KABANATA 25

1.2K 79 19
                                    

KABANATA 25

DI PARIN mawala sa aking isipan ang pangyayaring iyon. Bakit biglang naging ganon ang inasal ni Don Teodoro? Tila bigla siyang nagkaroon ng hinanakit sa aming pamilya. Kahapon pa iyon nangyari ngunit di parin talaga mawala sa aking isipan.

Maging si Leonardo, di ko alam kung may sama siya ngayon ng loob sa akin. Di ko alam kung nagtatanim na ba siya ng sama ng loob sa aming pamilya dahil sa inasal ni ama sa harapan nila.

Napabuntong hininga na lamang ako. Sumasakit lamang ang aking ulo pag iniisip iyon. Parang hindi pa maganda ang kalagayan ko ngayon dahil nilalagnat ako.  Pakiramdam ko parin ay nanghihina ako, kaya't nakahiga lamang ako at madalang lang tumayo.

Napaupo ako upang kunin ang tubig sa lamesa na ibinigay ni Lita kanina. Napansin kong may sobre doon. Oo nga pala, iyon ay ipinabibigay daw ni binibining Maria

Uminom muna ako sa basong tubig, nakalahati ko iyon. Nang mailapag ko iyon sa mesa ay kinuha ko naman ang sobre. Nakapagtataka na ilang araw ko nang  di nakikita si Binibining Maria simula nang namatay si Gregoryo. Siguro ay nalungkot lamang siya dahil panandalian lamang niyang nakita si Gregoryo. Maging ako ay nalungkot din dahil di na pinatagal pa ang bangkay ni Gregoryo, inilibing iti agad bago sumapit ang 24 na oras. Wala pa kasing imbalsamo sa panahong ito.

Pinagmasdan ko ang sobre. Nakasulat doon ang pangalan na Maria Cruz. Ang ganda ng kaniyang pangalan. Sa apelyido nga pala nila kunuha ang pangalan ng lugar kung nasaan ako ngayon. Ang Santa Cruz.

Binuklat ko na ang sobre at kinuha ang papel na nasa loob nito.

Ginoong Esteban, mapagpalang araw sa iyo. Ilang araw na ulit kitang hindi nakita. Nalaman ko na ipinagpaalam ka ni Don Alipio para sa iyong pagliban sa paaralan. Ginawa ko ang sulat na ito dahil may gusto akong ikuwento sa iyo. Ipagpatawad mo kung hindi ikaw ang aking pinili. Ipagpatawad mo dahil mas ginusto ko si Gregoryo. Huwag mo sanang isipin na sayang ang mga oras, araw at buwan na itinuon mong panliligaw sa akin. Dahil ang lahat ng iyong ipinamalas ay nagbigay aral sa akin upang umibig. Batid kong tanggap mo ang relasyon namin ni Gregoryo. Pero sana ay totoo.

Nakalulungkot lamang dahil wala na siya. Nais ko man siyang lapitan nang araw na siya ay binaril ngunit wala akong nagawa, pinigilan ako ni ama. Nais ko mang bumisita sa kaniyang libing ngunit wala pa rin akong nagawa dahil ikinulong ako sa aking silid.

Ito lamang ang tanging magkukwento ko sa iyo aking kaibigan.

 

Nagmamahal,

Maria Cruz

 

Matapos kong mabasa ang sulat na ibinigay niya ay nakaramdam ako ng lungkot. Hindi lang sa ipinaalala niya ang pagkamatay ni Gregoryo, kundi dahil narin sa paghihigpit ng kaniyang magulang upang makita niya si Gregoryo.

Nasa Maynila na pala sila ngayon kasama niya si Tonyo upang mag-aral.

Na mimiss ko na silang makasama. Maging si Isidro ngunit di ko magawa ngayon dahil sa gulong naganap sa aming pamilya.

Nakaramdam ako ng mabilisang pagkapagod. Ganito talaga ako pag nilalagnat. Pakiramdam ko ay lagi akong pagod. Kaya naman ibinalik ko na ang aking sarili sa pagkakahiga. Tanghaling tapat pero gusto ko talagang matulog kaya naman ihiniga ko nalamang ang aking sarili.

Mabilis naman akong dinalaw ng antok.

Bumangon ako nang makaramdam ako ng lamig. Napagtanto kong nakahiga ako sa simento. Inisip ko kung anong nangyari ngunit wala akong maalala. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid. Puro hamog lamang ang aking nakikita. Pamilyar ang ganitong lugar sa akin.

ManawariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon