Kabanata 13
Hot
Biglang may kumalbit sa'kin at si Yina iyon.
"Tulala ka diyan? May naalala ka?"
Umiling ako sa tanong niya. "Wala."
Hindi na niya ako tinanong pa.
"Oo nga pala, iyon lalake bang bida sa story mo nasa totoong buhay?" Anita asked.
Hindi ko siya inimikan. I really don't want to talk about it. But yes, ang bidang lalake sa storyang ginawa ko ay nasa totoong buhay at si Alas iyon.
I used to think maybe there was a right time for us but now I'm afraid to hope. I thought maybe that would only happen in the novel. Maybe only in the novel I actually wrote we have an end game.
Biglang nagsalita si Kate. "Ate, dito kana matulog. Dito din kasi tutulog ang dalawa eh."
"Kaya nga minsan ka lang namin makabonding sulitin na."
"Paano iyong gamit ko sa condo? Wala akong dalang damit."
"Edi iyong damit ko muna suotin mo, Ate."
"Nakakahiya."
Napangisi si Ayi. "Bakit hindi mo na lang utusun iyong boy best friend mo na idala dito ang mga gamit mo para hindi kana bumalik bukas sa condo."
What she was talking about was Theo, they recognized him because I will also tell them about Theodore. He is my childhood friend. I met him before in Calawagan and then we became friends online.
He used to vacation in Mindoro, my parents and especially my cousins already know him. Maybe Kate will also talk to them about Theo.
"Nakakahiya naman dun."
"Nahiya ka pa, Arielle doon. Lakas nun sa'yo." Sabi ni Ayi.
Iyong ngiti niya may meaning. "Tsaka may nahahalata ka ba?" She asked me.
"Ano?" Walang kaalam-alam na tanong ko.
Sa totoo lang si Theo din iyong nagbayad sa condo ko nakakahiya nga eh.
Tumawa ng mapakla ang babae. "Ay tanga, manhid kaba?"
"Oh, anong connect dun?"
"Ay boba ka talaga, Arielle."
Hindi ko na inimikan si Ayi, nagpaalam ako sa kanila.
Tatawagan ko kasi si Theo.
"Arielle? Napatawag ka?"
"Pwede bang padala ng mga gamit ko dito sa bahay na tinitirhan ng pinsan ko? Nakakahiya naman."
He laughed. "No, it's okay. Bukas na diba luwas mo papuntang mindoro?"
"Yes, nakakapagod kasi pagbalikan." Nahihiyang sambit ko sa kanya.
"I'll come with you, ibibigay ko sa'yo gamit mo in the early morning. Send me the address."
Nanlaki mata ko sa sinabi ng lalake. Sasama siya? Bakit?
Magsasalita sana ako ng bigla akong tinawag ni Ayi. "Arielle, bilisan mo diyan laro tayo put your fingers down."
Nagpaalam na ako sa lalake at bumalik na sa gawi nila Ayi. Nakita ko na may hawak na wine si Anita.
"Kung sino matalo sa put your fingers down, iinom siya nito isang lagok." Sabi ni Anita.
Takte, mahina ako sa alak.
"Aba, ayaw ko uminom. Lalasingin niyo ata ako eh." Reklamo ko.
"Tanga, kung sino nga natalo diba? Malay mo hindi Ikaw, sige game ako diyan." Si Ayi naman nagsalita.
YOU ARE READING
At The Right Time (Lastimosa Series #1)
RomanceIzzalyn Arielle Dela Cruz, with her gentle face and modesty, found her broken heart revived by Alastair Carlos Estrada. However, she discovered that loving him meant enduring pain when he chose to reconcile with his ex-girlfriend. Instead of succumb...