Kabanata 24
Happy birthday
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa'kin. Tiningnan ko ang oras halos manlaki mata ko dahil late na ako. Pagtayo ko napahawak ako sa aking ulo nahihilo pa ako.
Ayan, inom pa Arielle.
Binalewala ko na lang pag kahilo ko at dali-daling kinuha ang tuwalya tapos bumaba na mula sa taas. Pagkababa ko bumungad sa'kin ang inay.
Magsasalita sana ang inay ngunit hindi niya natuloy dahil deretsyo na akong pumunta sa bathroom.
Mga ilang minuto ay nasa classroom na ako. Tumahimik ang mga bata pagpasok ko sa classroom.
"Good morning."
"Good Morning, Teacher Arielle." Sigaw ng mga bata.
Pagkatapos nun ay umupo na sila at nagsimula na kaming magklasi. Kahit nahihilo pa ako ay patuloy pa din ako sa pag tuturo sa mga bata. Nang mag break time na napasubsob ako sa aking lamesa dahil sa hilo.
Naramdaman kong may lumapit sa'kin kaya naman inayos ko ang aking upo.
"Teacher Arielle, kape po pinadala po sa'kin ni Tito sorry po kung hindi na mainit ah." Inosenteng saad ni Wyn sa'kin.
Napatingin ako sa hawak niyang lalagyan ng tubigin. Kinuha ko iyon at ngumiti. Ininom ko iyon ng isang lagok lang dahil hindi na din naman mainit. "Hindi ka mag rerecess?"
Umiling ang bata. "Tinatamad po ako eh. Oo nga po pala, si Tito ko nag timpla 'nan sinabi niya po sa'kin na ibigay ko daw po sa'yo kasi po may hang over ka daw po. Ano po pala iyon?"
"Uminom kasi ako kagabi." Pag amin ko sa bata.
"Ano po ininom mo? Milk ba po o Milo?"
Tumawa na lamang ako at kinarga siya upang iupo sa aking dalawang hita. "Basta, Wyn."
"Kumusta po pala paa mo po? Sabi po ni Tito na injury daw po ang iyong paa noong may program daw po kayo."
"Ayos na din naman." Sagot ko sa bata.
"Ganoon po ba, oo nga po pala pupunta ka ba po sa birthday ni Tito ko? Gusto po kita makita doon, Teacher Arielle."
Kumunot ang aking noo at kuryusong tinanong ang bata. "Birthday?"
"Opo, birthday po. Birthday po kasi ngayon ni Tito Alas." Sagot ng bata sa'kin.
16th of October pala birthday niya. Ngayon ko lang nalaman.
Mga ilang minuto kaming nag usap ni Wyn madami siyang kinikuwento sa'kin. Minsan nagiging topic na naman namin si Alas.
Mabilis ang oras ngayon ay kakatapos lang ng klasi namin. Tanghalian ngayon kaya ang ibang mga bata ay nag sisiuwian na habang ako ay papalabas sana ngunit bigla akong tinawag ni Wyn. "Teacher Arielle."
"Yes? Dito ka magtatanghalian, anak?" Tanong ko sa bata.
Tumango ito. "Opo, hinihintay ko lang po iyong pag kain ko. Kasi naman po naiwan ni Tito lunchbox ko kakamadali." Ngumuso ang bata.
Natawa naman ako at lumapit na sa kaniya. "Tsaka po, pwede ka pong sabay po tayo mag tanghalian? Gusto po kita makasabay sa pagkain, Teacher Arielle pwede ba po?"
"Sure." Dito na din naman ako nakain dahil minsan kasi tinatamad na ako umuwi pag tanghalian.
Hindi muna ako kumain. Hihintayin ko pa si Wyn wala pa kasi lunchbox niya. Habang nakikipag usap ako sa bata nakita ko pagtigil niya sa may pintuan.
Siguro nandito na si Alas. Ngunit paglingon ko nanlaki ang aking mata ng makita ang pamilyar na lalake.
Si, Briant pinsan ni Alas.
YOU ARE READING
At The Right Time (Lastimosa Series #1)
RomanceIzzalyn Arielle Dela Cruz, with her gentle face and modesty, found her broken heart revived by Alastair Carlos Estrada. However, she discovered that loving him meant enduring pain when he chose to reconcile with his ex-girlfriend. Instead of succumb...