“NGAYONG alam mo na ang lahat, siguro ay magagampanan mo na ang misyon mo ng maayos. Huwag mo ring kalimutan ang mga payo ko,” anang matanda sa akin.
Ngayon ay nalinawan ko na ang lahat, alam ko na ang gagawin ko. Nakapagplano na ako na kailangan kong makausap yung Leonardo na iyon at si Adelina upang magpakasal na agad.
“Kumain kana, at alam kong napagod ka sa lahat ng nangyari ngayong araw.” Tinuro niya ang pagkaing nasa mesa. “Tawagin mo akong Madam Estelita. Iyon ang nais ko.” Dagdag pa nito. Kapagkuwan ay tumayo na siya at lumabas ng silid.
Agad naman akong tumayo, at pumunta sa lamesa kung nasaan ang pagkaing inihain para sa akin. Ito ay sinampalukan na baboy na nakalagay sa kahoy na mangkok at kanin na nakalagay sa kahoy na plato.
Sa panahon palang ito ay 'di pa gaanong ginagamit ang mga babasagin at metal na bagay.
Mabilis ko namang naubos ang ibinigay na pagkain, sa katunayan ay kulang pa nga, gusto kong humingi ng pang take two pero nakakahiya.
Ilang minuto pa ay dumating na rin si Lita.
Alam ko ang kaniyang ngalan dahil sinabi ni Madam Estelita, si Lita ay matagal katulong sa pamilyang Claveria, pinadala siya ni Don Alipio para maging tagapagsilbi ni Esteban, ngunit bata palamang si Esteban ay ayaw na nito kay Lita, tatlong taon lamang na taon nito kay Esteban.
“Binibining Lita,” pagtawag ko sa pangalan niya habang nililinis niya ang aking pinag kainan.
“Ano ang maipaglilingkod ko ginoo?”
“Wala, wala,” Gusto ko sanang lumabas ng dormitoryong ito ngunit nahihiya akong magtanong kung maari ba.
Gusto ko sanang makita ang labas. Baka kasi pina-prank lang ako ng mga ito. Kapal nila mag prank, 'di ko sila kilala.
Saglit na napahinto si Binibining Lita at humarap sa akin ng nakangiti, “Ginoo, alam kong may kailangan ka, sabihin mo na, lahat ay gagawin ko upang tulungan ka, huwag lang ang pag akyat sa asotea ni Binibining Maria.” Pagkuwan ay mahinhin itong natawa.
Maganda si Lita, literal na maganda. Medyo maitim ang balat nito pero nananaig ang kakinisan. Kahit nagsisilbi siyang katulong ni Esteban ay ipinagsasabay niya ang pag-aaral sa simbahan, kay madam Estelita.
Ang lahat ng iyan ay ikinuwento kanina sa akin ni Madam Estelita.
“May I go-I mean, Maari po ba akong lumabas?” pagtanong ko sa kaniya.
Gusto kong makita ang labas, gusto kong makita ang lugar sa taong 1895, kung totoo man.
“Maari, ginoo.”
Nang maihatid ni Binibining Lita ang mga pinagkainan ko sa kusina ay agad rin siyang bumalik upang alalayan ako palabas. Napakalawak ng dormitoryo, paano nila nagawa ang ganito kalaki nang kahoy lamang ang gamit.
Marami ring bumati sa akin, mapa babae at lalaki. Lahat sila ay nakasuot ng barong, at baro’t saya, lahat sila ay hindi ko kilala, mga guwapo at magaganda sila pilipinong pilipino at pilipinang pilipina. Sinabi rin sa akin ni Binibining Lita ay galing siguro ang mga ito sa simbahang paaralan.
Sa panahon palang ito ay sa puro katolikong paaralan ang mga nakatayo upang doon ganapin ang pag-aaral.
Nang makalabas ako ay namangha ako sa paligid, ngayon ay naniniwala na ako na wala ako sa taong 2023 kundi nasa taong 1985, dahil hindi ganito ang Manila, halos gawa sa kahoy ang lahat ng estraktura at hindi masyadong matao.
Napansin ko ang malaking pader na nasa harap ko ngayon. Shocksss!
Nasa Intramuros, Manila ako. Ang Walled City of Manila. Napakalaki ang ambag ng lugar na ito sa history ng Pilipinas.
BINABASA MO ANG
Manawari
Historical FictionThe story of the man who raincarnated with a mission to the book entitled MANAWARI. The destiny of book was imprinted in his life. Paano kung ang misyon niya ay ipagtulakan ang karakter na iibig sa kaniya? Magagawa niya kayang tapusin ang misyon? O...