“ALAM NIYO ba ang bali-balitang kumakalat?” tanong ng babae sa kasamahan nito habang nagsasampay ng damit.
“Hindi comadre, ano ba iyon?” tugon naman ng dalawang babae habang kinukuskos ang mga damit na nasa batya.
“Kung gayon ay huling huli na kayo mga comadre, dumating na raw ang bunsong anak na lalaki ng mga Claveria, at ito pa mas nagbibigay ng takot sa akin, sa ating mga mahihirap. Ikakasal na raw sina Binibining Adelina Claveria at Leonardo Villanueva.” Mahabang pagkukuwento nito sa mga kasama na may pa kumpas kumpas ng kamay. Napatigil pa ito sa pagsasampay upang makapag kuwento lamang.
Napatakip naman sa bibig ang dalawang babae.
“Hays, kay yaman na nga ng mga Clavera ay nagagawa paring sumipsip ng yaman sa mga Villanueva.” Mula naman sa babaeng na naglalaba.
Kumulo ang aking dugo at sa tingin ko'y pumunta na sa aking ulo ang aking dugo. Susugudin ko sana yung mga chismosang babae ngunit hinawakan ako ni madam Estelita sa aking balikat.
“Huwag mo na lamang silang pansinin, kagaya nang sa panahon mo ay mayroon rin dito,” pagpapaliwanag niya sa akin at nagbigay ng pilit na ngiti.
Narito pala ako ngayon sa bahay ng kaanak nila madam Estelita may sasabihin raw siya sa aking importante, pero ngayon inutusan niya lamang akong magbuhat ng mga bagaheng iuuwi niya sa Maynila.
Tatanggi sana ako kaso ayokong magalit siya, tsaka matanda na eh, baka 'di niya na ito mabuhat.
Nagsimula kaming maglakad, hawak ko ang isang bagahe ni Madam Estelita at hawak niya naman ang isa, lalakarin namin hanggang sa paradahan ng mga kalesa. Well, malapit lang naman iyon, wala pang kilometro.
“Esteban, nabago na ang tadhana ng libro, napansin ko na taliwas na ang mga pangyayari sa libro at sa kasalukuyam, ngunit may nakikita akong isang pangyayari, na siya ring nangyari na sa nakaraan na dahilan kaya mawawala ako sa paningin mo, nakatitiyak ako na mahihirapan ka.”
Napatingin ako kay madam Estelita, di ko maintindihan ang sinasabi niya.
Bakas sa mukha niya ang takot. “Iyan lamang ang sasabihin ko, karamihan sa pangyayari sa libro ay nagbago na, kaya't mag ingat ka.”
Medyo nakaramdam ako ng kaba sa sinabi ni Madam Estelita, pag 'di ako nagwagi sa misyon ko ay never na’kong makakabalik pa. Hindi ko na makikita ang mga nasa kasalukuyang panahon.
Shit naman!
“Babalik na ako ng Maynila at may tiwala ako sayo Esteban.” Dagdag pa ni madam Estelita. Huminto kami sa bayan kung saan maraming sasakyang kalesa.
'Di naman pala gaanong malayo sa bahay ng mga kaanak ni madam Estelita. “O'siya dito na ang sakayan ng kalesa patungong Maynila. Maiiwan na kita,”
“Sige po madam Estelita mag-ingat po kayo,” saad ko sa kaniya at nagbigay ng yakap.
Parang ina narin kasi ang turing ko kay madam Estelita simula nang mapunta ako rito.
“Mag-iingat ka ha,” nagbigay siya muli ng ngiti sa akin bago kumalas at sumakay na sa kalesa.
Nang magsimula na ang pag-andar ng kalesa ay tumalikod na rin ako upang pumunta sa bahay ng kaanak niya, doon kasi naghihintay ang kalesang sinakyan ko.
Ngunit ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ko nang may humintong kalesa sa aking harapan lulan nito ang isang lalaki. Matipuno at may suot ng mapormang damit mestizo at nakasumbrero ng itim. Siya ay si Leonardo na ngayon ay nagpahinto sa akin.
Naestatwa ako ngayon sa aking kinatatayuan.
Bumaba siya sa kaniyang kalesa at naglakad siya palapit sa akin nang may ngiti sa mga labi.
BINABASA MO ANG
Manawari
Historical FictionThe story of the man who raincarnated with a mission to the book entitled MANAWARI. The destiny of book was imprinted in his life. Paano kung ang misyon niya ay ipagtulakan ang karakter na iibig sa kaniya? Magagawa niya kayang tapusin ang misyon? O...