KABANATA 33

1K 54 23
                                    

KABANATA 33

Hunyo 20, 1895

(Makalipas ang tatlong buwan)


ANG MGA mata ni Leonardo ay nakatuon lamang sa bintana ng kaniyang silid. Isang buwan na siyang gising mula sa matagal na pagkakawala ng kamalayan.

Ipinikit niya ang kaniyang mata at bumuntong hininga bago inayos ang pagkakasandal sa ulohanan ng kaniyang malaking higaan.

Tila ayaw tanggapin ng kaniyang utak ang mga salitang binigkas ng kaniyang amang si Don Teodoro. Tila madiin na itinatatak ng kaniyang ama sa kaniyang utak ang mga katagang.

"Wala na ang iyong kaibigan. Pinag-taksilan nila tayo, sinaktan ka nila, sinaktan nila ako. 'Di sila dapat pagkatiwalaan. Matapos nila akong pagtangkaang patayin ay tumakas sila."

Mariin siyang napasabunot sa kaniyang ulo upang kalimutan ang nasa isipan.

Kung masakit man ang naghihilom ng sugat sa kaniyang tiyan at puso. Nakasisiguro siyang mas masakit ang sugat sa kaniyang damdamin. Hindi siya makapaniwalang nagawa iyon ng taong minamahal niya, taong pinagkatiwalaan niya, taong iniibig niya at ang higit sa lahat ay ang taong pinangakuan niya ng pagmamahal.

Napatingin siya sa pintuan nang bumukas ito. Pumasok ang isang binibini. May suot itong mahabang saya at magandang kasuotan pang-itaas. Puno rin ng alahas ang leeg, tainga at mga braso nito. Tila bawat galaw ay sumasabay ang pag kaluskos ng mga bilugang purselas na gawa sa ginto.

Napangiti siya ng makita ang magandang binibini. Malamya ang galaw nito ngunit may pangangahulugan.

"Leonardo, kamusta ang iyong galagayan." Malambing at maromantikong boses mula sa binibini habang palapit sa kaniya.

Ang makakapal nitong labi na pulang pula dahil sa ipinahid nitong asuete. Ang bawat galaw ng katawan nito ay tila nang-aakit.

"binibining Josefina, ano ang ginagawa mo rito sa aking silid." Seryoso ang kaniyang pagkakasabi, kahit ang puso niya ay masaya dahil nakita ang kaibigan.

Simula bata pa lamang sila ay sila na ang magkaibigan. Laging si Josefina ang kaniyang kasama at karamay. Malapit talaga ang kaniyang ama at tiyo nito.

Tila nandilim ang mukha ni Josefina. "Nang pagpasok ko sa iyong silid ay pansin ko ang iyong ngiti. Ngunit bakit sa tono ng iyong boses ay tila ako'y iyong itinataboy." Mula rito na bakas ang lungkot at panghihinayang. Umupo ito sa gilid niya kung saan may bakante pang espasyo sa kaniyang higaan.

Muling napabuntong hininga si Leonardo. "Hindi ganiyan ang aking nais iipahiwatig, nais ko lamang na malaman kung bakit ka naririto."

"Nandito ako ngayon, upang tignan ang iyong kalagayan." Ipinatong nito ang kamay sa tiyan ni Leonardo at doon ay pinaglalaruan ang mga daliri na tila naglalakad, pababa iyon hanggang sa laylayan ng kaniyang damit. "Inanyayahan ako ni Don Teodoro, saad niya ay wala si Isidro, tumungo ito sa Maynila upang mag-aral." 'Di parin talaga mawala sa boses nito ang tono na tila nang-aakit.

Muli nanaman niyang inayos ang pagkakasandal sa ulohanan ng higaan. Iyon narin ang pagkakataon upang tanggalin ang kamay ni binibining Josefina na nakapatong sa kaniyang tiyan.

Alam niyang mapapansin nito kung agad niyang tatanggalin ang kamay nito sa kaniyang tiyan
kaya naman nag-isip siya ng katanungan.

"Nais ko palang tanungin, kung bakit 'di mo inako na iyong kapatid si Gregoryo?" habang nagsasalita ay inaalis niya ang pagkakapatong ng kamay ni binibining Josefina sa kaniyang tiyan.

Napalunok naman si Binibining Josefina. Bakas sa mukha nito ang labis na kaba. "Ah... natatakot kasi akong na baka ako ang isunod nila." Tumulo ang luha sa mga mata ni Josefina.

ManawariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon