This is a last chapter and next is Alastair's point of view.
------
Kabanata 35
Lifetime
Tulala ako habang pinagmamasdan ang bituin.
Siguro masaya na siya ngayon hindi na siya mahihirapan pa sayang ang dami niyang pangarap sa buhay ngunit hindi ko aakalain na kukunin bigla siya.Nasa labas ako ngayon ng bahay nila Bless. Naramdaman ko ang paglapit sa'kin ng lalake. Magsasalita sana siya ngunit biglang tumunog ang kaniyang cellphone.
Nilingon ko ito at nakita kung sino ang tumawag. Kumirot ang aking puso dahil doon. Umiwas ako ng tingin at tiningnan na lang ang bituin mula sa langit.
"Hello, Essa? Why?" Seryosong tanong niya sa babae.
Iyon ang huli kong narinig. Tumulo ang aking luha, paano ko siya papatawadin, paano ko siya kakausapin kung ganito? Paano? Pinanghihinaan ako ng loob, nasasaktan ako.
Walang tigil ang pag agos ng aking luha. Naramdaman ko na lumakas ang hangin na tila ba may yumakap sa'kin. I hate being weak, tangina akala ko ayos na, akala ko hindi na ako iyong, Arielle na mahina ngunit ano ito? Tanga na naman ba ako? Bigo na naman ba ako sa pag ibig? Bulag na naman ba ako?
Anong magagawa ko, greatest love niya iyon at halata ko mahal niya pa din. Sobrang sakit isipin talaga na ganoon.
Ako na mismo iyong lalayo, ayaw ko ng gulo. Ayaw ko na ipagpilitan sarili ko sa isang taong hindi naman talaga ako totoong minahal.
Huminga ako ng malalim at pinunasan ang aking luha. Tumayo ako at nagbalak na bumalik sa loob. Magpapaalam na ako sa lola ni Bless bukas na lang ako pupunta dito.
"Lola, aalis na po ako. Condolence po."
"Salamat sa pagpunta mo dito hija, siguro ang saya ngayon ni Bless kasi pumunta ang paborito niyang guro at tinuring niyang ina. Mag ingat ka sa pag uwi anak." Saad ni Lola sa'kin.
Tumango ako at yumakap kay Lola. Pagkatapos yumakap ay nagpaalam na ako na aalis na. Saktong paglabas ko sa bahay nila bless.
Saktong nandoon na din si Alas.
Nagkatinginan kami kaya naman ako ang mabilis umiwas. "Tara na." Malamig na saad ko sa kaniya.
Wala siyang nagawa kun'di sumakay sa motor at ako naman ay umangkas na. Tahimik lang kaming nag b-byahe pauwing bahay.
"A-"I cut him off. "Bilisan mo sa pag d-drive inaantok na ako." Malamig na saad ko sa kaniya.
Maluwag ang pagkakayakap ko sa kaniyang bewang at dahil sa sinabi ko pinaspasan niya nga ang pag d-drive kaya napayakap ako ng mahigpit sa kaniya. Bumilis ang pintig ng aking puso. Nakaramdam ako ng pangungulila sa kaniya ngunit sa tuwing naalala ko iyon tumataas ang pride ko.
Tumigil kami sa tapat ng seawall at saktong nandoon si Tatay. Nakita ko siyang nagmano kay tatay. Hindi ko na siya hinintay pa deretsyo na akong naglakad papunta sa aming bahay.
Pagpasok ko ay nakita ko ang aking ina na nagcecellphone. Tumayo siya ng maramdaman na nandito na ako.
''Alas?''Akala ko hindi susunod sa'kin si Alas ngunit hindi ko aakalain na susunod siya sa'kin. Hindi ko nilingon ang nasa likod ko at nagpatuloy lang sa paglalakad paakyat sa taas.
Rinig ko ang tanong ni Inay sa lalake. ''Ayos na ba kayo? Bakit mas lalo atang nalungkot ang anak ko?''
Hindi ko narinig ang sagot ng lalake dahil may biglang tumawag sa aking cellphone.
And It's Ainna.
''Hello?''
''Buti sinagot mo ang tawag ko. Nandito ako ngayon sa tinitirhan ni Kate.''
YOU ARE READING
At The Right Time (Lastimosa Series #1)
RomanceIzzalyn Arielle Dela Cruz, with her gentle face and modesty, found her broken heart revived by Alastair Carlos Estrada. However, she discovered that loving him meant enduring pain when he chose to reconcile with his ex-girlfriend. Instead of succumb...