KABANATA 28
“GINOONG Esteban, pinatatawag po kayo ni Don Alipio.” Saad ni Clarita. Habang ang kasama niya naman ay nakayuko lamang. Kumatok sila kanina kaya naman pinagbuksan ko agad. Bakas sa mukha nila ang kaba at nerbyos.
“Bakit daw?” maging ako ay kinakabahan narin ngayon dahil sa itsura nila. Daig pa nila ang nakakita ng dinasour.
“Hindi ho namin alam ginoo. Nanggagalaiti siya sa galit.” Ani katulong na kasama ni Clarita, nakayuko parin ito at labis ang kaba.
Sumama naman ako sa kanila sa pagbaba. Kinakabahan naman ako dahil, nakakatakot talaga si ama pag nagagalit.
Nakarating ako sa unang palapag at agad ko namang nasilayan si ama. Nakaupo siya sa mahabang sofa at naka patong ang braso sa mesa habang hinihilot ang sentido. Nasa tabi niya naman si Brenda at Manang Teyang na nakatayo.
“Maupo ka.” Tinuran ni ama sa malalim na boses at tila nagpipigil ng galit.
Shocks! Hindi naman siguro ito patungkol sa pagtakas ko kahapon. Sinumbong na ba ako ni Lita? Jusko!
Nang makaupo ako ay inayos rin ni ama ang pagkakaupo niya. Si Brenda at Manang Teyang naman ay nakatingin lang sa akin, di ko alam pero may ngiti sa kanilang mga labi. Ngiti na 'di gaanong halata, pero mararamdaman mo talaga dahil sa mga tingin nila.
“Saan ka galing kahapon?” Seryoso at pilit na kinakalmahan na boses ni Ama. Ito na ang pangalawang beses na mapapagalitan niya ako ng malala. Grabe na ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon dahil sa kaba. Pinagpapawisan rin ako ng sobra.
“A-ama?” di ko na mapigilan ang panginginig ng boses ko. Nakakatakot siya pag galit.
“Kailangan ko pa bang ulit-ulitin ang tanong ko, Esteban?!” Ngayon ay lumalakas na ang boses ni ama. Narinig ko naman ang mga padyak sa hagdan. Siguro ay si ina iyon o si ate Adelina.
“N-nandito lang po ako sa bahay, ama.”
“Ngunit wala ka sa iyong silid ginoo.” Singit ni Brenda. Kaya naman napatingin ako sa kaniya. Kita ko sa kaniyang mukha ang pagiging sarkastiko.
Shocks! Ano ngayon ipapalusot ko dito!
Lumapit si Ina kay ama at umupo sa tabi nito. “Anong kaguluhan ang nagaganap dito?” tanong ni ina. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag. Buti nalamang at mayroon na si Ina.
“Doña, si Esteban ay lumabas ng bahay kahapon.” May maipagmamayabang na tinuran ni Brenda.
Aba! Kanina pa sinusubok ng babaeng 'to ang pasensya ko ah.
“Pa'no mo nasabe? May patunay ka?” saad ko na bakas na ang inis. Kanina pa ako naiinis sa babaeng to eh.
“Paano ngang wala ka sa iyong silid?” pag-usisa naman ni manang Teyang nang nakangiti. Isa rin tong matandang to nakakainis narin ito eh.
“Inikot niyo ba yang mga mata niyo? Di niyo manlang ako nakita?”
“Wala ka sa iyong silid, pumasok ako doon.” May inis rin sa boses ni Brenda. Napansin ko naman ang mahinang pagsiko sa kaniya ni Manang Teyang. “Bukas din ang tarangkahan sa likod ng kusina?” dagdag pa ni Brenda.
“Ano naman kung bukas? Nakita niyo ba akong lumabas?” Iritang-irita na ako sa babaeng ito. “Palibhasa kasi kayong dalawa 'di niyo inaayos ang trabaho niyo!”
Napasinghap na lamang ako. Kalma. Felix, huwag kang papatay.
“Anak, mag-ingat ka sa mga salitang lumalabas sa iyong bibig.” Mula naman kay ina na nagaalala na.
BINABASA MO ANG
Manawari
Historical FictionThe story of the man who raincarnated with a mission to the book entitled MANAWARI. The destiny of book was imprinted in his life. Paano kung ang misyon niya ay ipagtulakan ang karakter na iibig sa kaniya? Magagawa niya kayang tapusin ang misyon? O...