Kabanata 25
Manliligaw
Paulit ulit na pumapasok sa isipan ko ang sinabi sa'kin kagabi ni Alas.
'Hayaan mo akong ipakita sa'yo, hayaan mo ako na mahalin ka.'
Napasabunot ako sa aking buhok.
I can't really forget what he said, I didn't get it when he said it, but that night I could feel my heart beating because of what he said.
"Arielle, hoy! Kanina ka pa tulala. Nababaliw ka na ba? Sinasaktan mo ang iyong sarili, anong nangyari sa'yo?" Si Ally.
Nandito kasi ako sa office niya ngayon ay breaktime.
"Wala, may naalala lang."
Natawa si Ally sa sinabi ko. "May nangyari ba kagabi? Ang lalim kasi ng iniisip mo."
"Ano bang ibig sabihin... ng hayaan mo akong ipakita sa'yo, hayaan mo ako na mahalin ka?"
Nagulat siya sa tanong ko. "Hindi mo gets?" She asked me back.
"Medyo,"
"Ang ibig sabihin nun gusto ka niya. Sinabi niya na hayaan mo daw na ipakita niya nararamdaman niya sa'yo at hayaan mo na mahalin ka niya. Si Alas ba nagsabi 'nan?"
Tumango ako bilang sagot.
"Gusto ka niya o mahal ka na niya. Siguro hindi pa siya sure sa nararamdaman niya sa'yo."
"Ha?"
"Lutang, Arielle. I said he likes you or maybe he already loves you. He hasn't quite discovered his feelings for you yet so he said to let him love you. Maybe he wants to make sure he feels for you, obviously that guy doesn't want to hurt you."
Magsasalita na sana ako ngunit bigla ng nag bell kaya naman nag paalam na ako sa kaibigan ko. Ngayon ay babalik na ako sa classroom mag sisimula na kaming magklasi.
Mga ilang minuto akong nagsalita sa unahan habang nakikinig ang mga bata. Kaya naman pagkatapos ko mag lesson ay pinagawa ko sila ng activity. Umupo ako sa aking upuan. Habang nag scroll ay naramdaman kong may lumapit sa'kin at kilala ko na kung sino iyon. It's Wyn. Halatang sanay na ang bata sa'kin.
"Tita, tapos na po ako pwede ba po ako umupo sa hita mo po?" Malambing na tanong niya.
Nasanay na din siya na kumalong sa dalawang hita ko. Hindi naman siya mabigat ang gaan niya nga. Nilapag ko ang aking cellphone sa lamesa at tumango. Binuhat ko siya at pinaupo sa aking dalawang hita.
"Oo nga po pala, bakit ka po pala biglang lumabas po kagabi?"
Naalala ko na naman ang mga nangyaru kagabi. Hindi ko aakalain na mapapaamin ako dahil lamang sa insecurities ko at selos. "Nagpahangin lang ako." Malambing na saad ko sa bata.
"Sumunod po si Tito ko sa'yo kaya din po sumunod ako. Nakita ko po na umiiyak ka po, bakit ka po umiiyak? May nangyari na po?"
"Wala iyon, Wyn. Napuwing lang ako."
Inosente siyang tumango. "Ganoon po ba, akala ko po kung anong nangyari na po." Ngumiti siya ng matamis sa'kin. Nawala ang matamis na ngiti niya ng may maalala kaya naman may dinukot siya sa kaniyang bulsa nakita ko ang hair clip na binigay sa'kin noon ni Alas. "Pinabibigay po ni Tito, siya po sana magbibigay sa'yo kaso po may kailangan po siyang gawin kaya po inutos na lang po sa'kin."
Kukunin ko sana iyon ngunit inilayo niya. "Isusuot ko po sa'yo." Saad niya.
Tumango ako. Nilagay niya iyon ng maayos sa'king buhok napapalakpak siya ng matapos iyon.
YOU ARE READING
At The Right Time (Lastimosa Series #1)
RomanceIzzalyn Arielle Dela Cruz, with her gentle face and modesty, found her broken heart revived by Alastair Carlos Estrada. However, she discovered that loving him meant enduring pain when he chose to reconcile with his ex-girlfriend. Instead of succumb...