KABANATA 20

1.3K 70 11
                                    

KABANATA 20

“PAPARATING na ang kalesa ng mga Villanueva, Doña Esperanza.” Mula sa lalaking guwardiya na nagmamasid sa paligid. Ngumiti naman si Ina at pinagpatuloy ang paglakad upang pagmasdan ang naggagandahang disenyo ng aming  malawak na sala.

Umihip ang hangin at doon pumasok ang simoy nitong nagpagalaw sa mga mantel ng ginintuang lamesa na nailatag ng maayos at walang bahid ng lukot.

Ang sahig naman ay tila kumikinang dahil sa paulit-ulit na pagkuskos ng bao. Ang bawat apakan ng hagdan ay tila walang alikabok sa bawat sulok.

Ang ibang katulong naman ay sama-samang nagluluto sa kusina ng marami at iba't ibang mga putahe.

Ngayon ay gaganapin ang gabing pagtitipon at pagdiriwang ng nalalabing tatlong araw bago ang kasal ni Ate Adelina at Leonardo.

Napatingin ako kay Ate Adelina. Bukod tangi siyang napaka ganda. Napakahinhin rin ng kaniyang ngiti. Nakapusod ng Chic bun, maayos maayos at nakahawi na tila kahit isang hibla ay walang naka lambitin. Nakasuot siya ng napaka gandang baro't saya. Kulay puti ang kulay nito na may nakasabit na malilit na tila diyamante. Sa kaniyang pang ibabang kasuotan maman ay caramel ang kulay.

Katabi niya ngayon si Lita at si binibining Maria. “Kay ganda ng iyong kasuotan binibining Lita, iyan ay iyong itinahi?”

Napatakip naman si Binibining maria sa kaniyang bibig gamit ang pamaypay. “Maraming salamat sa iyong papuri, tama ka, ito ay aking tinahi.”  Ngumisi si ate Adelina. “Kay ganda rin naman ng iyong kasuotan, bagay na bagay sa iyo Lita, paniguradong matitipuhan ka ng kahit sinong binata.” Winika ni ate adelina na dahilan kaya namula si Lita.

“Maraming salamat Binibining Adelina. Salamat at pinahiram mo sa akin ang iyong baro't saya.”

“Walang ano man, lita. Batid kong ikaw may natitipuhan.” Napatakip naman ng pamaypay si Lita. Kinukurot  siya ni Ate Adelina ng manayad lamang. “Ikaw Binibining Maria? Kamusta ang panliligaw ng aking bunsong kapatid.”

Napa laglag balikat naman si Binibining Maria. “Huwag kang bumusangot binibini. Nakasisira sa kalagayan ng iyong magandang mukha.” Pinalikod naman ni ate Adelina ang ilang hibla ng buhok ni Binibining maria. “Batid ko ang iyong kalungkutan.”

Huminto na ang mga kalesa sa harap ng bahay dahil natatanaw na sa malaking pintuan.

“O'siya umayos na tayo, nariyan na ang mga Villanueva.” mula kay ate Adelina at naging seryoso ang kanilang mukha na tila kahit anong mangyari ay 'di sila papasungkit sa mga binata.

Nakatayo naman ako ngayon sa gilid kasama si kuya Amado. Masaya niya akong sinalubong nang nakaraan mga araw nang makarating kami dito sa Santa Cruz.

Nakasuot ako ngayon ng puting mestizo.

“Marami pang darating na panauhin. Paniguradong makakapili ng iyong binibini.” mula kay kuya amado.

Ngumiti nalamang ako at tumikhim. “Mukhang makakahanap nga ako."

“ Huwag sanang ang mukha lamang ang iyong tignan. Tignan mo rin ang kanilang pag-uugali.” Pag payo niya sa akin. Alam kong sa kabila ng sinabi ay may koneksyon iyon sa kaniyang buhay at sa kaniyang nakaraan.

“Nakahanda na ang mga pagkain. Halina't tumungo na sa lamesa.” Sumunod lamang ako sa kaniya. Pumunta kami sa napakahabang mesa.

Napansin ko na nakahiwalay ngayon ang upuan ng mga lalaki sa mga kababaihan. Ang bawat mesa narin ay may mga pagkain na nakalatag, iba't ibang putahe at iba’t ibang pagkakaluto.

Pumasok na ang mga Villanueva at umupo na sa kanilang uupuan. May mga lalaki pa na kasama ko sa mesa ngunit hindi ko naman kilala. Ang katabi ko lamang ay si Isidro at kuya amado.  Habang si Leonardo naman ay nasa aking harapan.

ManawariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon