Kabanata 16

51 2 0
                                    

Kabanata 16

Incredible

May biglang nag door bell akala ko si Sarao ngunit nabigla ako ng makita ang isa sa kaibigan ko si Yina.

Anong ginagawa niya dito? Wala ba siyang trabaho?

Imbitado din siya sa kasal nila Ate Yim hindi pwedeng hindi siya imbitado kasi alam ko isa din siya sa naging kaibigan ni Ate Yim. Iyong mga pinsan ko sa family side kasama sila. Sila Ate Alexandria kaso hindi nakapunta kasi abala sa kanilang trabaho.

Kasama niya boyfriend niya. Nagbalikan din ang dalawa.

Kilala ko ang lalake, kilalang-kilala. Kaibigan ko iyan, nakilala ko sa role play world. Isa sa kaibigan kong lalake. Kaibigang lalake namin ni Kate. Inaamin ko nagkagusto ako sa kanya mga ilang araw lang.

Inayos ko ang aking sarili at mabilis na binuksan ang pinto.

"Oh, bakit parang umiyak ka?" Bungad ni Yina agad sa'kin.

"Wala ito, napuwing lang." I lied.

I know Yina can read my mind. Kahit hindi ko sabihin sa kanya nababasa niya. I know she didn't believe what I say.

"May nakita akong lalakeng kakalabas lamang sa condo mo sino iyon?" Tanong niya sa'kin.

Hindi ako nagsalita sa tanong ng kaibigan.

"Tahimik ka diyan? Sino iyon? I think he's familiar parang nakita ko na siya dati, sa Facebook." She said.

Oo talagang familiar sa'yo kasi dati sinubukan kong ireto si Yina kay Sarao ngunit mailap talaga babaeng ito.

"I think he's Alastair, right? Anong ginagawa ng lalakeng iyon? Sa condo mo?" Sunod-sunod na tanong niya.

"Long story, ayaw ko ng Ikwentu. Anyway bakit pala kayo pumunta dito?" I asked Yina.

Nakita ko pa na magkahawak kamay iyong dalawa. Mahiya naman sa single.

"Bakabalik na siya sa pilipinas gusto niya na magbonding tayong lima. Sabi niya abangan daw natin siya sa airport." Sagot ni Yina.

"Kailan daw? Paano iyan wala si Anita."

Tumawa si Yina. "Iyon nga problema eh, wala ang babaita naku iyong babaeng iyon siya pala unang mabubuntis."

Nanlaki mata ko sa sinabi ni Ainna.

"What the fuck! Totoo? Bakit hindi ko alam?"

"Kanina ko lang nalaman ayun binuntis ni Kuya. Babaitang iyon dati sinasabi niya mauuna daw ako mabubuntis siya naman pala." Natatawang sabi ni Ainna.

Napailing na lamang ang lalake niya.

"Naalala ko nga sinasabi niya na ako daw sunod na mabubuntis."

"Malay mo ikaw na nga ang sunod."

Umiling ako. "Malabo, tsaka ayaw ko pa gusto ko pa tapusin bucket list ko ano? Baka si Isabella o Ikaw."

"Bakit ako? Impossible ikaw nga. Sa wild mong iyan baka ikaw sunod eh. Ay oo nga pala lahat ng atensyon mo nasa pagsusulat walang balak magboyfriend baka naman may hinihintay o talagang hinihintay."

Ang daldal ng babaeng ito. "Patahimikin mo nga iyan." Bulong ko sa lalake niya.

Ngunit hindi ako sinunod. Inirapan ko na lamang ang lalake.

"Isabella, omg!" Sigaw ni Yina at niyakap ang babae.

Mga ilang minuto kaming nag aabang at heto nga dumating na ang babaeng hinihintay namin. Lalo siyang tumangkad sa pagkakaalam ko sikat na ito.

At The Right Time (Lastimosa Series #1)Where stories live. Discover now