NAGISING na lamang akong may mga nakahanda ng mga abasto sa lapag ng aking silid sa dormitoryong ito. Narito rin si Binibining lita at itinutupi ang iba pang mga damit, panglalaki ang mga damit na ito kaya naman alam kong kay Esteban iyon.
“Saan tayo pupunta?” Nagtataka kong tanong sa kaniya nang makatayo ako mula sa pagkakaupo sa aking higaan.
Napatingin naman siya sa akin at nginitian ako. “Ginoo, makakabalik na tayo sa Santa Cruz,” parang mas excited pa sa excited na sabi niya sa akin.
Habang ako naman ay walang emosyon sa narinig, napako lamang ang tingin ko sa kaniyang ginagawa.
Paniguradong ibang tao na naman ang nandoon, at mahihirapan na naman akong makisalamuha sa kanila.
“Tila, hindi ka nasasabik ginoo? Matapos ang apat na taong pananatili natin dito sa Maynila, ikaw ginoo'y hindi ba nasasabik na makita sina Don Alipio at Doña Esperanza? Binibining Adelina at Ginoong Amado?” may pagtataka sa mukha niyang nakatingin sa akin habang patuloy pa rin sa pagtutupi ng damit upang ilagay sa bakal na abasto.
Lumukot ang aking mukha sa narinig, hindi ko kilala ang mga pangalang binanggit niya.
Kahit ayaw kong pumunta ng Santa Cruz ay wala akong magagawa dahil lahat sila ay parte ng misyon ko sa mundong ito para makabalik ako sa pinanggalingan ko.
Bumukas ang pinto at pumasok si Madam Estelita, naka pang madre pa rin ang suot nito. Mahinhin ang lakad nitong lumapit sa amin na may ngiti. “Lita, nakahanda ka na ba ng mga gamit mo? Malapit na ang kalesa na maghahatid sa atin sa daungan ng maynila, paniguradong matatagalan ang paglalakbay kung sa amyanan pa kayo dadaan kaya’t mas mapapadali ang biyahe kung magbarko nalamang papuntang daungan ng Ilocos,” mahabang pagpapaliwanag nito.
“Hayaan mo na iyan, ako na ang bahala diyan, mag-ayos ka na ng iyong mga gamit.” Agad namang tumayo si binibining Lita at yumuko upang magbigay galang kay Madam Estelita.
Nginitian lamang siya nito, bilang senyales na kailangan niya nang gumalaw.
Naiwan naman kami ngayon ni Madam Estelita sa silid. “Esteban, ayusin mo ang mga gamit mo, matuto kang magtupi ng iyong damit.”
Di ko alam kung galit ba siya o sinesermonan lang ako eh.
“Sabi mo ikaw na.”
“Huwag ka nang mag rason pa, bilisan mo.” Pinandilatan niya ako ng mata kaya, umupo na ako sa sahig malapit sa damitan at nagkunwaring tutupiin iyon ng maayos.
Nang makalabas na si Madam Estelita ay sinundan ko lamang sita ng tingin.
‘Di ko alam mag tupi ng damit ngunit sa tingin ko ay maayos naman ang pagkakalagay ko sa bagahe, pina roll ko na lamang ang mga kamiso, polo at mga damit mestizo.
Nang makabik si Madam Estelita ay dala niya ang librong may pamagat na Manawari, yung dahilan kung bakit narito ako ngayon, hanggang ngayon 'di ko parin matanggap na narito ako, iniisip ko parin na sana ay panaginip lang to, na siguro ay nababaliw lang ako.
“Ito ang Librong Manawari, nasimulan nang masulatan ang unang kabanata ng librong ito nang magtagpo kayo ni Ginoong Leonardo sa harap ng dormitoryo malapit sa puno ng Nara.”
Biglang bumilis ang tibok ng aking dibdib. Paano niya nalaman yon? S-so… si Leonardo yung lalaking ngumiti sa akin?
Muling nag flashback na naman sa utak ko yung bawat features ng mukha niya tunay ngang napakaganda ng pagkakagawa sa kaniya.
“Pero, Madam Estelita, ganon ba ang unang tagpo sa libro? I mean sa original.” Nagtataka kong tanong sa kaniya.
“Sa tingin ko ay nanatili pa ring nasusunod ang dating tadhana ng libro. Oo, ganoon ang nakasulat sa libro, naka tala rin sa libro ang pag-uwi natin sa Santa Cruz.”
BINABASA MO ANG
Manawari
Historical FictionThe story of the man who raincarnated with a mission to the book entitled MANAWARI. The destiny of book was imprinted in his life. Paano kung ang misyon niya ay ipagtulakan ang karakter na iibig sa kaniya? Magagawa niya kayang tapusin ang misyon? O...