nang simulan niya ring basahin ay alam nyang may nakasilid na papel dito.

Pinulot niya ang nahulog na papel. Wala siyang balak na basahin iyon dahil baka ma spoil siya sa mga mangyayari pa sa libro, ngunit ginugulo siya ng kaniyang konsensiya.

Inis niyang kinuha ang papael, isang envelope iyon na maliit, sa envelope ay may nakasulat na pangalang Leonardo Villanueva.

Nang mabasa niya iyon ay mabilis na tumibok ang puso niya. Leonardo ang isa sa karakter ng libro, ito rin ang madalas itawag sa kaniya ng misteryosong lalaking na laging nasa panaginip niya.

Bumuntong hininga siya at kinuha na ang papel sa loob ng envelope. Binuklat niya iyon. Sulat lang naman pala.

Pinakatitigan niya ang unang salita, maganda ang pagkakasulat nito na tila ba sulat ng isang tao. Sa pagbabasa niya ay biglang may naramdaman siyang kirot sa kaniyang ulo. May pumasok rin na ala-ala sa kaniyang isipan. Ala-alang kamangha-mangha dahil nakikita niya iyon sa kaniyang mata, nakikita niya ang detalye ng lugar at mga bagay sa paligid. Nakikita niya ang lalaki na kamukhang kamukha niya nang nasa kulehiyo pa lamang siya, noong panahong binata pa lamang siya.  nakasuot ito ng pansundalong damit. Kapansin-pansin ang labis na lungkot sa mga mata nito.

TUMULO ang luha ng lalaki habang nakatitig lamang sa libro na hawak. Kakatapos niya lamang iyon basahin. Tsaka ito lamang kasi ang nadatnan niya sa silid ng kaniyang mahal, ayon sa kuwento ng kaniyang katulong na si Melay ay naglayas ito dahil nalaman ang kasal na gaganapin.

Ngunit anong kasal? Tumanggi na siya sa kaniyang ama! Nag away sila ng kaniyang ama, ipinaglaban niya ang pagmamahal sa binata.

 

ManawariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon