KABANATA 13

1.3K 81 3
                                    

MADILIM ang paligid at puro hamog, malamig rin ang simoy ng hangin na dahilan kaya nangangatog ang aking tuhod, nanginginig rin ang aking katawan at tumatayo ang aking balahibo. Pamilyar sa akin ang lugar na ito, ngunit 'di ko maalala kung kailan at kung saan

 Mula sa pagkakaupo sa malamig na marmol na sahig ay itinayo ko ang aking sarili at sinimulang pumadyak paharap. Nakakaramdam man ng takot ngunit 'di ko alam ang aking gagawin at ang tanging nakikita ko lamang na paraan ay ang maglakad pasulong at tignan ang paligid kung nasaan ako ngayon.

May isang pirasong papel ang nahulog sa itaas, kaya napatingin ako roon, hulog siguro ng langit ang papel, sana nakasulat roon kung paano ako makaka alis rito. Kinuha ko iyon at binasa. Umurong ang aking labi sa aking nakita, nagsimula naring mamuo ang tubig sa aking mata. Hindi ko inaasahan ang bagay na nakasulat at nakaimprinta sa papel.

Nakasulat sa piraso ng papel ang pagkamatay ni Madam Estelita, tinignan ko kung kailan naganap ay walang nakasulat kundi ang salitang Bago ang araw ng kasal ni Binibining Adelina Claveria at Leonardo Villanueva. Nakaimprinta rin sa papel ang mukha ni madam Estelita, black and white lamang iyon at di rin mawari kung siya nga ba talaga iyon.

Humangin ng malakas na nagdala ng alikabok kaya naman nalagyan ang aking mata. Napapikit ako at kinuskos ko nalamang iyon. Pagmulat ko ay iba na ang lugar kung nasaan ako ngayon. Nasa isang silid ako, rinig ko ang kaguluhan ng mga tao, nakita ko rin si Madam Estelita kaya't napatingin  siya sa akin at naglakad palapit. 'Di ko na mapigilan ang aking sarili at niyakap ko siya ng mahigpit, mahigpit na mahigpit na tila wala nang bukas.

Na miss ko siya ng sobra.

“Ito ay nakatakdang mangyari, nakasulat ito sa libro, isa lamang ito sa hadlang ng iyong misyon,” Aniya habang hinihimas himas ang aking likuran. Nababasa ko sa kaniyang salita ang labis na lungkot. “Magpakatatag ka at gawin mo ang iyong misyon, alam kong maayos rin ang lahat at babalik ka sa dati, kung saan ka man nagmula.” Muli niyang tinuran at hinalikan ako sa noo.

Kahit isang salita ay walang lumalabas sa bibig ko. Naunuyo ang aking lalamunan at ayaw rin gumalaw ng akin panga. Tumalikod na siya at lumakad palayo, naramdaman ko naman ang paginit ng paligid at pagpula ng paligid na animo’y lumalapit ang araw. Walang ano-ano'y nahulog ang nagbabagang kahoy at sakto iyong tumama kay madam Estelita, mabilis na kumalat ang tela na nakabalot kay madam Estelita. Paging ang mga tela sa buong silid ay nilibot na rin ng apoy. 'Di manlang ako sumigaw at tumulo lamang ang aking luha sa ‘di malamang dahilan.

“Ginoong Esteban, kayo ho ay dinadalaw na naman ng inyong masamang panaginip.” Paggising sa akin ni Lita kaya naman agad akong napabaliktwas ng bangon.

 Mabilis ang pagtibok sa aking dibdib dahil sa kaba. Pinagpapawisan rin ako, habang nakakaramdam ako ng panlalamig, sunod-sunod rin ang paghabol ko sa aking paghinga.

Bakit kaya gano'n pagnanaginip? Nakahiga lang naman pero paggising parang hinabol ng sampong aso, nakakapagod huh.

Tinignan ko ang kamay ko, hawak ng kamay ko ngayon ang pinadalang sulat ni Madam Estelita.  

“Ginoong Esteban, ayos ka lamang ba, tanghaling tapat ay nanaginip ka.” Rinig kong salita ni Lita kaya lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking noo at leeg. “Hindi naman po kayo mainit.” Tinuran niya at napaisip ng kung ano.

Bumuntong hininga ako. “Wala akong masamang nararamdaman Lita,” saad ko na lamang at itinuon ang atensyon sa sulat.

 Binuksan ko ang  sobre at hinugot ang sulat. Walang nagbago, ganoon parin kagaya ng nabasa ko nung una. Pero, bakit ang dating ng sulat sa akin ay nagpapaalam siya?

ManawariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon