“LEONARDO anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kaniya.
Lumapit siya sa akin at huminto sa aking harapan. “Ito ay pamilihan, maraming tao, at hindi lamang ikaw ang maaring bumili at pumunta rito.”
Hindi ko alam kung sarkastiko ang pagkakasabi niya, itinapat niya ang kamay sa dibdib sa dibdib at yumuko. “Magandang araw Ginoong Esteban.” Pagbati niya sa akin at nagpakawala ng matamis na ngiti.
Lagi nalang ganiyan ang ginagawa niya tuwing nagkikita kami, siguro ay mas mataas lang talaga ang antas ng buhay nila Esteban kumpara sa kanila.
“Ikaw ginoo, ano ang iyong ginagawa rito?”
“'Di ba obvious? Namamalengke.” Walang tono kong sagot sa tanong niya.
Medyo sarkastiko rin ang aking pagkakasabi. But, what the hell! parang wala lang siyang naintindihan.
“Nais kong pumunta sa pagawaan ng mga damit, para sa aking isusuot mamaya, ngunit sa tingin ko’y sasamahan na lamang kita dahil tila wala ka namang kasama,” aniya sa akin at lumingon sa ibang direksyon.
Kung makapag salita parang may mangyayari namang masama sakin rito.
Inayos ko ang pagkakahawak sa basket. “Kasama ko si Ate Adelina.”
Tumango tango lamang siya, bago kumuha ng isang mansanas na tinda ng matandang tindera tsaka kinagatan. “Kung gayon ay nasaan siya?” mula sa kinagatang mansanas ay binaling ang tingin sa akin.
Hinahanap niya na si ate Adelina. Paniguradong na nangulila siya rito, oras lamang ang nakalipas. Sana ‘di niya na lang ako kinausap! Sana hinanap niya na lang si ate Adelina!
Di ako tumingin sa kaniya bago nag salita. “May binili lamang siya do’n” untag ko sabay turo sa direksyon na pinuntahan ni ate Adelina.
Isinandal niya ang kaniyang katawan sa isang poste bago muling kumagat ng mangga. “Tikman mo ang prutas ni manang kay, tamis,”
Tumingin ako sa kaniya, at napako ang aming mga mata sa isa’t isa. Parang nag slow motion rin ang paggalaw ng kaniyang labi habang ngumunguya.
Agad ring nabasag ang pagtitig ko sa kaniya nang ibaling niya ang atensyon kay manang. “Manang kunin ko na ho itong dalawang mangga, akin na ho itong bibilhin.” Pagkabigay niya ng bayad ay agad na iniabot sa akin ang isa pang mangga. “Iyong tikman.”
Kinuha ko iyon.
Kakagat pa lang sana ako sa mangga nang biglang dumating si ate Adelina. Napaayos naman ng tayo si Leonardo inayos rin nito ang suot na damit.
“Ginoong Leonardo, mabuti at narito ka,” ani ate adelina habang inaayos ang pagkakahawak sa dala nitong nababalot ng tela. Ngumiti siya kay Leonardo, na parang walang nangyari noong nakaraang gabi lamang, parang walang magaganap mamaya.
“Ako sana’y magpapatahi ng damit, ngunit aking nasilayan si ginoong Esteban na mag-isa kaya’t siya muna ay aking sinamahan,”
“Para ba sa iyong susuotin mamaya?” muling tugon ni ate Adelina.
Tumango lamang si Leonardo.
Sa pag-uusap nila ay nag salit-salitan ang aking tingin sa kanilang dalawa, alam kong ang pinag uusapan nila ay patungkol sa gaganapin mamayang pagpaparatang sa kanilang kasal.
Ngayon ay alam ko nang mahal talaga nila ang isa’t isa at totoo ang ang mga nangyari sa libro. Si ate Adelina ang pakakasalan ni Leonardo at kahit kailan hindi magkakaroon ng nararamdaman si Leonardo kay Esteban.
Hindi siya magkakaroon ng nararamdaman sa akin.
“Batid kong mag-isa mo lang ngayon ginoong Leonardo, maari mong heramin si Esteban upang mamasyal sa buong Santa Cruz, matagal-tagal na rin niyang hindi nagawa iyon. May pupuntahan rin akong importante at paniguradong mababagot siya sa paghihintay sa kalesa.”
BINABASA MO ANG
Manawari
Historical FictionThe story of the man who raincarnated with a mission to the book entitled MANAWARI. The destiny of book was imprinted in his life. Paano kung ang misyon niya ay ipagtulakan ang karakter na iibig sa kaniya? Magagawa niya kayang tapusin ang misyon? O...