Kabanata 3
Crush
Hindi ko namalayan na napangiti ako ng makita na nagreply si Kuya.
Ilang minuto ay natapos na morning rituals ko sa tuwing may pasok, habang nagsusuklay ako nabigla ako ng nasa tapat na ng pinto pinsan ko na si Kate. Dati ako nanghihintay sa kanya ngayon naman siya na.
Nang matapos na ako magsuklay nanghingi ako ng baon sa inay at nang binigyan na ako nagpaalam na ako.
Nandito na ako sa school, pagpasok ko sa room nakita ko agad sila Isha. As always nasa upuan na naman siya ni Ma'am nagcecellphone. Minsan tuwing umaga nanahimik ako tas mayamaya mag iingay na ako.
May pagka-introvert ako minsan eh.
Hindi ako makakausap pag nakaheadphone.
Nilagay ko muna ang aking bag sa upuan ko at umupo sa row one. Sa pinakaunahan nanonood lamang ako ng videos sa facebook. Minsan nga naririndi ako ang hina ng signal dito sa Mindoro.
Kachat ko si Kuya sabi niya nasa room na daw siya.
Mga ilang minuto nandito na adviser namin. Filipino subject namin siya at adviser.
Ang Ma'am kilala siya ni tatay. Madami kilala si Tatay dito sa Paluan Occidental Mindoro halos parang lahat nga kilala niya. Nang magsisimula na kaming maglesson ay tinago ko ang aking cellphone sa aking bulsa at bumalik na sa upuan ko.
"Manlilibre iyan." Sabi sa'kin ni Bakla.
Napakunot na lamang ako ng noo minsan naiinis na din ako but wala eh hindi ko siya matiis, hindi ko matiis mga kaibigan ko.
Hindi ako umimik at naglakad na lamang papunta kami sa canteen. Habang papunta kami sa canteen nakita ko si Kuya Alas. Nakikipag usap siya sa isa niyang kaklase. Napapansin ko palagi ko na lang napapansin si Kuya Alas.
Nabigla na lang ako sa aking sarili dahil napangiti ako sa kun'ting ngiti lamang ng lalake. Parang nabuhay na naman ang durog kong puso.
Bakit ganito? Ano na naman? Bakit ganito nararamdaman ko? Hindi ito pwede, akala ko ba takot kana mahulog? Crush lang naman eh, what?! Crush! No way, hindi mo siya crush kuya kuyahan mo lang siya.
Napailing ako at pumasok na sa canteen.
Ang sabi niya ililibre niya ako pero hindi niya ata ako nakita.
Ito inuuto ako ng kaibigan ko, ay naku! Uto-uto pa naman ako minsan si Ennie na naubos ng pagkain ko. Ewan ko sa baklang ito may baon naman siya, feel ko binigay niya ito sa crush niyang grade seven.
Nasa labas lamang kami ng room nagk-kwentuhan. Inaasar ako nila ally na ang rupok ko daw. Pinapaalala niya pa sa'kin iyong nagbreakdown ako, malaking katangahan na naman iyon. Naulan pa nun tas nagsisisigaw ako ang sakit na kasi.
"Ethan, akala ko ako lang. Ang sakit mong mahalin!" Panggagaya sa'kin ni Ally.
Napapairap na lamang ako sa pang aasar niya.
"Shh, tumigil kana nga." Inis na sambit ko. Ngunit nagpatuloy pa din siya.
Tumigil lamang siya ng dumating na susunod na subject teacher namin.
Mga ilang oras natapos na klase namin sa umaga, mag isa akong naglalakad. Hindi sa'min kakain iyonh dalawa, ewan ko sa dalawang iyon.
Derederetsyo lamang ako maglakad habang nakaheadphone para bang walang pakialam sa mundo. Ganito ako eh, walang pakialam sa mundo. Tahimik talaga akong tao, pero pagdating sa mga kaibigan ko maingay ko. Maingay ako depende na lang pagclose ko.
YOU ARE READING
At The Right Time (Lastimosa Series #1)
RomanceIzzalyn Arielle Dela Cruz, with her gentle face and modesty, found her broken heart revived by Alastair Carlos Estrada. However, she discovered that loving him meant enduring pain when he chose to reconcile with his ex-girlfriend. Instead of succumb...