Kabanata 6
Tulala
"Si Estrada oh! kinikilig na isa diyan." Asar sa'kin ng pinsan ni Jona.
Sinamaan ko siya ng tingin.
Halos ramdam ko kaba sa aking puso. Hindi na ako makasulyap sa room nila naiilang ako. Feeling ko tuloy nakatitig siya sa'kin.
Tsaka akala ko ba nasa room nila si Sarao? Siraulo talaga itong pinsan ni Jona. Hindi ko alam na nasa third floor din siya it means, narinig niya boses ko kanina? Nakakahiya.
Hindi naman sa nag assumera ako pero parang ganoon na nga.
Basta ramdam ko.
Nararamdaman ko na nakatingin siya sa'kin.
"Tawagin ko ba?"
Sinamaan ko lalo ng tingin ang pinsan ni Jona. Kaibigan siya ng ex ko taga section Fornax din. "Huwag."
Kunwari may ginagawa ako. Kunwari may kinukotkot ako sa aking cellphone ngunit minsan hindi ko mapigilan sumulyap. Saglit lang ako nasulyap hindi ako makatingin ng matagal kasi tangina kasi alam ko nakatitig siya.
Umubo kunwari pinsan ni Jona hindi ko na iyon pinansin. Siguro kung ice cream lang ako tunaw na ako sa mga titig niya.
Napabuntong hininga ako nilakasan ko ang aking loob na tingnan siya. Nang nagtama paningin namin mabilis siyang umiwas. Nakikipag usap siya sa kaibigan niya minsan natingin siya sa'kin.
"Tawagin ko na lang kaya para hindi na kayo magtitigan sa isa't isa." Natatawang ani sa'kin ng pinsan ni Jona.
Dahil sa Ilang ko ay naisipan kong sumali sa truth or dare nila. Saktong tumapat sa'kin ang bote.
"Truth or Dare?" Tanong sa'kin ni Jona.
Truth, pipiliin ko ayaw ko ng dare kasi alam ko mahirap ipapagawa nila.
"Truth." Seryosong sabi ko.
Nag isip si Jona ng may itatanong sa'kin. "Hm, mahal mo pa?"
Nagulat ako sa tanong niya napalakas ata tanong niya ah. Naging seryoso expression ko sa tanong na iyon. "Hindi na."
Alam ko na si Ethan tinatanong niya sa part na iyon. Pinaikot ulit ang bote tumapat ulit iyon sa'kin tas iyong pwet ng bote ay tumapat sa pinsan ni Jona.
"Ang daya talaga ako na naman?" Reklamo ko.
Ngumisi ito ng nakakaloko. "Truth or Dare?"
"Truth."
"Sinong crush mo? Mahal mo na?"
"Isa lang dapat ang itatanong ah." Reklamo ko ulit. Napalakas ata boses ko kaya napayuko ako sa hiya.
"Wala basta sagutin mo."
"Pass ako."
"Hindi pwede may punishment pag hindi sinagot ang tanong."
Huminga ako ng malalim. "Kaklasi mo tsaka crush lang naman." Sagot ko at sumulyap sa gawi nila Sarao.
Nakita ko na nakatitig ito sa'kin habang nakikipag usap pa din sa kaibigan niya.
Mabilis akong umiwas.
Narinig niya kaya tanong sa'kin noong siraulong pinsan ni Jona? Tsaka tangina! mahuhulog ata ako lalo sa mga titig niya hindi pwede.
Sa sumunod na araw ay palagi na akong nasa reading center. Inaamin ko napunta ako doon o nasama ako kila Jona para masilayan siya.
Kakaunti lamang kaming natapos iyong iba nagbabakasyon na ata. Hindi pa naman end ang klasi. Tsaka magp-practice kami para sa moving up. Nakakahiya kasi hindi ko pa saulo nandito kami sa may stage pinapunta kami para mag practice. Iniisa-isang section halos kabahan ako dahil doon. Hindi ko alam ang step ng saya hindi naman kami tinuturuan ng class president namin.
YOU ARE READING
At The Right Time (Lastimosa Series #1)
RomanceIzzalyn Arielle Dela Cruz, with her gentle face and modesty, found her broken heart revived by Alastair Carlos Estrada. However, she discovered that loving him meant enduring pain when he chose to reconcile with his ex-girlfriend. Instead of succumb...