NAPATIGIL ako ng tuluyan at napatayo ng diretso sa aking kinatatayuan, 'di ko akalaing mas maganda pa siya sa inaasahan ko, pang prinsesa ang kaniyang ganda, gandang pilipina ang mayroon siya.
Nakatayo siya ngayon sa aking harapan habang hawak ang laylayan ng kaniyang saya sa kanang kamay, sa kabila naman ay may hawak siyang pamaypay.
Bumuntong hininga siya, bago itupi ang pamaypay na hawak at ilagay sa kaniyang likuran. “Ginoo nais lamang kitang kamustahin, ako’y natawag pang engkanto.” Yumuko siya at bumusangot.
Ayon sa mga sinabi niya ay parang kilala ko na ang babaeng nasa harap ko.
Siya si Binibining Maria.
Lumapit ako sa kaniya nang may kaba, hindi ko kasi siya kilala tsaka ngayon lang ako makakalapit sa taong may ganitong bukod-tanging ganda.
“Binibini, ang ibig kong sabihin, parang na-engkanto ako sa ganda mo.”
“Ikaw naman, nakuha mo pang magbiro.” Ngumiti na siya.
“Kasi may mga paniniwalang ginagaya ng mga engkanto ang magagandang tao.” Pagpapalusot ko na lamang, pero totoong napakaganda niya.
“Saan mo nalaman ang paniniwalang iyan, ngayon ko lamang iyan narinig.”
'Di na ako sumagot. Baka magtanong pa siya ng kung ano-ano.
Muli niyang ibinuka ang pamaypay at itinakip sa kaniyang bibig. “Ano pala ang ginagawa mo rito sa dilim, ginoong Esteban, nakita kitang lumabas kanina kaya’t 'di na ako nagdalawang isip pang sundan ka upang kamustahin.” Lumapit siya sa akin at tumabi.
Napaayos na lamang ako sa aking pagkakatayo.
“Gusto ko lang mag lakad-lakad, tsaka makalanghap ng malamig na hangin.” Ngumiti ako nang 'di kita ang ngipin.
“Napansin ko kaninang, tila may hinahanap ka.” Tumingin siya sa aking mata, na dahilan kaya 'di ako makatingin sa kaniya ng maayos.
So kanina niya pa ako sinusundan, may lahing stalker pala itong si Binibining Maria ah.
“Ah, wala ‘yon,” sagot ko at napakamot sa aking ulo.
Nakakahiya naman kung sasabihin ko pa na hinahanap ko si Leonardo para lamang ipakita yung libro na 'di rin lang nila maintindihan.
Siguro nga ay wala na rin akong pag-asang mahanap pa si Leonardo ngayon, pangalawang pagkakataon na nabigo ako sa pag subok sa aking misyon. Mahirap pala ang ganito ang akala ko ay madali lang. Ang akala ko ay sasabihin lang, tapos, pero hindi pala, kaylangan ko pang ipagpilitan sa mga taong ito na tama ang sinasabi ko.
“Papasok na ako sa loob.” Iginalaw ko na ang aking paa papuntang loob ng bahay ng mga Villanueva.
“Ako’y makikisabay na lamang ginoo,” lumapit siya sa aking tabi at sinabayan ako sa pag lakad.
Hindi naman ako makatanggi dahil ako rin naman ang dahilan kaya siya napadpad sa lugar na ito. Sinundan ba naman ako.
Sa pag lalakad namin ay naging tahimik kaming dalawa.
Paano ba nahahawakan ni Esteban ang ganitong sitwasyon nila. Ang awkward huh. Siguro ay palabiro si Esteban at laging pinapangiti si Binibining Maria, sabi nga nila. Funny man is more attractive, it is a sign of intelligence.
“Ginoong Esteban, tila malalim ang iniisip mo ngayon?” Pagbasag niya sa katahimikan.
'Di niya na siguro kinaya ang awkwardness na namamagitan sa amin, kung alam ko lang kung paano siya kausapin ni Esteban ay ganon ang gagawin ko, pero hindi ehh, ‘di ko alam kung pa’no makipaglandian si Esteban sa magandang binibini na kagaya ni Binibining Maria.
BINABASA MO ANG
Manawari
Historical FictionThe story of the man who raincarnated with a mission to the book entitled MANAWARI. The destiny of book was imprinted in his life. Paano kung ang misyon niya ay ipagtulakan ang karakter na iibig sa kaniya? Magagawa niya kayang tapusin ang misyon? O...