KABANATA 30
NAKAPATONG ang aking ulo sa balikat ni ina, habang marahan naman niyang hinahawi ang aking buhok. Sa tabi ni ina ay naroon si Ate Adelina na may sukbit na kaba sa kaniyang mukha. Mukhang matibay ang gawa-gawang ebidensya ng mga taong nagbibintang kay kuya Amado. Kaya naman mukhang mahihirapan kami sa pakikipag laban para kay kuya Amado sa kasong ito.
Tatlo kami nina ate adelina, ina tsaka ako sa iisang kalesa, habang sa kabilang kalesa ay naroon si ama. Upang makapag-isip-isip siya at upang hindi uminit ang ulo niya sa amin. Lagi daw kasing bukambibig nito kay ina na, napaka kulit na raw naming mga anak niya. Tsaka humiwalay talaga ako ng kalesa dahil hindi ako komportable kay ama, lalo't may hinanakit at pagtatanpo pa siya sa amin.
Nakipagbati na si Ama kay Don jaime. Agad naman nitong napatawad si ama dahil sa nagawa ko, dadalo daw ito sa paglilitis na gaganapin ngayon upang tulungan kaming ipaglaban si kuya Amado. Kalahati ng aking isip ay napaniwala niya sa kilos at galaw niya, pero hindi niya iyon makukuha ng buo dahil may kakaiba talaga sa kaniya.
Hindi naman ako humingi agad ng tawad. Iba parin ang pakiramdam ko sa kaniya kahit nangako na siyang tutulong sa amin. May kutob parin akong 'di siya mapagkakatiwalaan.
Huminto na ang kalesang aming pinagsasakyan. Narito na kame sa korte. Agad namang ibinuka ni Ina at Ate adelina ang kanilang pamaypay at inayos ang kanilang sarili.
“Mga anak, narito na tayo.” Mula kay ina, nauna nang bumaba si ate adelina bago siya. Pagkuwan ay bumaba narin ako.
Paglabas namin ay naroon narin si ama, diretso lamang ang tingin niya kay ina at 'di manlang tumingin sa akin. Alam kong may sama parin siya ng loob sa akin.
Kumapit si ina sa mga bisig ni ama habang ang kabilang kamay ay marahan na nagbibigay ng puwersa sa pamaypay. Ganoon din si Ate adelina, nagpapaypay din ng marahan.
Sabay-sabay kaming pumasok sa loob ng parang bahay pero may kalawakan, ito na nga ang korte, natatandaan ko palang ito dahil dito kami pumunta noong nakaraan na paglilitis.
Nang makapasok kami sa loob ay naroon na ang lahat. Ang mga hukom, abogado, hurado at maging ang mga testigo.
Umupo kami sa helera ng upuan. Tumabi ako kay ate Adelina, habang ang nasa kanan naman niya ay si Ina, katabi naman ni Ina si ama.
Nasa harapan ngayon ang abugado na si Agoncillo. Sa pagkakaalam ko ay tumuloy muna ito sa mga kaanak nito dito sa pilipinas habang hindi pa nalilinis ang kaso.
Habang sa kabilang panig naman ay wala na doon si Manang Tera. Siguro ay napansin na nila ang karamdamang at ang inaasal ni manang Tera na kakaiba. Ang kanilang abogado ay ang Cabeza de Barangay na si Remuro Galang. Seryoso ang hitsura nito at 'di makatingin ng maayos kay ama.
Hindi rin alam ni ama kung paanong naging abogado ito ng kabilang panig, nang hindi nag-aaral bilang abugado. Ang buong akala ni ama ay ginagawa lamang nito ang trabaho nito, pero iba rin ang pakiramdam ko sa taong ito. May nararamdaman rin akong kakaiba rito. Ang buong akala ko ay kaibigan din ito ni ama dahil inimbitahan pa nga kami sa pista sa kanilang barangay.
Pinukpok ng hukom ang malyete na gumawa ng malakas na tunog sa buong silid, kaya naman natuon ang aming pansin sa harapan.
“Bago natin simulan ang paghuhukom na ito ay ilabas muna ang nasasakdal.”
Kinakabahan ako sa oras na ito. Di ko pa man nakikita ang hitsura ni kuya amado sa oras na ito ay alam ko nang nahihirapan siya. Alam kong ang sinapit niya ngayon ay mas malala pa sa sinapit niya noon.
Napa akbay naman si ama kay ina, isinuksok naman ni ina ang mukha sa dibdib ni ama. Alam kong hindi kakayanin ni ina na makita ang sinapit ni kuya Amado. Dahil sa tagal nito sa kulungan ay paniguradong mas maraming pagpapahirap ang ginawa rito.
BINABASA MO ANG
Manawari
Historical FictionThe story of the man who raincarnated with a mission to the book entitled MANAWARI. The destiny of book was imprinted in his life. Paano kung ang misyon niya ay ipagtulakan ang karakter na iibig sa kaniya? Magagawa niya kayang tapusin ang misyon? O...