Kabanata 30
Lastimosa Family
Maaga akong nagising kaya naman naisipan kong bumangon na. Bababangon sana ako ngunit mabilis akong niyakap ni Alas.
Pilit kong inaalis ito ngunit lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak mula sa aking bewang. "Babangon na ako." Mahinang saad ko sa kaniya.
Humarap ako sa kaniya kaya naman unti unti siyang sumiksik sa'kin. "Ten minutes." Malambing na saad niya.
So I just let him. I played with his hair while waiting for the ten minutes he was saying to end.
After a few minutes, he let go of his embrace. That's why I got up and went downstairs. When I came down, my mother looked at me now that they were fixing things. They are going to Abra and I will be there tomorrow.
Madami pa akong gagawin.
"Oh anak, gising ka na pala. Ikaw na bahala sa bahay ah." Saad ni Tatay.
Tumango ako at niyakap sila. "Opo, tsaka susunod na lang po ako sa inyo."
"Sinabi ko pala kay Alas na samahan ka niya dito ng isang araw. Pumayag naman siya at tsaka niyakag ko siyang pumunta sa abra kasama ka hindi naman tumanggi ang batang iyon lalo na't gusto niya talaga makilala ang angkan na'tin sa Lastimosa." Mahabang saad ng inay.
Tumango na lang ako sa sinabi ng inay. Balak ko naman talagang isama si Alas. Talagang inunahan lang ako ng aking Ina. "Basta inay, ingat kayo sa byahe. Tatay, dahan dahan sa pagpapatakbo ah."
"Opo." Natatawang saad ni Tatay.
Nang lumabas na sila ay nagsimula na akong magtimpla ng kape. Habang nainom ako ng kape at nakain ng pandesal ay saktong bumaba na si Alas galing sa taas.
Lumingon ako sa kaniya at ngumiti. May nginunguya pa akong pandesal kaya ramdam ko paglubo ng aking pisnge. Nang nasa gawi ko na siya nanlaki ang aking mga mata ng biglang pinisil ni Alas ang aking kabilang pisnge.
"Cute mo." Rinig kong bulong niya.
Umiwas ako ng tingin sa kaniya at sumimsim na lang ng kape.
"Teacher Arielle, shota mo po?" Bungad ni Bless pagpasok ko sa room.
Hinatid ako ni Alas papunta sa school. "Yeah, pogi diba?" Bulong ko sa kaniya at tumingin kay Alastair.
Ngayon ay nakikipag usap siya sa kaniyang pamangkin. Nang maramdaman niyang nakatingin ako ay lumingon siya sa gawi ko kaya naman umiwas ako ng tingin.
"Bagay po kayo. Ang bait mo ni Kuya tsaka halata pong inlove sa'yo." Kuminang ang mga mata ng bata nang sinabi niya iyon.
Ngumiti ako dito. "Paano mo naman nalaman iyang inlove inlove na iyan."
"Kay lola po, kin-kwentu niya po kasi sa'kin iyong nakaraan niya. Kung paano daw po siya nainlove kay Lolo." Manghang saad niya.
Ang bata pa niya ngunit malawak na ang kaniyang pag iisip.
"Iyong tingin kasi po ni Kuya sa'yo ay may spark. Sabi ni lola ganoon din daw tumingin ni lolo sa kaniya noong kabataan nila. Halata pong ikaw lang prinsesa niya. Si lolo kasi sabi sa'kin ni lola ano daw po, hindi natingin sa iba ang nakikita at tanging prinsesang nakikita niya ay si Lola. Kailan ko kaya po iyon mararanasan?" Seryosong saad ng bata.
Nanlaki ang aking mata. Ang lawak talaga ng pag iisip ni Bless. "Mararanasan mo iyon kapag lumaki kana, bata ka pa bless. Madami pang mangyayari sa buhay mo."
"Malabo ko na ata pong maranasan iyon." Malungkot na saad niya.
Nagtaka akong tumingin sa bata. "Why?"
YOU ARE READING
At The Right Time (Lastimosa Series #1)
RomanceIzzalyn Arielle Dela Cruz, with her gentle face and modesty, found her broken heart revived by Alastair Carlos Estrada. However, she discovered that loving him meant enduring pain when he chose to reconcile with his ex-girlfriend. Instead of succumb...