Kabanata 22

33 2 0
                                    

Kabanata 22

Wind

"Tito, tara na po." Taway sa kan'ya ni Wyn.

Napalingon ako sa bata ngumiti ito sa'kin. I smiled her back. "Ingat kayo sa pag uwi." Saad ko.

"Ikaw din po, Teacher Arielle. Happy teacher's day ulit po." Lumingon siya sa Tito niya. "Tara na po, Tito."

Magsasalita sana ang lalake ngunit hinila na siya ng bata. Lumingon ulit ang bata sa'kin at nag wave ngumiti na lamang ako.

"May susuotin kana ba para sa prom mamaya?" Ally asked me.

Nandito ako ngayon sa office niya. Break time ngayon kaya naisipan ko na pumunta dito. Friday ngayon at kagabi in-announcement sa'min na may program mamayang gabi kaya half day kami.

"Mayroon na, simple lang naman iyong sa'kin. Ikaw ba?"

"Mayroon na din."

Tumango na lang ako. Nang magbell na ay lumabas na ako at pumunta na sa room ang mga bata ay tumigil sa pag lalaro ng makita ako.

Nag si-upuan silang lahat.

Uwian na. Ngunit nandito pa din ako sa classroom. Nandidito pa kasi si Wyn hinihintay sundo niya. "Sino ba susundo sa'yo?" Malambing na tanong ko kay Wyn.

Hindi si Alastair ang naghatid sa kan'ya papunta dito sa school kun'di ang papa niya. Akala ko siya maghahatid sa bata ngunit nagkamali ako.

"Si, Papa po. Teacher Arielle. Si, Tito Alas kasi po busy po sa trabaho kaya po si Papa na lang po naghatid sa'kin." Sagot sa'kin ng bata. "Miss mo po si Tito, ano?" Biglang saad ng bata.

Nanlaki ang mata ko at umiling. "Hindi ah."

"Teacher Arielle, halata po sa mata mo hehe. Hinahanap mo po si Tito ko. Crush mo na po si Tito ko?" She giggled.

Hindi ko sinagot ang tanong ng bata. "Saan mo naman nalaman ang salitang crush?"

"Kay Tita Ellin po. Sabi niya po normal lang mag kacrush kasi po hanga lang daw po iyon."

The kid is right. Normal lang naman mag kacrush kasi hanga lang iyon. Hinahangaan mo lamang ang isang tao.

"So, crush mo nga po si Tito ko?" She asked again.

Magsasalita sana ako ngunit may biglang tumikhim mula sa likod ko. Nandito na pala sundo ni Wyn. Lumingon ako mula sa likod ko. Nanlaki mata ko ng makita si Alastair.

Umayos ako ng tayo.

Tumakbo ang bata papunta sa lalake at nagpabuhat. Binuhat naman siya nito. "Uhm, hi." Bati niya sa'kin.

Ngumiti ako dito. "Hindi ko nahatid si Wyn kanina papunta dito. Bigla kasi akong tinawag ng chief namin." Paliwanag niya sa'kin.

Hindi ko alam kung bakit siya nag e-explain sa'kin. "Uhmm, ayos lang. Buti at nandito kana kanina pa kasi naghihintay si Wyn hindi ko naman maiwan iwan dahil walang kasama."

Tumango ang lalake iyong mga mata niya ay hindi pa din umiiwas ng tingin sa'kin. Nawala lang ang atensyon niya sa'kin ng biglang nagsalita ang bata. "Tito, sabi ni Teacher Arielle crush ka daw po niya."

Laglag ang panga ko sa sinabi ng bata. Wala akong maalala na sinabi ko iyon. Tumingin sa'kin si Alastair at napangisi. Bigla na lang akong namula doon. "Wala akong maalalang sinabi ko iyon. Ikaw talagang bata ka."

"Pero, sabi po ni Tita Ellin. Silent means yes po. Kaya crush mo nga po si, Tito ko."

Gosh! Ang daldal ng batang ito. Tumingin ako kay Alastair muli nakatingin pa din siya sa'kin. "Hindi totoo iyon."

At The Right Time (Lastimosa Series #1)Where stories live. Discover now