KABANATA 12

1.4K 87 26
                                    

ISINANDAL ko ang aking likod sa upuang umiindayog. Napapikit ako dahil sa sarap ng pakiramdam, parang ngayon lang ako nakahiga huh.

 Nasa teresa pala ako ng bahay habang umiinom ng kape na gawa sa katas ng sunog na bigas at hinaluan ng pulot. Masarap naman, at nanunuot ang pait at tamis sa buong bibig ko.

Pinapanood ko rin ang mga taong abala sa pagbubuhat at pag-ani ng mga gulay, bigas at maging mga prutas sa aming hacienda na ihahanda para sa kasal na gaganapin bukas.

Si ate Adelina ay nasa kuwarto niya pa rin at walang imik, ayaw ring kumain at laging matamlay, masyado niya lang sigurong dinamdam ang sinabi ni Don Alipio sa kaniya.

 Samantalang ito naman ay nasa silid-tangapan at nagbabasa lamang ng mga diyaryo. Si Doña Esperanza naman ay nasa kusina at kinakausap ang mga katulong at tumutulong na rin para sa pagluluto ng mga kakainin ng mga trabahador.

Muli akong umayos ng upo upang humigop ng kape. Napapikit na naman ako sa sarap ng lasa nito, 'di gaanong mapait at 'di rin gaanong matamis.

"Ginoong Esteban." Napamulat ako ng aking mata at tumingin sa lalaking nasa harap ko ngayon.

Kilala ko siya.

Siya si Herman yung kutsero ni ate Adelina. Wait, may kasalan pa ito sakin ehh, iniwan ba naman ako nung araw na ginabi pa ako ng uwi, siya yung nagmaneho ng kalesa nung araw na iyon.

Tinignan ko lamang siya, na dahilan kaya medyo nanlaki ang mga mata niya. "Paumanhin ho ginoo, nang gabing kayo ay aking iniwan sa mga kaanak ni Madre Estelita, ako ho kasi ay gagabihin na at may importante pa raw kaming pag-uusapan ni Binibining Adelina."

Napanatag naman ako sa rason niya, busy rin pala kasi siya noong mga araw na iyon, siya kasi ang pinili ko na ipagmaneho ako papunta sa kaanak ni Madam Estelita dahil siya ang una kong nakita, 'di ko manlang naisip na abala rin siya.

"Ah, ganoon ba, paumanhin 'di ko manlang tinanong kung busy ka," saad ko sa kaniya.

 Kumunot naman ang noo niya. "Bisi?" nagtatakang tanong niya.

 Kapagod magpaliwanag sa panahong ito.

"Ah, wala 'yon, ang ibig kong sabihin ay abala ka, 'di manlang kita tinanong kung abala kaba."

"Ah." Tumango-tango siya.

Bakit pala, naparito ka?" humigop muli ako ng kape.

"Nais ko lamang hong tanungin kung kamusta ang kalagayan ni Binibining Adelina."

Tinignan ko lamang siya. "Pano mo nalaman yon?" tanong ko sa kaniya.

 Pa’no niya nga ba nalaman ang mga nangyari kagabi sa hapag kainan. May pagka chismoso to ahh.

"Ginoo, ako ho ang inatasang magbantay sa pintuan," sagot niya kaya napakamot na lamang ako sa aking ulo.

 Grabe, paghihinala ko.

Bumuntong hininga ako bago magsalita, "Andon sa kwarto niya, malungkot dinamdam niya ata ang pagbulyaw sa kaniya ni Do—ama."

Kailangan ko na talagang sanayin ang sarili ko na tawagin silang Ama at Ina.

"Siguro ay may ibang rason kaya labis na lamang ang kaniyang lungkot." Aniya sa mahinang boses kaya naman 'di ako sigurado sa narinig ko. "Ginoo, nais ko sanang mag-abot ng liham sa kaniya. Maari po bang iabot mo ito sa kaniya." May kinuha siya sa bulsa ng kaniyang punit-punit at maalikabok na pantaong suot.

Tinanggap ko naman iyon at ipinatong sa mesa. "Makakarating 'to sa kaniya." Ngumiti na lamang ako sa kaniya.

 Nagbigay rin siya ng ngiti sa akin. "Maraming salamat ginoo." Yumuko siya bago tumalikod at muling bumalik sa mga ginagawa.

ManawariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon