Kabanata 5

69 1 0
                                    

Kabanata 5

Reading Center

"Magandang umaga, Inay!" Sigaw ko at niyakap ang Inay, hinalikan ko pa ito sa pisnge nagulat ito dahil sa inaasal ko ngayon.

Ngumiti ako sa inay at nagpaalam na para maligo.

Mga ilang minutes ay natapos na ako sa morning rituals ko. Hinihintay ako ng pinsan kong si Thine. Nagpaalam na ako sa inay na papasok na kami.

Habang naglalakad kami hindi ko mapigilang tanungin siya about sa boyfriend niya. Taga malabon ito, strong pa din sila ilang years na silang magkarelasyon. Minsan nga saksi ako sa pag aaway ng dalawa o tampuhan eh.

"Okay naman, kausap ko iyon kagabi. Pag hindi pa ako inaantok hinihintay niya na antukin ako para sabay kaming matulog." Aniya habang may ngiti sa labi.

My cousin is inlove.

Base pa lang sa mata niya mahal niya iyong lalake.

"Ah, mahirap ba long distance relationship?" Hindi ko mapigilang tanungin naalala ko kasi na ayaw ni Alas ng long distance relationship kahit sa mamburao lang siya mag aaral.

"Mahirap pero kinaya ko naman."

"Sa bagay kung mahal niyo isa't isa o may tiwala kayo sa isa't isa makakaya niyo." Seryosong sambit ko habang tulalang nakatingin sa daan.

Hindi ko pa nararanasan ang long distance relationship. May nagiging boyfriend ako malapit lang at nagkikita pa kami. Noong time na iyon hindi ko pa sineseryoso it's puppy love kahit kay Ethan puppy love lang.

"Minsan nakakapagod din." Aniya sa matamlay na boses.

Nakakapagod naman talaga magmahal, nakakapagod umintindi.

Naging mahaba kwentuhan namin hanggang sa nandito na kami sa gate. Pumasok na kami sa gate at nagpaalam na ako sa pinsan ko. Pagpasok ko sa room nakita ko agad ang kaibigan ko na si Isha.

Sa tuwing umaga wala akong ganang mamansin. Umupo ako sa aking upuan at nag earpod na lang. Earpod naman gamit ko ngayon hindi na headphone.

Pagbukas ko sa aking social media account bumungad agad sa'kin si Alas. Online ito kaya naman chinat ko ito nag goodmorning ako sa kanya. Ako pa talaga nagfi-first move wala eh, kinapalan ko na mukha ko tsaka ako naman lagi nag fi-first move saming dalawa eh.

Kahit noong kami pa ni Ethan ako nagfifirst move, minsan kasi nagk-kwentu ako sa kanya, minsan nangangamusta.

May kalokohan na naman pumasok sa utak ko. Gayahin ko kaya si Luna?

Iyong sa The Rain in España malay mo kiligin din lalakeng ito. Napakagat ako sa aking labi ng tinype ko iyong sasabihin ko.

Arielle Dela Cruz: Alastair Carlos Estrada ba full name mo?

Mabilis siyang nagreply. Siguro nasa room na nila ito.

Alastair Carlos Estrada: Yap, HAHAHA Why?

Hindi ko mapigilan kiligin dahil sa iniisip ko o sa ibabanat ko. Nawala lang ngiti ko ng mapansin nakatingin pala sa'kin si Edmund.

Ngumisi ang kaibigan ko ng nakakaloko.

Arielle Dela Cruz: Too long, Can I call you mine?

Sa sobrang kilig ko hindi ko mapigilan mapasigaw kaya naman halos lahat ng kaklasi ko napatingin sakin.

Tinanggal ko earpods ko.

"Why?"

"Ingay mo, halatang kinikilig sa kachat." Natatawang ani Edmund. Habang iyong iba binalewala na lang nila pagsigaw ko.

At The Right Time (Lastimosa Series #1)Where stories live. Discover now