Kabanata 2
Lesson
Umaga laboratory namin, like mag luluto kami. Naaalala ko nga sinabi ng Ma'am.
Ayos lang maging bobo huwag lang, patanga tanga!
Hindi ko makalimutan iyon ah, tama naman si Ma'am. TLE teacher namin siya mabait siya, lalo na subject teacher namin sa MaPeh madami din kaming natutunan sa kanya about sa love or minsan sa mga problema na hindi namin kayang solutionan.
Mamimiss ko talaga section na ito. Section Daedalus. Malapit na mag end ang pasukan, mag hihiwa-hiwalay na kami.
Binura ko conversation namin ni Ethan. wala na binura ko na pati number niya binura ko na.
Ang pinagkakaabalahan ko ngayon ay magbasa ng Wattpad, wala pa akong maisip na story na gagawin ko. Ilang buwan na akong tumigil sa pagsusulat ngunit ngayon gusto ko ng ituloy ulit.
Simula noong naging kami ni Ethan nawalan na ako ng time sa pagsusulat. Puro na lang si Ethan iyong inuuna ko.
Kaya naman ngayon gusto ko na bumalik sa pagsusulat pero wala pa akong naiisip na title eh.
Maaga akong natulog kasi may laboratory pa bukas. Nagising ako dahil sa alarm clock ko hindi sa bunganga ng aking ina. Mabilis akong bumaba at iniisa-isa ang mga gamit na kailangan para sa pagluluto namin ng tocino.
Nang makalipas ang ilang oras ay heto na magsisimula na kami magluto. Ngunit tila kaiba pakiramdam ko ngayon, masakit ang tiyan ko at tila nauuhaw ako.
Kung kailan patapos na kami doon mas lalong sumakit tiyan ko. Halos manginig ako at tumirik balahibo ko.
Parang nagtatae ako.
Dahil hindi ko na kaya lumapit ako sa Ma'am. "Ma'am pwede na ga pong umuwi? Masakit po kasi tiyan ko."
Sakto kasing malapit na magtanghalian. "Magpaalam ka sa mga kagrupo mo." Sabi sa'kin ni Ma'am.
Nagpaalam ako kila Nikki at paspas na pumunta sa room. Umupo muna ako.
"Ally, mauuna na ako sa inyo." Sabi ko sa dalawa kong kaibigan. Alam na nila kaya tumango sila.
Sa'min kasi sila kakain eh, noong isang araw kasi nag sleep over kami. Naging close na nila ang inay, puro nga si Ethan topic nila eh, minsan ako.
Kinuha ko ang bag ko at nagmadaling naglakad pinigilan ko lamang na huwag lumabas ang gustong lumabas para akong manganganak sa lagay na ito. Nang malapit na ako sa bahay namin tumakbo ako ng mabilis pagpasok sa bahay, nilapag ko ang bag ko sa sofa at dali daling pumasok sa cr.
Pagkatapos sinabi ko sa inay na nagtatae ata ako, saktong dumating na ang dalawa.
"Kulang ka sa tubig kaya ganiyan." Sabi sa'kin ng Inay.
Hinang-hina ako.
"Huwag ka muna kayang pumasok, magbigay ka ng excuse letter." Sabi ni Isha sa'kin.
Ayaw ko um-absent may test sa arts mamaya.
Tsaka first time ko magsulat ng excuse letter. "Kaya nga ng makapagpahinga ka naman." Si Ally.
"Marunong kaba maggawa ng excuse letter?" Tanong ng inay sa'kin.
Tumango ako at naggawa na ng excuse letter.
Alam nila ally na uminom ako pero hindi nila sinasabi sa inay. "Alam mo kung bakit ka nagkakaganiyan?" Ally asked me.
"Bakit?"
"Uminom ka ata na walang laman ang tiyan eh." Bulong niya sa'kin.
Hindi ako umimik, tama siya hindi pa ako nakakain uminom agad ako.
YOU ARE READING
At The Right Time (Lastimosa Series #1)
RomansaIzzalyn Arielle Dela Cruz, with her gentle face and modesty, found her broken heart revived by Alastair Carlos Estrada. However, she discovered that loving him meant enduring pain when he chose to reconcile with his ex-girlfriend. Instead of succumb...