KABANATA 27
MAY KUMATOK ng tatlong beses sa aking silid kaya naman agad akong napabaliktwas sa pagkakahiga at agad binuksan ang pintuan. Binuksan ko ng malaki ang pintuan, si Clarita lang naman pala.
Yumuko muna siya sa akin bago nagsalita. “Ginoong Esteban, si Leonardo ay nagbigay ng sulat. Ipinaabot niya sa akin, kaninang nagwawalis ako sa labas.” Saad niya. Kinalikot niya ang bulsa ng saya at kinuha ang isang sobre, pagkuwa'y iniabot sa akin.
Agad ko naman iyong kinuha sa mga kamay niya. “Maraming salamat Clarita.” Nagbigay ako sa kaniya ng isang ngiti.
“Walang anuman ginoong Esteban, siya nga pala. Mukhang napapadalas ang bigayan niyo ng sulat, tunay nga napaka bait ni Ginoong Leonardo sa kaniyang mga kaibigan.”
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi niya. Gustong mawala ng aking ngiti ngunit pinipilit ng aking bibig.
“O'siya ginoo, ako na ho ay tutungo na sa hardin, mag didilig lamang ako ng mga halamang bulaklak ni Doña Esperanza.” Pagpapaalam niya.
Tatalikod na sana siya ngunit tinawag ko ang kaniyang pangalan. “Clarita.”
Humarap siyang muli sa akin. “Ano ho iyon, ginoo?”
“Magpapadala ako ng sulat kay Leonardo mamaya. And, tanong ko lang, may nakakita ba kanina sa inyo?”
“Wala pong nakakita sa amin kanina, ginoo. Gayon din ay alam kong may galit ang inyong pamilya sa mga Villanueva.” Aniya pagkuwan ay tumalikod na at umalis.
Agad ko namang sinara ang pintuan ng aking kuwarto. Inihiga ko agad ang aking sarili sa higaan. Tinitigan ko lamang ang hawak kong sobre. Nakasulat doon ang ngalan ni Leonardo na naka calligraphy pa. Mukhang printed pero hindi, sulat niya iyon.
Habang tinitignan ko ang papel ay bigla kong naalala yung sulat ni Herman kay ate Adelina. Paanong napunta iyon kay Don Teodoro.? Naiwan ko lamang iyon sa table. Shocks naman! Anong gagawin ko ngayon. Pwedeng sabihin niya iyon kay ama, pwedeng maparusahan si Herman o di naman kaya ay si ate Adelina. Gosh! Madaming pwedeng mangyari kapag nasabi niya iyon kay ama at pag naikalat iyon.
Napakamot na lamang ako sa aking ulo. Binuksan ko na ang sobre at kinuha doon ang sulata ni Leonardo.
Ginoong Esteban,
Isang araw akong hindi nakapagbigay ng liham sa iyo, huwag mo sanang isipin na nakalimutan kita. Gustuhin man ng aking puso na ayain ka sa paglabas ngunita ayaw ng aking isip. Baka hindi mo nanaman sundin ang aking payo at baka ika'y magkasakit muli.
—Leonardo Villanueva
Amo daw? Sinabi niya bang gusto niya akong makasama pero ayaw ng isip niya? Gosh!
Namumula na ako sa oras na ito dahil sa kilig. Binasa kong muli ang sulat at bawat bigkas ko ng salita ay boses ni Leonardo ang aking naririnig.
Matapos kong mabasa nag sulat ni Leonardo ay pumunta na ako sa aking lamesa upang gumawa rin ng sulat.
Papel lamang ang naroon at walang sobre kaya naman pumunit na ako ng papel.
Napaisip ko kung sasabihin ko ba sa kaniya na kinuha ng ama niya yung letter ni Herman kay ate Adelina. Pero sa tingin ko mas maganda kung sasabihin ko sa kaniya ng harap-harapan.
Leonardo, Plawad, sorry na please. Mag kita tayo sa puno ng nara. Promise susundin ko na ang lahat ng sasabihin mo.
Pagkuwan ay tinupi ko na at inilagay sa bulsa ng aking pantalon. Lumabas narin ako ng aking silid upang pumunta sa unang palapag ng bahay.
BINABASA MO ANG
Manawari
Historical FictionThe story of the man who raincarnated with a mission to the book entitled MANAWARI. The destiny of book was imprinted in his life. Paano kung ang misyon niya ay ipagtulakan ang karakter na iibig sa kaniya? Magagawa niya kayang tapusin ang misyon? O...